Jump to content

What Has Love Taught You Lately?


Recommended Posts

Love taught me my TOP 20 never again things to endure are those are the following:

 

Marami ang nagsasalaysay ng kanilang mga karanasan sa buhay. Karaniwang nag-uumpisa ang mga pahayag nila sa mga katagang "Napakarami kong pinagdaanan....." Hindi naman ako kumokontra dahil kamuntikan ko na den umpisahan ang salaysay na to gamit ang parehong linya. Ngunit naisip ko," gasgas na yon". Kaya heto, inumpisahan ko na lang sa mga obserbasyon ko.

 

Nais kong isambulat ang aking naging karanasan na tunay ngang nagpatibay ng loob ko. At dahil suliranin sa pag-ibig naman ang kadalasang paksa ng mga artikulo sa blog o diary ng isang babae, heto at nanamnamin ko ang katotohanan na kabilang ako sa mga kababaihan na biktima ng damdaming nabubulagan ng pagmamahal.

 

Pero masyadong mahaba at mabusisi kung iisa-isahin ko pa ang lahat ng nangyari. Ang mahalaga ay nalampasan ko ang mga pagsubok ng buhay at pag-ibig dahil wala ako dito ngayon sa harap ng computer kung hindi ko kinaya ang mga ibinato sa akin ng tadhana.

 

Kaya eto na lang ang ibabahagi ko. Ang mga hinding hindi ko na papayagang mangyari pang muli sa buhay ko.

 

1. HINDING HINDI na ako pipili ng taong hindi nagsi-simba.

 

2. HINDING HINDI na ako pipili ng taong alam ko, o may suspetsa ako, na babaero, addict, sugarol at maaaring mapagbuhatan ako ng kamay. Kikilatisin kong mabuti at sisiguraduhin ko na dadaan sa pinakamaliit at pinakamahirap na butas ng karayom ang sino mang magtangka na manligaw sakin.

 

3. HINDING HINDI na ako papayag na diktahan ng kahit sino.

 

4. HINDING HINDI NA ako magpapadala sa takot. Sila dapat ang matakot dahil hindi nila ako kilala. At kung talagang gusto nila akong makilala, dapat marunong makinig at kasing lalim ko mag-isip.

 

5. HINDING HINDI ako papasok sa isang relasyon o transaksyon ng hindi ko alam ang mga kundisyon.

 

6. HINDING HINDI ako gagawa ng dahilan sa mga ugaling hindi ko gusto. (e.g. baka nasigawan lang nya ako dahil pagod siya sa trabaho, baka nalimutan lang niya ang anniversary namin dahil busy siya)

 

7. HINDING HINDI na ako maglalabas ng kahit singkong duling para sa kahit sino maliban sa anak at magulang ko. (At sa mga PILING tao na pinagkakatiwalaan ko)

 

8. HINDING HINDI na ako papayag sa rason na "eto lang ako e, kung di mo matanggap di wag" (HINDI TALAGA)

 

9. HINDING HINDI ako papayag na maagrabyado akong muli.

 

10. HINDING HINDI ako papayag na husgahan ako o pag-isipan ako ng mali kahit walang basehan. Kung may kasalanan man akong nagawa at naipaintindi mo sakin ng maayos kung ano ang mali ko, mabilis akong hihingi ng paumanhin. Pero kung sasalitaan mo ako ng hindi mo naman napatunayan ang mga paratang mo, pupunta ako sa pulis, mag-fifile ako ng report at idedemanda kita.

 

11. HINDING HINDI na ako papayag na hindi ako magta-trabaho. Pera mo, pera mo. Pera ko, pera namin ng anak ko.

 

12. HINDING HINDI ako makikipag-relasyon sa taong hindi pasado sa standards ng pamilya at mga kaibigan ko. Bakit kamo? Dahil makikita nila ang mali kung sakaling mabulag nanaman ako ng pana ni Kupido.

 

13. HINDING HINDI na ako magpapa-apekto sa mga salita na hindi ko naman dapat dinadamdam dahil hindi naman ako ganung klase ng tao. Kung puro husga lang ang alam mo, mag-apply ka bilang Chief Justice.

 

14. HINDING HINDI na ako pipili ng taong hindi pinaghirapan ang pagmamahal ko. At hindi ako pipili ng taong hindi marunong rumespeto sa salitang "HINDI".

 

15. HINDING HINDI na ako pipili ng taong makakalimutin ng monthsary, anniversary, birthday, christmas, valentine's at kahit ano pang okasyon na dapat ay cine-celebrate.

 

16. HINDING HINDI na ako pipili ng taong hindi marunong mag-tiis o mag-sakripisyo.

 

17. HINDING HINDI na ako pipili ng taong hindi marunong magbukas ng pinto para sakin, humila ng upuan ko sa isang class na restaurant at mauna bumaba ng jeep para alalayan ako.

 

18. HINDING HINDI na ako pipili ng taong hindi marunong magpahalaga sa damdamin ko o ng ibang tao, walang malasakit at walang kunsiderasyon.

 

19. HINDING HINDI na ako pipili ng taong walang trabaho.

 

20. HINDING HINDI na ako pipili ng taong laging lowbat ang cell, hindi marunong mag-reply o mag-callback at nangingialam ng cellphone ko.

 

Yan munang top 20 "HINDING HINDI" ko. Sigurado ako madadagdagan pa yan. Marami man akong hindi na gagawin, ang mga ito naman ang magbibigay daan para matukoy ko ang mga kaya kong gawin muli, o ang mga bagay na maaari ko pang magawa sa ngalan ng pag-ibig.

 

Pano? Hanggang dito na lang muna ha. Sa susunod ulet. Pag may mungkahi kayo, i-comment nyo na lang. Salamat at hanggang sa muli.

Link to comment

I learned that it's just like the Bible said..

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...