Jump to content

Who / What Made You Smile Today?


Recommended Posts

This.

 

"Hihilingin ko sanang ako na lang uli,

kaso hindi pa ako buo.

‘Yung pagkabuo na kayang magpadurog paulit-ulit

at mabubuo pa rin, isang patawad lang,

o isang patawa, o ngiti na paawa,

basta galing sa’yo.

 

Hihilingin ko sanang ako na lang uli,

pero hindi ko rin sigurado

kung sapat na ang three months

para makatakbo palayo sa lahat ng buwan

na ako ay nabuang sa ideya ng pag-ibig

na nakatikom ang bibig,

takot maisiwalat ang iba’t ibang hugis ng salita

dahil baka hindi mo magustuhan,

dahil baka hindi malambing pakinggan.

 

Hihilingin ko sanang ako na lang uli,

ang maghihimay ng balat ng chickenjoy mo

tuwing hapunan kapag hapong-hapo galing trabaho,

pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mahimay

ang selos mula sa insekyuridad na gumagalos sa kaluluwa,

kaya hindi pa rin sigurado.

 

Hihilingin ko sanang ako na lang uli,

kaso hindi ko pa rin alam kung posible bang

maibigay ko sa’yo lahat ng pagmamahal sa mundo

kung mismong sa sarili ko, maluwag ang yakap ko.

 

Kaya ang hihilingin ko na lang,

ay ang maging huli mo.

Maglakbay muna tayo nang magkahiwalay,

aasang magkakasalubong sa isang sulok ng daigdig

na mas matibay na ang mga bisig,

mas malaya na ang bibig,

mas kampante na ang titig,

mas kabisado na ang klase ng pag-ibig na ibig,

hindi pang-matagalan,

mas pang-walang tanggalan."

 

Hugot na hugot.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...