Jump to content

Writings of the Heart


Recommended Posts

Nakikinig ka rin kaya ng mga kantang hindi mo alam pero gusto mo kasi may nagsabi sa yong cool yun?

 

Minsan susubukan ko naman maging kontrabida sa sarili kong buhay. Kasi yung mga kontrabida ang nagpoprovide ng forward movement, yung bida kasi reactive lang.

 

nagkakarera na naman ang mga hinuha sa utak ko. Tapos nauubusan sila ng kalsada. Papunta sila sa sari-saring direksyon. Parang ‘yung utot na tinapat mo sa electric fan-gumaganti.

 

Kaya kumain ako ng adobo. Para maalala ko yung pakiramdam nang nag-aagahan sa umaga ng inulam kagabi. Kasi parang ganun yung nararamdaman ko. Yung natikman mo na dati tapos natikman mo ulit pero mas masarap na...

Link to comment

Tanong ko sa aking sarili, tama ba ang lahat ng ito?

Pag nagkamali ba ibig sabihin wala ka ng tamang nagawa?

Hindi ba pwedeng may nagawa ka pa rin na tama kahit nagkamali ka?

Paulit ulit, ilang beses, tuloy tuloy. Mag iisip nang sagot, pero walang mamutawi.

 

Mananahimik sa isang tabi, walang ngiti sa mga pisngi.

Kukuha nang sigarlyo, mag sisindi, titingin sa malayo, sabay buntong hininga.

Matitigilan nang ilang sandali, tatayo sa kinauupuan. Maglalakad nang nakayuko.

Ganito na lang ba palagi, hinahanap ka. Hinahanap pa rin, nakatingin sa mga bituin.

 

Epekto ba ito nang iyong pag alis? Ano bang meron ka at tila ako’y naligaw.

Nawala ang daang sinusundan. Daang nagtuturo papunta sa iyo. Naglaho na.

Hindi na nakapaglagay ng tanda, para maalala ang ruta patungo kung nasan ka.

Paliku-likong kalsada, paikot na mga daan. At sa dulo’y ang puso mong aking asam.

 

Ayaw kong mapagod, hindi ako dapat mapagod. Uupo muli sa isang tabi. Iisipin ang iyong ngiti.

Aalalahanin ang matamis mong boses, ang banayad na galaw nang ung buhok sa hangin.

Ayaw kong malungkot, nais kong maging masaya. At kahit sa mga ala-ala mo akoy magkakasya.

Sana makita ka nang muli, bigkas nang aking isip. Sana andito ka na sinisigaw nang puso ko.

Edited by sweeney_todd
  • Like (+1) 1
Link to comment

something worth sharing from an unknown source:

"Don’t do that. Don’t wish you were in another skin, that you were another person; someone prettier, someone thinner, someone with lighter skin or darker skin.

You are you. And nothing can be more special than your individuality. You is sacred, you is one-of-a-kind, you is you. No one can be you.

Love who you are and the world will love you back just the way you are."

  • Like (+1) 1
Link to comment

Minsan naisip ko sana hindi na lang kita nakilala... Na sana hindi na lang kita nakausap at nakilala... Na sana kinaya ko pigilan ang sarili ko.

 

Pero kapag sumasagi sa isip ko yun, nagsisimula nanaman maging masmatimbang yung pagmamahal ko sayo. Sabi mo noon masyado lang ako nadadala or mawawala din yan. Dalawang beses mo sya sinabi sa akin. Sana nga ganun na lang kadali. Sana pagkasabi ko nun sa sarili ko mawala na rin agad.

 

Sinubukan ko naman, pero hindi kinaya eh. Hindi mawala at hindi nawala. Ayaw mawala. Hanggang sa hinayaan ko na lang. Nung sinubukan ko na magpaalam sayo para umpisahan nang dumistansya, ayaw mo naman pumayag. Sabi mo magtatampo ka pag lumayo ako ng walang paalam o kaya kapag hindi na ako bumalik.

 

Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ako sayo para manatili pa ako. Hindi ko rin alam kung tama pa ba na manahimik na lang ako at lunukin ang lahat at ituloy pa din na magpanggap na hindi ko kaya maging kaibigan lang sayo. Na sa tuwing kausap kita ay higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo. Na lahat ng sinasabi ko sayo ay may kasamang pagmamahal. Pagmamahal na higit pa sa isang kaibigan.

 

Natatakot ako na pag sinabi ko ulit itong nararamdaman ko, baka sabihin mo nanaman na wala ito at nadadala lang ako. Masakit din kasi ibig sabihin nun hindi mo nararamdaman at nakikita sa akin na kaya kong makaramdam ng ganito. Sana pagkagising ko bukas wala na sya. Para sa mga susunod na araw hindi na ako ulit iiyak pa. Para sa mga susunod na araw hindi ko na kelangan pa timbangin ang mga sinasabi ko sayo. Para hindi na kita mahalin pa ng higit sa isang kaibigan.

Edited by sOin2you
Link to comment
  • 2 weeks later...

Hey F,

 

If you back off again, I don't think I can take you back the next time. Because I will be running as far away as I could. You have to make a decision. Do you want me in your life or not? You can't keep on backing off. I want to be in your life, but Im not saying if you don't want me to.

 

I hope this time you are staying for good. Because another change of heart from you will have me packing my things, changing my number and moving to a different city just to stay away from you. because God knows you have this effect on me. you keep on pulling me back in.

Link to comment

these past few days, i choose to stay silent

bury my self in this pool of laziness

i'm not quite sure why, but i wanted to talk to you

though not this way, i'm hoping there's another way

i wanted to be by your side, do you wished it too?

you are on my mind, am i there too?

 

:) alam mo na kung sino ka..

Edited by sweeney_todd
  • Like (+1) 1
Link to comment

There are moments that whenever I close my eyes I see your ravishing face and there are times that I couldn't get you out of my head. I need you so badly because you bring light to my darkness and you're that person who can make me neutral. Yes, it is always been you. Nobody but you.

Edited by Sherl0ck
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...