Jump to content

Barangay Ginebra Kings


slyfox

Recommended Posts

Kainis.........HALFTIME.......Lamang na hanggang 13 points, nag collapse na naman! :angry2: And to top it all, MALAS pa si Gary David!:angry2: Sana magising na sa second half

 

 

TALO!!!!!!!!!! NO plays, no pattern plays! REMOVE SIOT!!!!!!!!!!!! Parang ang Ginebra larong kalye lang na nagkita kita sa kanto. WALANG SET PLAYS WHATSOEVER. :angry2:

 

 

may sakit na yatang "collapse" and pinakamamahal nating koponan. what a meltdown!!!

 

Time and again 'yan ang Ginebra, lalamang ng malaki pero hirap sila sustain and lead at eventually magko-collapse. Nakaka bad trip 'yung last few plays nila sa endgame, pinipilit nila kay Kerby na 2 out of 3 plays sa kanya turn-overs, una 'yung pag-dribble n'ya naagaw, though 'yung 2nd me foul kaso walang tawag ang refs, doon lang sa jumper n'yang mala-Kevin Garnett s'ya nakabawi pero noong last 5 seconds at lamang ang powerade ng 3 sa kanya na naman napunta ang bola at nag-fumble pa naitira nga ni Ababou kaso sablay..

Link to comment

Hindi lang naman Ginebra ang ganyan na lalamang ng malaki tapos matatalo, normal na yan sa PBA, yung mga lamang na ganyan hindi safe sa PBA kasi pwedeng biglang swertehin naman ang kabilang team, kung swerte ka sa 1st quarter hindi mo masasabi na mananalo ka na agad kasi may 4th quarter pa naman. Kung ako kay Siot pinagsabay na niya si Maierhoffer at Hatfield o Kerby at Maierhoffer kasi daming crucial offensive rebounds ng Powerade.

Link to comment

Yes, pero matagal nang ganyan ang Ginebra, panahon pa ni Jaworski ganyan na sila, kaya nga para sa akin mas kabado pa ako pag lamang sila kesa sa lamang ang kalaban ng malaki man o maliit.

 

Totoo. Nuong lumaki na lamang nag post kaagad ako dito kasi kabado ako, natutunaw ang lamang nila. Kaya nga nabansagang "Never Say Die" ang team natin dahil habol ng habol, although exciting, hindi guarantee na parating panalo

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...