Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Nso Matters, Dfa Matters, Citizenship, Travel, Passports Etc


kittytigerpanther

Recommended Posts

  • 1 month later...

guys, an illegitmate child was born and was acknowledged by the father, would it follow that the child may use the surname of the biological dad?

if so, if the mom does not want the kid (super minor) to use the dad's surname, is there a process to revoke or revert it so that the kid will remain using the mom's surname? thanks

Link to comment

1. would it follow that the child may use the surname of the biological dad?

 

yes. yan ang epekto ng R.A. No. 9255, pwede nang gamitin ng anak sa labas ang apelyido ng kanilang ama.

 

2. is there a process to revoke or revert it so that the kid will remain using the mom's surname?

 

that seems to be the problem right now. the implementing rules and regulations formulated to implement RA9255 has not taken into consideration the wishes of the mother, hence this situation is currently not covered by the rules. the mother, i think, might be forced to go to court and file a petition for declaratory relief

 

 

guys, an illegitmate child was born and was acknowledged by the father, would it follow that the child may use the surname of the biological dad?

if so, if the mom does not want the kid (super minor) to use the dad's surname, is there a process to revoke or revert it so that the kid will remain using the mom's surname? thanks

Link to comment
  • 2 weeks later...

10 years ago, may pinakasalan ako sa huwes, yung secret marriage na tinatawag. Makalipas lang ng kasal ay nagbago ang isip namin at hindi kami nag-sama, ang isa pa ay mga menor de edad pa kami noon. Wala din parental consent ang ginawa namin. Nag-away din kami at di na nagkita. Nakakita na sya ng ibang bf, at ako naman ay may iba na ring gf na sya ko naman pinakasalan. Nag-asawa na rin ang gf ko at pareho na kami may kanya-kanyang pamilya.

 

Ngayon, kumuha ako ng cenomar at nakarekord doon ang dalawa kong marriage. Ano po ang legal na paraan para mapabura ko ang una kong marriage?

Link to comment

mag-file ka ng kaso para ipawalang-bisa ang una mong kasal.

 

Note: dahil nung magpakasal ka muli, wala pang deklarasyon mula sa korte na walang-bisa ang una mong kasal, ayon sa Family Code (dahil ikinasal ka ng unang beses nung 2000, ito ang kumukober sa sitwasyon mo), wala ring bisa ang pangalawa mong kasal.

 

kumunsulta agad sa abugado bago pa lumaki ang problema mo.

 

 

10 years ago, may pinakasalan ako sa huwes, yung secret marriage na tinatawag. Makalipas lang ng kasal ay nagbago ang isip namin at hindi kami nag-sama, ang isa pa ay mga menor de edad pa kami noon. Wala din parental consent ang ginawa namin. Nag-away din kami at di na nagkita. Nakakita na sya ng ibang bf, at ako naman ay may iba na ring gf na sya ko naman pinakasalan. Nag-asawa na rin ang gf ko at pareho na kami may kanya-kanyang pamilya.

 

Ngayon, kumuha ako ng cenomar at nakarekord doon ang dalawa kong marriage. Ano po ang legal na paraan para mapabura ko ang una kong marriage?

Link to comment

ang passport ay valid for 5 years lang, ibig sabihin expired na yung 2001 passport. mag-apply na lang kayo for a new passport using her newly-corrected birth certificate. ayon sa website ng DFA, kakailanganin ninyo para dito ang Marriage certificate ng magulang, original birth certificate at amended birth certificate ng bata. tsaka siyempre, ung lumang passport nung bata.

 

if you have gotten a new pasport for her already, buti pa hintayin nyo na lang ang expiry nito sa 2011 (assuming nirenew nyo yung passport last 2006), tutal, machine-readable na ang bagong passport, and the old one which you have is not. ganun din cguro ang requirements.

 

My daughter was born out of wedlock 1988 so in her birth cert she bears the surname of her mother

.... 1994 I married the mother .....

2001 She got a passport still in having the surname of her mother

 

2009 I have her NSO birth certificate corrected with my surname on

 

How do we correct now her passport?

Edited by rocco69
Link to comment

1. kapag na-annul ang unang marriage, kailangan pakasalan ko uli ang asawa ko para maging valid ang relationship?

 

yup, wala nga kasi siyang bisa kaya kailangan mong magpakasal uli (matapos ipa-annul ang una mong kasal) para mabigyang bisa ito.

 

 

2. gaano po ba katagal ang ganitong hakbang?

 

madali magpakasal. ikaw na rin ang nagsabi, nagpa-secret marriage ka 10 years ago, di ba mabilis lang yun.

 

ang matagal yung pagpapawalang-bisa sa kasal mo at di natin hawak ang oras ng huwes, ng piskal, etc. tsaka may iba pang factors na pwedeng magpatagal sa kaso (matagal din bago maglabas ng "finality" ng desisyon ang korte). anyway, dahil sabi mo na pareho kayong menor de edad (ibig sabihin below 18 kayo pareho) nung ikaw ay magpakasal 10 years ago, mas madaling ipawalang-bisa ang kasal mo kesa sa iba (edad nyo lang ang patutunayan), kaya dapat mas madaling matapos ito kesa sa ordinaryong kaso ng pagpapawalang-bisa ng kasal. baka walong-buwan hanggang isang taon tapos na ito (note: ipagpalagay natin na nanalo ka sa kaso, hindi dahil may desisyon na kung saan panalo ka ay pwede ka nang magpakasal. hihintayin mo pa na maging "final and executory" ito bago ka makapagpapakasal - otherwise walang bisa ang pangalawa mong kasal. medyo matagal din ito, minsan inaabot ng 6 na buwan hanggang taon).

 

 

3. magkano po kaya ang nagagastos?

 

malaki ang kamurahan nito kesa sa ordinaryong pagpapa-annul dahil nga mas madaling patunayan ito.

 

kapag na-annul ang unang marriage, kailangan pakasalan ko uli ang asawa ko para maging valid ang relationship? gaano po ba katagal ang ganitong hakbang at magkano po kaya ang nagagastos? kahit estimate lang po mula sa annulment hanggang sa panibagong marriage.

 

thank you po

Link to comment

Tiningnan ko po uli ang petsa ng una kong kasal, ito ay tatlong (3) buwan makalipas ang aking ika 18 birthday. Ano po ngayon ang maaari kong gamiting ground para sa annulment?

 

Nakita ko po sa kabilang thread na ang annulment ay aabot ng 100 hanggang 200k. Sa kaso ko po, aabot din po ba ng ganito kalaki?

Link to comment

ilan taon naman yung partner mo noon? kung below 18 siya nun, OK lang, madali pa ring ipawalang-bisa ang kasal nyo dahil under-age yung kabilang partido.

 

ang problema mo ay kung pareho na kayong 18 nung ikinasal kayo, most probably psychological incapacity ang gagamitin nyong ground, yun ang mga 200k ang magagastos mo.

 

Tiningnan ko po uli ang petsa ng una kong kasal, ito ay tatlong (3) buwan makalipas ang aking ika 18 birthday. Ano po ngayon ang maaari kong gamiting ground para sa annulment?

 

Nakita ko po sa kabilang thread na ang annulment ay aabot ng 100 hanggang 200k. Sa kaso ko po, aabot din po ba ng ganito kalaki?

Link to comment
  • 3 weeks later...

Greetings! Question lang po. I am a Japanese citizen who is living in the Philippines for almost 17 years na. So I have this ACR thingy which is issued wayback pa I think 1997? Basta matagal. Ngayon, I recently inquired in the Immigration regarding of my status (if dual ba ako or not kasi sabi wala daw dual-citizenship for Japanese). My papers were rechecked and confirmed na Filipino citizen din ako when I am inside the Philippine territory meaning I can declare myself as a Filipino. Now here's my concern.

 

My birth certificate is in Japanese. I currently have it's English Translation which is issued by the City Hall office in Japan. Now, sabi daw, the translated birth certificate needs to be authenticated to NSO daw. Kasi I am having problems with applications to certain requirements like Driver's License and others na kinakailangan ng birth certificate. May I ask papano po ba ang process ng authentication, the requirements and fees that I have to prepare? Sa Main Office ba ng NSO ako magpprocess or pwede sa mga satellite branch? Ang layo kasi pag sa main Im from Paranaque pa kasi.

 

Thanks sa mag input.

Link to comment
  • 1 month later...

Good evening.

 

May question po ako about sa pag fill up ng registration ng birth certificate.

 

1. yung unang pagbubuntis ng wife ko, yun yung panganay namin.

 

2. Yung pangalawang pagbubuntis, nakunan sya.

 

3. yung pangatlong pagbubuntis nya, twins.

 

Dito ngayon medyo may confusion kasi may pagka mali-mali yung naka assign sa records ng ospital.

 

Pano ba ang tamang pagfi fill up ng birth certificate registration form for twins???

 

For section 5.C BIRTH ORDER - ano ang dapat ko ilagay sa birth order ni twin A? Ano kay twin B? (kasi sa

ngayon parehas 3rd ang nakalagay, may nagsasabi na tama, may nagsasabi

na dapat daw e 3rd si twin A & 4th si Twin B) anyone care to enlighten me.

 

For Section 9 a,b,c - sa total number of children alive, still living including this birth & born alive but are now

dead???

CURRENTLY KASI ang nakalagay dito e - for TWIN A - 2 - 2 - 0

for TWIN B - 3 - 3 - 0

 

Tama ba ito? o dapat parehas ng 3 - 3 - 0

Hope may makatulong, thanks!

 

If ever may kailangan baguhin (kasi nasa munisipyo na e) ano ang mga steps/actions to be taken.

 

Salamat na marami!!!!!!!!!!

post-10151-1268144586.jpg

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...