Jump to content

Barangay Ginebra Kings


slyfox

Recommended Posts

Congrats sa Barangay Ginebra! That shows lang talaga ang immaturity and inexperience ng Ube Republic. Galing ni Arwind Santos kapag natataranta :D Same goes with Billiones, tira ng tira.. :lol: Parehas patalo!

 

i agree but mas marami itinirang shala si Gary David, mga hurried shots , dikit. i guess hirap talaga mag isip pag 20,000 ang pressure (3,000 lang yata fans nila)..

 

 

CONGRATULATIONS!!!!! barangay !!!!! :D

Link to comment

Congrats sa mga Kabarangay!! Kala ko nga matatalo na, lalo na nung makita ko si Junthy at Alexander na biglang na-injured, buti na lang maganda nilaro ni Menk at Tubid. Hats off to Coach Jong at least hindi niya ipinilit na kay MC ang bola palagi kasi halatang di makagalaw si MC dahil sa tendonitis sa knee. It was a good strategy na i-isolate si Menk down low. Also, it was very crucial na hindi sila nag-choke sa free throw line and also hats off din kay Pacana, he was able to step-up his game especially on the defense, nahirapan si Arboleda at Billones.

Link to comment

Lumabas ang inexperienced ng air21 doon sa last few minutes ng laro, kinabahan na sila in the face of the galant stand by Ginebra at syempre sa roaring crowd noong lumalamang na ang Ginebra and what did them in is 'yung foul trouble nila. Medyo kinabahan ako nang ma-injury si Valenzuela then si Alexander, akala ko makakahabol na ang air21 noon. Tubid and Menk deserved to be the finals MVP, naglaro si Tubid kahit na-dislocate ang ankle n'ya several weeks back at laking tulong din ng free throws n'ya, pang-Ginebra talaga si Tubid while Menk proved to be the tough nut to crack para sa kalaban. It was still a team effort on their part noong 4th quarter dahil nagtulong-tulong sina Menk, Tubid, Artadi and Alexander para mabawi ang lamang sa air2. Kita n'yo naman 'yung jumper ni Artadi hehe. Also, nakakatuwa na may championship ring na din si Crisano hehe..

Edited by Agent_mulder
Link to comment

I've made some revisions (yet again) sa kanta ni Gary Granada, I was supposed to do this the other day or yesterday pero ngayon ko na lang ginawa so as not to preempt them, hope you like it, cheers mga ka-Barangay!!

 

Nang maging champion ang Ginebra

 

 

Gumaganda na ang bawat laro

Di na sila naghihingalo

Sa bawat bolang binibitaw

Gumaganda rin ang aking sigaw

Kahit hindi relihiyoso

Natutuwa ako sa mga santo

O, San Miguel, Santa Lucia, Talk n’ Text, Welcoat, Coca Cola

 

Nang ang conference ay nag-umpisa

Nag-umpisa ang ratsada nila

At gaya rin ng kutya ng iba

Sila’y magaling lang hanggang umpisa

Ngunit walang kasawa-sawa ang barangay na laging kinakawawa

Sanay na sanay na sa kaaasa

Manalo’t matalo ay Ginebra

 

Pagbigyan n’yo na ako

Paminsan-minsan lang ito

Gumaang ang nabibigatang puso

Pagbigyan n’yo na ako

Kahit na kahit paano

Sumaya nang bahagya itong mundo

 

Kahit papano’y nakalampas din

Sa red bull barakos ang mga Kings

Halos masiraan ako ng bait

Sa game sa barakos na maiinit

Ang napakahirap ay napakasimple

Ang imposible ay naging posible

At natameme ang mga nagsasabi

Na 'di nila kaya ang higante

 

 

At ang championship ay sinimulan

Unang laro kami ang lamang

Ngunit sa second game ay napasama

Ang guards ng Kings paika-ika

Ang labanan ay biglang nagbago

Dahil nagkulang na sila sa tao

Kung gusto n’yong malaman ang buong kuwento

Magbasa na lang kayo ng diyaryo

 

Pagbigyan n’yo na kami

Mula Jolo hanggang Aparri

Ang mga hiyawang nakakabingi

Pagbigyan n’yo na kami

Isang taon na din kasi

Sumaya man lang kahit isang gabi

 

Dal’wang laro pa ang natitira

Nang kami ay namumuro na

Naaamoy ko na ang inaasam

Ang tagumpay ilang tulog na lang

At ang mga ‘di makapaniwala

Ang sabi ay swerte, tsamba at awa

Di maabot ng kanilang pang-unawa

Parang kami nuong kami ang kawawa

 

At ang inuman ay hanggang umaga

At ang pulutan ay si Arboleda

At nagkandasaid ang aking pitaka

Nang maging champion ang Ginebra.

Link to comment

hu wow!!gleng gleng...isa na namang kasaysayan..

 

ube republic naging nilupak republic..

 

attendance 23,000+....kundi ako nagkakamali mga 150-200 lang ang fans ng

 

air 21 dun the rest alam mo na..wahahahahahaha!!!

 

championship experience wala ang kalaban nun kaya hayun

 

taranta ang inabot...bawi next time wag na lang seminar muna mga

 

ube boys...GINEBRA RULEZ!!!

Link to comment

Ang daming Chokers sa air21, si KG Canaleta na feeling superstar nung Game 4 with his 5 3pt shots, after nung Game na yun wala na...

 

Santos nung Game 7, tutukan na lumampas pa sa ring yung bola wahehehe

 

David and Santos and Billones, mahaba pa naman ang oras tres ng tres ^,...,^

 

Arboleda, ang galing nung hindi pa Championship... Pagdating sa Finals, halos ayaw na tumira ^,...,^

 

Sa part ni MC, ang dami pa rin nyang turnovers, naka-7 turnovers yata sya puro agaw sa kanya ang bola... Buti na lang panalo BGK, kung hindi yari na naman sya ^,...,^

Link to comment
Jong coached very well. From games 4-6, Air21 were held down to less than 80 points. The Air21 was just lucky in game 5 as Ginebra failed to score for the last 2.5 minutes or so. Ginebra really controlled the pace of the game starting from game 4.

 

Tama medyo nagustuhan ko yung shuffle ng players, nalito si coach Bo considering na first time nya sa championship game di nya masyado na match player nya sa 3 guard line up ng BGK...

 

Anyway congrats BGK for bagging the 07-08 Fiesta Conference... More championships to come...

Link to comment

Bo Perasol said in Game 6: We lost Steve Thomas in fouls but still we were beaten by only five points.

Now in Game 7 : Bo you did not loose Thomas in Game 7 but Ginebra lost Junthy on injury in the third quarter but still you were BEATEN BY 13 POINTS GINEBRA IS THE BEST !!! GINEBRA IS NO. 1

Link to comment
Bo Perasol said in Game 6: We lost Steve Thomas in fouls but still we were beaten by only five points.

Now in Game 7 : Bo you did not loose Thomas in Game 7 but Ginebra lost Junthy on injury in the third quarter but still you were BEATEN BY 13 POINTS GINEBRA IS THE BEST !!! GINEBRA IS NO. 1

Dagdag mo pa dyan, hindi daw bagay sa air21 mag champion sa cuneta atrodome, kasi maliit daw cuneta astrodme sa kanila, pang Araneta daw sila...

 

Eh pambihira naman, baka isang maliit na basketball court sa kanto hindi nila kayang punuin eh nyahahaha ^,...,^

Link to comment

SWEEEEEEEEEEEEEEEEET!!!! Ginebra still got the Championship despite having all the injuries astig!!! no Ginebra needs to keep the team intact only Ronald Tubid has a contract everyone elses has expired. We need to sign Junthy,Menk,Raffy,Sunday,Jay2,Mark C,Paul,Billy,Chris,Alex... I would let Wilson and Escalona go.. hopefully they get Holper back in d lineup.. its gonna be a BUSY off season for d KINGS

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...