Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Political Jokes


Recommended Posts

Kris Aquino and the Chopper
Reporter: Sir, binabatikos si Kris ngayon dahil sa pagsakay sa presidential chopper patungo sa kampanya ng LP. Pag-abuso daw ‘yun sa government resources.

President Aquino: Well, isa siya sa may pinakamalaking binayarang buwis sa government.

Reporter: ‘Yan talaga Sir ang reply n’yo? Na malaki ang binabayaran n’yang buwis kaya ok lang? Anong lohika ‘yan? Bakit ganyan kayo mag-isip? Sino bang adviser n’yo? Lagi na lang bang ganyan ang klase ng inyong pangangatwiran? Ano bang uri ng lider kayo?

President Aquino:

Reporter: Noted Sir.

Kris Aquino and the Chopper II
Kris: I hate them na. They’re saying we’re making abuso the resources of government.

President Aquino: ‘Wag mo na lang kasing pansinin.

Kris: But they’re right naman ‘di ba? Part ng government resources ang chopper.

President Aquino:

Kris: Fine. I’ll ignore them na lang!

Kris Aquino and the Chopper III
Kris: Grabehhh. They’re making batikos me na. Ayaw akong tigilan. Hurt ako. Defend me naman o!

President Aquino: Ayaw mo ba no’n? Nasa ‘yo ang atensyon ng tao.

Kris:

President Aquino: Heto na nga, magsasalita na!

Kris Aquino and the Chopper IV
Bongbong Marcos: Maling gamitin ang resources ng gobyerno katulad ng presidential chopper sa pansariling interes.

Kris: Nakakaloka! Of all people, ikaw pa talaga?! IKAW PA TALAGA?!

Bongbong: But it’s true.

Kris: Eh anong tawag sa ginawa ng pamilya mo sa resources ng gobyerno noong term ng ama mo?

Bongbong: Those were government resources, yes. Pero back then, we practicallyowned everything in the Philippines including the government. So, amin lahat ‘yun.

Kris:

Bongbong: But it’s true!

Laglagan
VP Binay: Totoo bang iiwan mo na ako?

Jonvic Remulla: Gusto ko lang magpahinga muna sa kampanya. I’m tired.

Binay: Ang tsismis, ilalaglag mo na raw ako at lilipat ka sa bago mong idol - si Duterte?

Remulla: Bagong idol? Wala kayong pruweba! Putang-i*a!!!

Binay:

Remulla: Ooops. Buking.

1joey.jpg?w=361
Laglagan II
Governor Salceda: Mr. President, hindi ko na kayang suportahan si Mar! Lilipat na akokay Grace Poe!

President Aquino: Eh ‘di lumipat ka! Ganyan ka naman talaga ‘di ba? Kung kailan lugmok ang kapartido, saka ka mang-iiwan! Kung kailan mahina sa survey, saka mo ilalaglag. Ganyang-ganyan din ang ginawa mo kay Gilbert Teodoro noong 2010 ‘di ba?! Matapos mong i-endorso, inabandona mo!

Salceda: Eh sa LP naman ako lumipat noon ‘di ba! Gaga!

President Aquino:

Salceda: Sorry sir. Expression lang 'yon. It doesn’t mean anything. 'Wag judgmental.

Laglagan II
Governor Salceda: Mr. President…

President Aquino: I know. Mababa si Mar sa survey at mas may chance manalo si Grace Poe kaya lilipat ka sa kanya. Magre-resign ka sa party. Pero grateful ka pa rin sa pagkakataong ibinigay ko sa ‘yo na maglingkod sa pamahalaan bilang member ng LP. At kahit ano pang mangyari, hinding-hindi maaapektuhan ng pulitika ang ating pagkakaibigan.

Salceda: Alam mo na pala eh! Eh ‘di sige, ikaw na! Tapusin mo na! Go! Ikaw na rin ang mag-resign sa partido at ikaw na rin ang lumipat kay Grace Poe! Go ahead! GOOOO!

President Aquino:

Salceda: ‘Wag kasing ganun Sir. Hate ko ‘yong pini-preempt ako eh.
_____________________________________________________________________________________
“You have to quit confusing a madness with a mission.”
~Flannery O'Connor, The Violent Bear it Away

Sound Bites
“Iyong isa doon, classmate ko pa. Eh na-stroke, paganoon-ganoon (mimics). Gusto ko sabihin, ‘Pakamatay ka na lang.’”
~Mayor Duterte on a disabled classmate

“Hindi ko rin nakita kung ano 'yung pinuna nila. Tanong ko lang: siguro batid naman ng lahat na isa siya sa pinakamalaking individual taxpayer.”
~President Aquino on criticisms being hurled at Kris Aquino

“The bottomline, ‘pag nand’yan sa internet, nandyan na ‘yan forever o kung may nag-download, at marami nang nag-download malamang, kalat na ‘yan sa internet. There's no way you can put the (proverbial) toothpaste back into the tube.”
~Engr. Pierre Galla, Democracy.net.ph. on the Comelec voters’ data leak

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...