Jump to content

Filipino Habit That You Hate


Guest airmax

Recommended Posts

Since tayo na nag pa-uso ng TEXT mania all around the world. I hate it that we are solely responsible for changing the mobile post- paid or pre- paid cost around the world! I remember back in the early nineties Philtel had a Zero- Plan and the Smart Bill Crusher. Back then text was 300 Pesos per 3 Months and The Islacom service provider was still fighting the network wars.

 

I also hate the crab mentality around Filipinos not just here bu also abroad..

 

I despise the "PALAKASAN" system it's who you know and not what you know that can get you a good position in a corporate field.

 

The dishonorable corruption plaguing our beloved country.

 

Our POSER/ Colonial mentality, puro na lang tayo gayahan.

 

More people now are hypocrites and social climbers.

 

I really despise and loathe Jejemon way of speaking specially usage of phrases or expressions like (uu, ganun, wala lang) and text messaging in super shortcuts and "JeJe" style like replacing the letter o with the number 0. Yung mga bata natin na tambay sa lipunan mas lalo pa ni lang pinalalala situatin ng lipunan!

Link to comment

ang ayoko sa pinoy pag dating sa trabaho yung ina UNDER ESTIMATE yung trabaho. ginagawa lang para matapos agad pero hindi pinagbubutihan at lalo na gagawa na lang kapag GAHOL na sa oras.

 

yung isa naman..pag dating sa pakikisalamuha..ayoko yung BACKSTABBER. kung may problema ka sa kaibigan or kausap mo..sabihin mo hindi yung sa iba malalaman. amp! kainis yung ganun.

 

saka ayoko rin naman yung GAGAWA ng ANOMALYA or KATANGAHAN tapos HINDI KAYANG PANAGUTAN or HARAPIN pag PUMALPAK kahit alam nyang katangahan lang gagawin nya. tapos IAASA sa iba yung PROBLEMA. at ikaw pa masama pag hindi mo tinulungan.

kainis lang.

(ONE OF MY GREATEST PET PEEVE) eh yung MAHIRAP PA NGA SA DAGA tapos MAG AANAK PA ng isang DAMAKMAK! yung tipong mukha ng bankay yung babae dahil sa sobrang pagka tuyot at wala ng makain nagpapa buntis pa. tapos ang masaklap nun, ISINISISI pa nila sa GOBYERNO yung kahirapan nila..t** parang "TANGA KA BA? hindi naman gobyerno gumagawa ng buhay mo!" tapos sasabihin nila wala daw silang mapasukang trabaho.. t**.. kung HINDI KA LANG CHUSI maraming TRABAHO sa pinas.. lalo na yung mga trabahong hindi naman kailangan ng matinding naabot sa pinag aralan. :angry2:

 

high blood ang beauty ko! haha charot! anyway, yan kasi yung napansin ko dati talaga nung nag Community service kame and syempre may kasama survey.. napansin ko.. tamad lang talaga at UMAASA lang sa HINGI yung mga tao lalo na yung mga mahihirap. kaya lagi silang nag hihirap. although meron din namang nagsisikap. kaya mas masarap pa tulungan yung nasalanta saka yung nakita mong bumabangon para umayos yung buhay. :blush:

 

matitiis ko pa yung social climber/ feeling social..actually mas nakakatawa pa nga yun kasi nakikita mo kung pano sila magpaka social kahit mukhang inday/dodong sila. :P

 

 

 

Link to comment

Hypocrisy.

 

Ang pinoy galit sa pulitko, minumura at isinusumpa sa kwentuhan at inuman. Pero proud sya sa tito nyang congressman at ipagmamaliaki pa nya a lahat ng friends nya.

 

Ang pinoy galit sa pulis, minumura at isinusumpa sa kwentuhan at inuman. Pero proud sya sa tito nyang general at ipagmamaliaki pa nya a lahat ng friends nya.

 

Ang pinoy galit sa pokpok, minumura at isinusumpa sa kwentuhan at inuman. Pero proud sya sa anak nyang "singer" sa japan at ipagmamaliaki pa nya a lahat ng friends nya. Fiesta ala grande pa pag balik ng pinas kahit na alam naman nya at lahat ng friends nya na sobrang sintunado anak nya bago pumunta ng japan.

 

Ang pinoy galit sa kabit, minumura at isinusumpa sa kwentuhan at inuman. Pero proud sya sa kabit nya, di hamak na mas magaling sa kama kesa kay esmi at ipagmamaliaki pa nya a lahat ng friends nya. Pag pinay naman, proud syang kabit sya dahil ginamit daw nya utak nya at nagpaka-practical sya.

Link to comment

Masyado tayong mahilig sa tsismis and dirt ng ibang tao na hindi natin nakikita ang sarili nating mga pagkakamali. Ayaw na ayaw ko rin na pag masyado silang critical sa ibang tao pero ayaw nilang iapply sa sarili nila. Feeling malinis ika nga pero sila yung may mas malaking diperensya.

Link to comment

Ang ayoko po ay masyadong maraming protesta sa atin, taas ng gasolina reklamo, taas bilihin reklamo.

 

 

Dito sa states eh wala namang reklamo tao. Basta taas na lang at di na babalita

 

 

Ang isa pang ayoko pa ay maraming flakes o mahilig mag cancel kapag nag memeet, keso nanganak pusa, etc

 

 

marami din tsismo at tsismosa.... at yung iba pa po ay maraming mayabang na galing abroad pa ingles ingles pa, bisaya naman ang accent

Link to comment

now that I'm here in Saudi, di ko akalain matindi talaga crab mentality at inggitan as in ipapatanggal ka talaga. bat kaya ganon mga pinoy sa ibang bansa kala ko ok kasi kalahi. di tayo tumulad sa mga ibang lahi dito tulad ng itik sila sila nagtutulungan.

 

narinig ko rin sa iba na pilipino mismo ang lumalaglag sa kapwa pilipino sa ibang bansa. hindi dapat ganun.

Link to comment

haha, totally agree with you! tsaka yung mga tao na sanay sa filipino time...kainis.

 

 

Ayoko at sobrang naiinis ako sa ugaling pinoy na ayaw makiusap ng maayos pag nagpapa-abot ng bayad jeep. Yung tipong nag te text habang naka extend ang kamay na pambayad na parang Donya at Don na dapat ay "GETS" mo na na aabutin mo ang bayad nila. Ggggrrr..

Link to comment
  • 2 weeks later...

Ayoko at sobrang naiinis ako sa ugaling pinoy na ayaw makiusap ng maayos pag nagpapa-abot ng bayad jeep. Yung tipong nag te text habang naka extend ang kamay na pambayad na parang Donya at Don na dapat ay "GETS" mo na na aabutin mo ang bayad nila. Ggggrrr..

 

Deadma ako sa mga ganyan, iyung mga tipong parang automatic na na gets mo na ang gusto nila. Nagbibingi-bingihan talaga ako, pag sinabi lang na pasuyo saka ko aabutin. Meron pa ang luwag naman ng jeep at nasa malapit sa estribo naka-sakay at ako naman nasa likod ng driver ipapa-abot pa sa akin at parang ako pa ang gustong lumapit, come on! Hello!!??

Edited by thegame08
Link to comment

I hate useless tsismis. There are necessary tsismis like news which mostly starts from a rumor, show-biz tsismis that can be profitable (which is why Kris Aquino is the Queen of Overshares). There are tsismis that are sources of livelihood which can be entertaining. Then there are tsismis that have no point at all, usually about the kapitbahay ni ano, asawa ni ganyan, yung pinsan mong ganon... that kind of stuff na gawain lang talaga ng mga taong walang ibang ginagawa. Pathetic and cheap practice.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...