Jump to content

If Only.... Mga What Ifs ng Buhay Natin...


Guest simply_miss

Recommended Posts

  • 3 weeks later...

Way back in 1985, while I was dreaming and hoping to find someone who will love me for real, you came into my life and we became friends... I was happy with our friendship and the way you treat me. I remember there was a time I talk to your yaya who happened to be your cook also.... I told her "okay pala rito sa inyo, palaging masarap ang mga pagkain"... your yaya told me, utos mo raw yun na dapat ay palaging available ang mga paborito kong food sa house ninyo. I just laugh with what your yaya told me. Our friendship goes stronger. Madalas na magkasama lang tayo ng nagdaang gabi pero kinabukasan ng umaga ay bisita ko na agad ang yaya mo sa bahay para mag abot ng sulat mula sa iyo. Dami kong naipong sulat mula sa iyo. There was a time nagyakag ako magmeryenda at kumain tayo sa zelscor sa cavite city, you ordered tacos while I ordered pansit luglog for myself. Then I also ordered a guyabano shake. I asked you "Ikaw ano gusto mo?" You just smile and told the waitress just to provide an extra straw. At first, I didn't know what is that for until the shake arrive and you put your extra straw in there so we can share and sip together. I just smile and say to myself, palagay na talaga ang loob natin sa isat isa and we are really meant to be friends, a real close friend. Madalas akong abutin ng gabi sa inyo... wala lang.... kung ano anong games lang plus kwentuhan. Just happy na magkasama tayo. I remember, nag swimming pa tayo sa Josephine. You are one of the best person I met and you didn't know how happy I was to have you as friend.

 

Until isang araw nag offer ka na since wala naman akong GF at wala ka namang BF, why don't we gave ourselves a try. Okay naman kamo tayo as friend, siguro magiging okay rin naman kamo tayo as lover, kapag hindi nag work out then balik tayo as friend. Nagulat ako sa sinabi mo. Pero naging gago ako na di ko yun tinanggap dahil natakot ako na baka masira ang friendship natin.

 

Muli mong inopen ang topic na yun at diretsang sinabi sa akin.... "Mahal kita!.... Mahal mo rin naman ako di ba?" You cried ng hindi ako mag react and instead sinabi kong ihahatid na kita at late na. Since then, nag umpisa ka ng umiwas sa akin. Hindi mo na ako hinaharap kapag dumadalaw sa inyo.

 

Pinuntahan ako ng isang kaibigan natin para paratingin ang mensahe mo na ayaw mo na kamong pupunta pa ako sa inyo. Kinumusta kita sa kanya.... nabanggit lang niya.... umiiyak ka daw kapag naririnig ang kanta ni whitney houston... yung "All at Once". Noong umpisa ay puzzled ako, "bakit mo kailangang umiyak kapag naririnig ang kantang yun hanggang minsan ay aksidenteng marinig ko rin at maisip na mahal mo na pala akong talaga. Na ikaw na pala ang matagal ko ng hinahanap na babaeng magmamahal sa akin. Nag decide ako... babalikan kita and this time, para mahalin na at hindi para ituring lamang na kaibigan. Papunta na ako sa inyo ng masalubong ko ang isang dati mong manliligaw. Nag kausap kami. Tinanong ko kung sa inyo ba siya galing at kung nasa inyo ka ba? Sinabi niya oo galing nga daw siya sa inyo at nasa bahay ka nga raw. Sabi ko sige punta na lang ako sa inyo. Pero na shock ako sa sinabi niya.... kung pwede raw ay huwag ko ng ituloy dahil kayo na raw. Sinagot mo na raw siya. Shock talaga ako pero wala na akong nagawa.

 

Kung mayroong isang kanta na nag papaalala ng nangyari sa atin... ito ay ang kanta ni Norman Saleet... ang "This Time I Know Its Real". Sapul talaga ako kapag naririnig ko ang kantang yan.

 

Back to topic....

 

What If, hindi ako naging gago at sa umpisa pa lang ay inaccept ko ng maging tayo? What if nasuklian ko ng pagmamahal ang pagmamahal na binigay mo sa akin? Ang hirap magsisi sa huli. Narealize ko lang ang halaga mo sa akin ng mawala ka na. 1985 pa yun! Hanggang ngayon... naiisip pa rin kita.

Link to comment
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...
  • 3 months later...
  • 1 month later...

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...