Jump to content

Filipino Habit That You Hate


Guest airmax

Recommended Posts

Kwatro: Kelangan pa singilin bago maalalang magbayad ng utang. Samantalang kung mangutang, hindi mo pa nawiwithdraw sweldo mo tuwing kinsenas o katapusan eh nagpapahaging na. hmp!

 

Tres: Pag tatawid sa kalsada, dun pa mismo tatawid sa tapat ng kulay pink na signboard, "BAWAL TUMAWID, NAKAKAMATAY"! <_<

 

Dos: Related sa Tres pero sa scenario na to, bitbit pa ang mga anak sa pagtawid sa kalsada! :grr:

 

Uno: Tsismoso/tsismosa :grr: (super sarap tahiin ang mga bibig para wag na bumuka) :evil:

 

Link to comment

1. Filipino time- Always late.

2. Not responding to RSVPs then showing up with the whole barangay tagged along

3. Disregard for rules even if its posted and written right in front of him/her

4. Hindi pa tapos ang handaan o kainan, nagbabalot na ng take home!

5. Sinasamba ang foreigner

6. Mahilig magpa puti- magmukhang mestiza lang, kahit hindi bagay

7. Trying hard to talk English- Even if it's "Ghetto-talk"

8. Looking down on probinsyanos

9. Sobrang conscious sa grammar ng english tapos palpak mag Tagalog

Link to comment

Katamaran. Number 1 yan.

 

Pag hingi at pagbigay ng 'lagay' para makasigurong OK ang serbisyong ibibigay, o kaya para maipalusot ang mga di dapat makalusot.

 

Palakasan. Padrino system, backup system, tao-tao system. Nagpoproduce ito ng mga incompetent appointees kahit saan man, maging sa gobyerno o sa kahit anong trabaho.

 

Pagnanakaw. Nakaw sa oras ng trabaho, like mag-fre-friendster or chat, or mag psp sa oras ng trabaho. MAgkakape ng 2 oras, or magyoyosi break or lunch break ng higit sa oras o kaya matagal. Tatakas sa work or sa school naman bulakbol, at mangungupit pa ng baon sa magulang. Pagiwas sa trabaho.

 

Mahilig magpalusot. Kamot lang sa ulo kapag nabisto, pero itutuloy ang kalokohan hanggat hindi nahuhuli. Lulusot kung makakalusot. Poor appreciation ng law, rules and discipline.

 

Yung pagtsitsismis at paninira ng tao, paninipsip at pagsagasa sa karapatan or disregard sa fairness. Yung mga boss naman, nakikinig sa mga sabi-sabi ng mga aso, palibhasa they got their jobs undeservedly too, siguro. Over all incompetence and poor work ethic. Also pagpapalawak ng papel sa trabaho, makikialam sa mga bagay na di nila dapat concern, and at the same time hindi naman pinagbubuti ang mga sarili nilang trabaho. Sa madaling salita, EPAL.

 

Pagtatakip sa mga kakulangan ng sarili sa pamamagitan ng paninira sa gawa ng iba.

 

Pumapayag sa "puwede na" or "puwede na ito", "OK na yan" mentality -- walang disiplina sa paggawa. OK na sa mediocrity. Ayaw pagbutihin ang trabaho. Ayaw matuto. Yung mga "saka na" "mamaya na" "bukas na yan", "wag na lang".

 

Pang iingit o inggitero at inggitera. Crab mentality. Pagkahilig sa intriga o awayan. Pagsisinungaling. Pagtatakip sa katotohanan.

 

Pangunguntsaba. Pagiging petty.

 

Hindi pagbibigay ng sapat na kabayaran sa mga serbisyo o bagay. Mahilig tumawad, mahilig sa libre. Mahiilg mag-undermine sa kakayahan ng iba.

 

Pagpapakitang tao at pagpapapimbabaw. Overly concerned sa appearances, sa brands ng damit, o kagamitan, sa pagyayabang sa nalalaman o kaalaman or intellectual pride, pagmamalaki sa alam na wika, salita o lengguwahe na alam, kung saan kumakain na restaurant, kotseng dala, klase ng cellphone na gamit, mga lugar na pinupuntahan o pinagbabakasyunan. Paggastos na hindi naman sustainable o practikal, magtitiis sa hirap basta lang may maipakita o maipagpagkunyari.

 

Pakikipaghambugan. Pagmamayabang. Magalalasing at manggugulo. Mangaabuso ng esposo o esposa.

 

Pagpapailalim at pagpapaalila sa may pera, at pangungutya o paghahambog sa mga kapus palad. Kawalan ng malasakit. Kasama na dito yung pag-uutos sa mga office utility to do chores na personal like paying your bills or doing your grocery, etc.

 

Mga taxi driver na mataas magmetro o mabilis magmetro. Mga driver na salbahe, private man or public.

 

I take exception sa pangungutang...kasi mahirap naman talaga ang buhay these days and lahat naman ng tao ay nagigipit. Kailangan tulungan natin ang nagigipit. So sa akin, ok lang ang mangutang, although these days ayoko na maging utangan sa office kasi hindi rin maganda magpautang, gawa ng ayaw kong naniningil (at mayroon na ngang mga hindi nagbayad, pero ok lang).

 

Pero wish ko lang, yung mga nangungutang, huwag na sana nilang ipagkalat na "uy, si ano lapitan mo, puwede mo syang utangan"....secret na lang yun sana.

 

at finally...

 

sana, kapag may sakit ka, ubo man or lagnat or sipon, sore-eyes, tigdas, kapag bahing ka ng bahing, please wag na kayong pumasok sa trabaho kasi baka makapang hawa pa kayo.

 

yun lang naman. Peace! :-)

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...