Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

HIGH SCHOOL REUNION

(Ang Pagbabalik)

 

 

Tuwang-tuwa si Ramil nang dumating ang isang mahirap na tanggihang paanyaya. Ipagdiriwang ng kanilang klase ang ika-dalawampung taon ng kanilang pagtatapos sa mataas na paaralan. Mahigpit at mapilit ang paanyaya ng mga namumuno, na sila, na mga nangibang bansa ay umuwi at makisaya.

Naiisip niya. Makikita na rin niyang muli ang kanyang mga dating mga kaibigan, mga kamag-aral, mga kaaway, mga kinaiinggitan, mga naiinggit, mga chrushes na iyong nililigawan ng ligaw tingin at mga nabubuhay pang mga guro na iyong ginagalang. At ano’ng malay niya, baka isang himala ay makita niya ang kanyang dating high school sweetheart na si Caroline.

First love niya si Caroline. Bagay na bagay sila sa isa’t isa. Si Caroline ang pinakamaganda sa kanilang klase. Siya naman ang pinakaguwapo. Sa mga pagtitipon gaya ng intramural, athletic meet – kalaban ang iba pang mga paaralan, mga parada at sayawan, karaniwan ay si Caroline ang muse at siya ang escort.

Ngunit mayroon siyang malaking problema. May sakit si Debbie - ang kanyang Amerikanang asawa - at hindi niya ito puwedeng iwanan.

Mayroon silang dalawang anak, na dapat sana ay tumulong sa pag-aalaga sa kanyang maysakit na asawa ngunit ang mga iyon ay kapwa tapos na ng kolehiyo at nagsosolo na: si Raphael na isang investment counselor sa Chicago at si Nerissa na isang registered nurse sa Washington D.C.

Gayon man ay sinabi niya kay Debbie ang tinanggap na paanyaya.

Sinabi sa kanya si Debbie, “You should go.”

“I can’t.”

“Why not?”

“I can’t leave you here by yourself. You need somebody to look after you.”

“That’s not a problem. I’ll stay with my parents.”

Mabait, mapagmahal at maunawain si Debbie. Sa panahon ng kanyang oras ng kalungkutan ay siya ang kanyang ilaw ng kaligayahan. Sa pahahon na siya ay nasa daigdig ng halos ay di makayanang pangungulila sa kalawakan ng mga dagat ay siya ang kanyang matibay na sandigan na buong tibay na tumitingin sa kapakanan ng kanilang mga anak at ng kanilang pamilya. Ngayon, sa kabila na siya ay may karamdaman, ay buong buo ang pagtitiwalang iniudyok nitong siya ay umuwi at dumalo sa kanilang ikaapatnapung taong pagdiriwang. Nauunawaan ni Debbie na kapag ang pagtitipong ito ay nakalamapas na, ay hindi na ito muling babalik pa.

IYO’Y isang masaya, maingay na pagdiriwang. Hagikhigan ang mga dating magkakaibigan. Kamayan sila. Kurutan sila. Tapikan sa balikat. Yakapan. Halikan sa pisngi. Sa mga hindi makahalik noong araw, ito’y pagkakataon na upang makabawi. Sa muling pagkikita’y bumabalik ang mga nakaraan at nanariwa ang mga masasaya at malulungkot na mga alaala.

Mga mapagpakumbaba, makatotohanan, mayayabang na pananalita at pag-uusap na karaniwang naririnig sa ganoong uri ng hindi pangkaraniwang pagtitipon.

“O, kumusta ka na?”

“Mabuti naman.”

“Ikaw?”

“Ganito pa rin. Mahirap pa rin.”

“Ikaw naman. Masyado kang humble.”

“Hindi. Talagang mahirap pa rin.”

Ang isa pang pangkat ay abala sa pagbobolohan.

“Ang cute-cute mo pa rin.”

“Ikaw naman. Binobola mo ‘ko.”

 

“Ay salamat! Nakahalata.”

DUMATING ang isang bagong modelong Toyota Previa. Pumarada sa malayo-layong lugar, mandi’y inilalayo sa mga katabing sasakyan upang hindi magasgasan. Bumukas ang pinto sa likuran ng kanang panig ng sasakyan. Bumaba ang isang maputi, makinis, tsinitang babae.

Tinginan ang mga naroon na. Bulungan sila. Tilian sila.

“Si Caroline!”

“Si Caroline nga!

“Himala! Akala ko’y umuwi na siya sa Tsina.”

“Iyon ang balita ko.”

“Ang balita ko’y umuwi, pero bumalik rin.”

“Umuwi! Saan?”

“Sa Tsina. Hindi mo ba alam?”

“Ano’ng ginawa roon?”

“Ipinakasal ng kanyang ama sa kapwa niya Intsik.”

“Hindi ko alam iyon.”

“Mahina ka pala sa balita.”

“Ano’ng nangyari kay Ramil.”

“Nagkahiwalay. Ano pa?”

“Mahirap talaga kung ang nobya mo’y Intsik.”

Muli, hagikhigan ang mga dating magkakaibigan. Kamayan sila. Kurutan sila. Tapikan sa balikat. Yakapan. Halikan sa pisngi. Muli, ginunita nila ang mga masasayang nakaraan sa panahon na sila ay magkakaklase sa mataas na paaralan - na panahon ng magaganda, punong-puno ng pag-asang mga pangarap.

Tapos na ang bugsong ligaya ng sabik na pagkikita. Makahulugan ang titig ni Ramil kay Caroline. Makahulugan ang sagot ng mga mata ni Caroline. Nag-uusap ang kanilang mga mata. Pagkuwa’y lumayo si Caroline sa karamihan. Sumunod si Ramil.

Nagkamay sila. Matagal-tagal ang pagiging isa ng kanilang mga kamay. Nararamdaman nila na sila ay may damdamin pa sa isa’t isa. Hinalikan ni Ramil sa pisngi si Caroline. Nagkalas ang kanilang mga kamay. Sa dalawang magkatabing upuan ay naupo sila.

“Kumusta ka na?” umpisa ni Ramil. Natural ang kanilang pag-uusap. Walang pakiramdaman. Bukas ang loob nila sa isa’t isa.

“’Eto. Mabuti,” sagot ni Caroline sa boses na kulang sa sigla.

“Ikaw?”

“OK naman.”

“Si Mister, hindi mo kasama?”

“Wala na. Balo na ‘ko.”

“Condolence.”

“Thank you.”

“Ano’ng ikinamatay?”

“Aksidente.”

“Ano’ng aksidente?”

“’Yong kotse niya, binangga ng trak na galing sa probins’ya. Nakatulog yata ang driver.”

“Kailan nangyari iyon?”

“Mga limang taon na. Ikaw? Nasaan si Misis?”

“Nasa San Diego. Ayaw sumama. Napakalayo raw.”

“Sino nga palang napangasawa mo?”

 

ITUTULOY

 




  • Like (+1) 1
Link to comment

HIGH SCHOOL REUNION

(Ang Pagbabalik)

 

Ikalawang Yugto

 

 

“Sino nga palang napangasawa mo?”

“Debbie ang pangalan. Amerikana.”

“Ikaw?”

“Alam mo naman ang nangyari sa ‘kin. Kasunduan.”

“Kung minsan, sinisisi ko rin ang sarili ko,” malungkot, tila may pagsisising sabi ni Ramil.

“Bakit?”

“Kung hindi ako nag-US Navy, hindi ka mapapakasal doon.”

“Bakit? Ano’ng ginawa mo
sana?”

“Itinanan sana kita.”

Natawa si Caroline. “Ikaw kasi?”

“Maganda ka pa rin,” pabirong sabi ni Ramil

“Salamat. G’wapo ka pa rin,” pabirong sagot ni Caroline.

“Salamat rin. Ano’ng sikreto mo?”

“Konting make-up. Konting tina ng buhok. Sa panahon ngayon, maraming p’wedeng gamitin para magmukhang bata.”

“Ikaw? Ano’ng sikreto mo?”

“Ben-Gay.”

Tawanan uli sila.

“Hanggang kailan ka rito?”

“Dalawang linggo pa.”

“Pasyal ka sa bahay.”

“Oo, ba! Kailan?”

Saglit na nag-isip si Caroline, mandi’y iniisip ang kanyang schedule. “Sa linggo. Pananghalian.”

Sa di kalayuan ay minamasdan sila nang isang pangkat.

“Uy! Parang noong araw. Sweet pa rin sila.”

“Naks naman. Nakaiinggit kayong dalawa.”

Isusumbong kita sa Misis mo sa
San Diego. Alam ko ang e-mail address niya.”

Gumagabi na. Disyembre at lumalamig ang gabi. Hindi masyadong giniginaw si Ramil dahil sa kanyang suot na puting golf shirt. Ngunit napansin niya ang suot ni Caroline: isang manipis na pang-itaas na walang manggas at isang abuhin, hanggang tuhod na palda. Sa kagat ng lamig ay lumalabas ang kilabot sa mga braso ni Caroline. Humalukipkip si Caroline upang labanan ang nangangagat na lamig.

“Sandali lang,” paalam ni Ramil.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ni Caroline.

“Sa kotse. May kukunin lang ako.

Saglit na nawala si Ramil at sa pagbabalik niya ay dala na ang isang maroon na jacket. Inilaylay niya iyon sa likod ni Caroline. “Isuot mo,” sabi ni Ramil.

Ipinasok ni Caroline ang kanyang kaliwang kamay sa kaliwang manggas. Ipinasok ang kanang kamay sa kanang manggas.

Malaki para kay Caroline ang jacket. Lampas puwit ang haba nito. Umikot si Caroline. “Bagay ba?”

“Oo.
Para kang si Batman.”

Tawanan uli sila.

IYO’Y isang masaganang pananghalian sa pinagsamang lutong Pilipino at lutong Intsik. Kasalo nila sa pagkain ang Intsik na ama at Pilipinang ina ni Caroline.

Ipinakilala ni Caroline si Ramil sa kanyang mga magulang, “Pa… Ma…si Ramil, kaklase ko noong high school. Dati siyang US Navy. Sa San Diego siya nakatira.”

“Ano uli ang ngalan mo” tanong ng ama ni Caroline.

“Ramil ho.”

“AAAA…Lamil”

“Sa’n ka uli sa Amelika?”

“Sa
San Diego ho.”

“AAAA…San Diego.”

Mga oras ng muling paggunita sa masasayang nakaraan noong sila ay nasa high school pa. Mga oras sa pagtingin sa mga bakas ng masasayang alaala: scrapbook, school organ, mga lumang larawan at mga lumang sulat at cards ni Ramil na iningatan at itinago ni Caroline. Nagwakas ang pagbisita ni Ramil sa isang kasunduang sila ay magkikita kinabukasan sa Luneta.

Balisa siya noong gabing iyon sa pagtulog. Sumasagi sa kanyang alaala ang isang mabait, mapagmahal, maunawain, naghihintay at nagtitiwalang asawa. Sa panahon ng kanyang mga kalungkutan ay siya ang kanyang ilaw ng kaligayahan. Sa pahahon na siya ay nasa daigdig ng halos ay di makayanang pangungulila sa kalawakan ng mga dagat ay siya ang kanyang matibay na sandigan na buong tibay na tumitingin sa kapakanan ng kanilang mga anak at ng kanilang pamilya. Ngayon, sa kabila na siya ay may karamdaman, ay buong buo ang pagtitiwalang iniudyok nitong siya ay umuwi at dumalo sa kanilang ikaapatnapung taong pagdiriwang. Nauunawaan ni Debbie na kapag ang pagtitipong ito ay nakalamapas na, ay hindi na ito muling babalik pa.

IYO’Y isang romantikong pamamasyal sa bagong kabubukas na bay walk – isang panig
sa Roxas Boulevard na inagaw sa isang munting bahagi ng tila walang katapusang dagat.

Maraming mga nagmamahalang magkasintahan, nagmamahalang mag-asawa, nagmamahalang ang isa ay may asawa at isa ay wala, nagmamahalang parehong may asawa ang naroon, at nagmamahalang pareho ang kasarian- mandi’y hindi dala ang mga suliranin ng isang magulo, makasalanan, at kumplikadong daigdig.

Nakaiinggit sila sa pagkakahawak ng kanilang mga kamay; sa pagkakaakabay sa balikat ng isa’t isa; sa patago, panandalian at panakaw ng pagtatama ng kanilang mga labi; sa pag-uusap ng kanilang mga mata; sa paghilig ng ulo ni babae sa dibdib ni lalake; sa pangangarap nila ng gising at dilat ang mga mata; sa pagtingin sa gustong magtago, tila nahihiyang parang higanteng bolang araw. Kung ang buhay lamang ay ganito, ang daigdig ay magiging utopyang paraiso.

Ang kanila ay pamamasyal na nagsimula sa pagkakahawak ng kanilang mga kamay, tumuloy sa pagkakaakbay ng kanang kamay ni Ramil sa balikat ni Caroline at pagkakasaklit ng kaliwang kamay ni Caroline sa baywang ni Ramil, tumuloy sa paghaharap nila sa isa’t isa at nagbabadyang paglalapat ng kanilang nag-iinit na mga labi, na tila baga nakapapaso bagamat hindi matuloy-tuloy, sa kung anong dahilan ay ewan.

Pagkuwa’y nagkalas sila. “Hindi natin ginagawa ito noong araw,” sabi ni Caroline.

At sila’y kapwa natawa. “Bawal kasi noon,” sagot ni Ramil.

“Iba noon kaysa ngayon.” “Pero di ba’t
bawal din ngayon?”

“Malaking pagbabago.”

“Kung tayo kaya ang nagkatuluyan?” tanong ni Ramil

“Siguro ay mas maligaya ako.”

“Ibig mong sabihin ay hindi ka maligaya sa napangasawa mo?”

“Mahirap ipaliwanag, pero alam mo namang pinagbigyan ko lamang ang mga parents ko.”

“Mahal mo pa rin ako?”

“May kasabihan, First love never dies.”

 

“Eh ikaw Ramil, may pagtatangi ka pa rin ba sa akin?”

Muli, hindi makasagot si Ramil at nag-usap ang kanilang mga mata. At muli nagbadya ang paglapat ang kanilang nag-iinit na mga labi- ngunit di muli matuloy-tuloy. Iyo’y isang mainit na ‘pagtatalik’ ng damdamin ng dalawang kaluluwang sa isang panaho’y pinag-ugnay ng kabataan ngunit pinaglayo ng malupit na kapalaran.

Mainit na mainit na ang kanilang mga katawan. Humihingi ng katapusan ang naumpisahan ngunit naantalang kaligayahan.

Sa kabilang panig ng Roxas Boulevard ay naghihintay ang isang hotel na magbibigay sa kanila ng comfort and privacy upang ituloy ang inumpisahang ‘pagtatalik’ ng damdamin.

“Tuloy tayo doon,” sabi ni Ramil sabay turo sa kabilang panig ng Roxas Boulevard.

TATAPUSIN...


  • Like (+1) 1
Link to comment

HULING YUGTO

 

 

Sa kabilang panig ng Roxas Boulevard ay naghihintay ang isang hotel na magbibigay sa kanila ng comfort and privacy upang ituloy ang inumpisahang ‘pagtatalik’ ng damdamin.

“Tuloy tayo doon,” sabi ni Ramil sabay turo sa kabilang panig ng
Roxas Boulevard.

Hindi kumibo si Caroline ngunit iyo’y isang katahimikang nangangahulugan ng pagsang-ayon. Naglakad sila patungo sa hotel. Nakaakbay ang kanang kamay ni Ramil sa balikat ni Caroline at nakasaklit ang kaliwang kamay ni Caroline sa baywang ni Ramil.

Muli, sumasagi sa alaala ni Ramil ang isang mabait, mapagmahal, maunawain, naghihintay at nagtitiwalang asawa. Sa panahon ng kanyang mga kalungkutan ay siya ang kanyang ilaw ng kaligayahan. Sa pahahon na siya ay nasa daigdig ng halos ay di makayanang pangungulila sa kalawakan ng mga dagat ay siya ang kanyang matibay na sandigan na buong tibay na tumitingin sa kapakanan ng kanilang mga anak at ng kanilang pamilya. Ngayon, sa kabila na siya ay may karamdaman, ay buong buo ang pagtitiwalang iniudyok nitong siya ay umuwi at dumalo sa kanilang ikaapatnapung taong pagdiriwang. Nauunawaan ni Debbie na kapag ang pagtitipong ito ay nakalamapas na, ay hindi na ito muling babalik pa.

Malapit na sila sa hotel.

Katabi ng hotel ay isang malinis at mahalinang restaurant na nag-aalok ng mga masasarap na katutubong pagkaing Pilipino.

Kumalas ang kamay ni Ramil sa balikat ni Caroline. “Kumain muna tayo.”

 

Bagama’t kitang-kita sa mga mata ni Caroline ang pagtataka o pagkabitin, pinaunlakan niya ang paanyaya, sa pag-asang maaaring ito’y isang paraan ni Ramil upang magkapalagayan sila ng loob bago ang ganap at umaatikabong pagtatalik, na noo’y nagbabadya lamang sa katabing gusaling hotel.

 

At nabasag ang katahimikan sa tinuran ni Ramil…

 

“Napakapalad ko sa asawa kong si Debbie- napakabait at nauunawaan niya ako ng labis-labis. May ipagtatapat ako sa iyo Caroline at nawa’y huwag kang mabibigla. Bagama’t nahuhulaan na ni Caroline ang maaaring sabihin ni Ramil, kumakabog pa rin ang kanyang dibdib sa di mawaring damdamin.”

 

“My wife Debbie already knew it, and I want you to also know that I’M GAY

 

 

WAKAS

  • Like (+1) 1
Link to comment
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...
  • 3 weeks later...

LOVE LETTERS

 

 

1. 50s to 60s

 

Asyong,

Sa gitna ng mahahalagang bagay na dapat kong harapin, ninais kong sagutin ng karampat na kasulatan ang diwa mong punong-puno ng laman.

Ang nilalaman ng iyong puso na inilapat mo sa bawat titik at pinakamalilim na salita na maaring mamutawi mula sa iyo ay halos narinig at nabasa ko na.
Batid kong marami pang pagsubok ang darating, mga pagtutunggaling maaring magsimula sa atin. 'Sing dami ng tamis na ating malalasap sa patuloy na paghanap ng payak na kasiyahan. Ang mga pangyayaring wangis man natin o hindi ay patuloy nating yayakapin sa mga susunod pang panahon at sa bawat araw, nasa 'kong puspusin ka ng aking pag-ibig. Huwag mangamba sa mga kabiguan at pagkakamaling ating magigisnan. Sa aking pagninilay, nais kong isipin na ikaw ang bituin sa gitna ng kadiliman. Wala nang hihigit pa sa wagas at tunay na kasunduan. Nawa’y patuloy na pumulandit ang langisngis ng kaligayahan sa ating
natatanging kaharian at mundo.

Dalisayahin nawa tayo ng tuwa at lirip ng ligaya sa ating walang hanggang paglalakbay sa tamis ng pagmamahalan.


Nagmamahal,
Marya

 

2. 70s to 90s

 

Babes,

 

there are times in my life i wander how important it is to consider someone special. i've never been in love, never felt the difference of admiration or true love. there are books telling us the difference but it really differs from personal experience. i've known you for quite a while now. you made our conversations interesting, as i'm a man of few words, you became the person i talk to, made me happy and your the one and only person that understood me for who i am and for who i should be. its quite mushy to say you made me feel the importance of living, but i guess i realized the meaning of life when i knew you. some men might think having a significant other boost their manhood whatsoever but having a girl to love, cherish, care for, and share your life with changes me, and not boost my manhood but made a man out of me.

 

what made me realized that i found my destiny in you is not the companionship nor the friendship but the way you made me laugh. some might say watch a movie that will make you laugh or go watch a comedy show that will out supply your lungs air laughing. the difference in our laughs, is the way you made my laugh loving my life. i love you for the simpliest reasons. it maybe vague, it maybe plain but it's all i ask for. no matter what obstacles we encounter in our pretty perfect world, i'll always be here to love, cherish, care and share the rest of my life giving you the best of what the world could give...and to answer the difference between true love from admiration is that, admiration is giving one person acknowledgement and respect, while true love is recognizing a person for showing you the importance of existance and that is worth the courtesy of respect...

 

I’ll do anything to never see you sad…I adore you and will treasure you forever, and the days after forever…

 

Cupcake.

 

 

3. 20th century

 

text of ex girlfriend : uy! muzta k nmn? mz q na kaw. zna mt tau.
reply : ok naman ako, here lang sa work, getting busy with things at the office.. ikaw? how are you? balita sayo?
text of ex girlfiend : miz q na nga kaw.. loadan m q 100 para qol kta

  • Like (+1) 1
Link to comment
  • 3 weeks later...

A few days ago, I decided to give it a try.

 

I talked to her quietly, closely, inhaling her earthly scent as I do so.

 

I laid her down on her queen-sized bed with the orange cactus patches.

 

Told her that she was beautiful in all ways that mattered, and that she's more than enough.

 

I caressed her creamy thighs. Fingers running up and down her soft mounds. Overshadowed by the chirping birds outside her window, her sighs and moans filled the room.

 

She came twice that day.

 

As I helped her get dressed, I promise to never leave her and love her more often.

 

A few days ago, I decided to love myself.

  • Like (+1) 5
Link to comment
  • 2 months later...

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...