Jump to content

acidboy

[07] HONORED II
  • Posts

    478
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by acidboy

  1. sa tingin ko hindi pa babalik si brock sa wwe. dami pa namang ibang teams diyan eh, dagdagan mo pa na sinipa na syota (fiance?) niyang si sable sa wwe, baka di pa agad babalik iyan.

     

    si hbk babalik na sa next ppv. nag-text siya sa akin. hahahaha!

     

    maganda sana nation of domination bumuo, tapos leader nila si cena. :lol:

  2. stone cold, the rock, triple h n shawn michaels? hahaha! baka mabwiset lang tayo sa match na iyan? isa di makagalaw dahil sira na leeg at tuhod, yung pangalawa, ayaw ma-injure kasi baka di magkaroon ng bagong sine, yung pangatlo gumagamit ng maso, at yung pangapat di na rin magawa mga old moves niya.

     

    si tommy dreamer ay nagsisilbing trainer rin sa wwe, pero kahit na, dapat nasa tv rin siya. natandaan niyo yung binigyan nila ng award si mick foley tapos lahat ng hardcore legends na nasa wwe andun, kasama si dreamer, al snow, dudleys...

     

    napapansin ko rin si y2j nagiging 'jobber' na rin. high-profile jobber, pero jobber pa rin. di yata makapanalo-nalo si jericho. sana may push rin siya around the corner, kundi kawawa naman legacy niya- binasted lang ni trish stratus tapos di talo lang kay christian.

     

    di ako magugulat kung alukin nila ng contract si rulon gardner ngayong retired na siya sa amateurs.

  3. my 2 picks (superstars who shouldn't be in the WWE)

    1. A-Train (I agree with gwapogi10)

    2. Funaki (he's way out of his league in the Smackdown roster)

     

    i can only think of two... sorry...

    mga hindi karapat-dapat:

     

    1. the big show - aka the big slow. pero di siya matatanggal kasi mahilig wwe sa mga higante at takot silang kunin siya ng nwa-tna

     

    2. maven - p*tang*na, walang kakwenta-kwenta.

     

    3. billy gunn - 'ika nga sa english, beating a dead horse na career nito

     

    4. bob holly - walang kadating-dating, kahit ginawa pa siyang headliner. nung binalik siya sa likuran ng pila, wala man lang nakapansin.

     

    5. scotty 2 hotty - laos na gimmick niya. besides, sinong maniniwala sa finisher move niya?

     

    6. kane - 'till death do us part match'??!!! t*ang*na, nauubusan na siya ng puwesto sa wwe ah!

     

    eh ang sundo na tanong, sino ba dapat tulakin ng wwe sa spotlight? imho, ito ang aking list:

     

    1. hurricane & rosey - nakakatawa sila, lalo na yung storyline dati ni hurricane vs. rock, kakapagtaka nga bakit biglang tumigil ang push niya noon eh.

     

    2. rvd - hard worker, pero di binibigyan ng microphone. alala niyo pa yung ic match niya vs. christian? ang astig!

     

    3. batista - dapat umalis na siya sa shadow ni hhh

     

    4. tommy dreamer - legendary pero di ginagamit

  4. gumawa nga si randy savage ng rap cd and meron daw isang song dun tinatamaan niya si hogan. wierd lang nga dun, kung mahirap na nga intindihin ang pananalita ni macho man, pano pa kaya kung rap! hahaha!

     

    si raven dumaan naman sa wwe (and noon sa wwf bago siya nag wcw) pero once again underutilized siya, pang heat lang siya noon. sayang. dapat si tazz din pala bumalik na sa competition, isa ring palpak na wwe entry siya, kahit living legend na siya noon as the human suplex machine. injury-ridden na ba siya kaya di siya lumalaban?

     

    sa dami ng talents nga ng wwe, eh tapos 2 lang ang weekly shows nila, kelangan talaga gumawa sila ng isa pang federation (ecw!!!) para ilagay naman dun mga hindi nagagamit. pero kung isipin mo naman, nagsasayang sila ng 15 minutes sa raw diva search, pero si nunzio at jamie noble di man lang nilalagay sa smackdown.

     

    isa pang sayang si lance storm. puwede siya maging next benoit.

  5. hahaha! oo nga pala, 3 count yun. kung tutuusin, nauna pa siya sa gimmick ni scotty too hotty, brian christopher at rikishi... diba parang ganun na rin yun, lalo na nung kasama nila si tank abbot?

     

    re: maduza. yun din kasi ang ginawa ng wwf nung 1st time lumipat si ric flair galing wcw, nakalimutan ng wcw kunin yung belt sa kanya (champion siya noon) at lumabas siya sa wwf superstars or raw is war na suot ang belt tapos tinapon niya sa basurahan. so ginaya lang ni bischoff yun.

     

    totoo nga sabi ni tamago, si hogan may planong magtayo ng sariling federation based in florida, at gusto niya kunin sana si ted turner bilang financier. problema lang dito, walang wrestler na matino ang gusto maka-associate kay hogan kasi bwakaw siya sa spotlight. noong nasa wcw lang nga siya ang daming nabwiset sa kanya dahil sa 'backstage politics' niya at mga na-push noon puro kaibigan lang niya (isipin niyo si disciple aka brutus beefcake tinulak noon over sila eddie guerrero!) at si ted turner din di na kasingyaman noon mula nung umalis siya sa negosyo niya.

     

    sayang din wala ng balita sa mga ex-wcw talents tulad ni lash leroux, crowbar, evan kariagias at norman smiley.. also si major gunns!

  6. ang tendency ngayon ng wwe, medyo tumatagal ang reign ng champions nila, di tulad ng dati ang bilis magpalitan... nawawala raw ang prestige ng championship. as if totoo nga yung laban! hahahaha! kaya imho, medyo tatagal ang takbo ni orton, at ngayong may away na sila ni triple h, asahan niyong ang daming permutation nito sa mga shows nila (example: hhh vs. orton, benoit/orton vs. hhh/batista, orton vs. hhh/batista/falir, orton vs. batista pre-ppv...)

     

    di mapipigil ng wwe kung gusto ng tao si dupree dahil sa sayaw niya... para namang laban yan ni hogan at ni rock, nung dapat bad guy si hogan eh lumabas sa match si rock pa ang hiniyaw. at lately yang laban ni edge at y2j sa summerslam, di nila inasahan si y2j pa ang kinampi ng fans sa hometown ni edge.

     

    ano nga pala yung 'boy band' gimmick ng wcw noon, 3 sila sumasayaw bago sa match at nung huli sinamahan pa sila ni tank abbot?

  7. isa sa mga distinguished alumnus ng wcw powerplant si david arquette. hahaha! tandaan niyo nung promotion ng 'ready to rumble' ginawa siyang wcw heavyweight champion- na nagkaroon ng matinding backlash sa wcw, dahil kung isipin mo nga naman isang payat na b-grade actor naging champion habang ang dami-daming talent nila sa roster di bingiyan ng pagkakataon umangat. kaya bumagsak wcw eh.

     

    ang problema talaga ngayon ng wwe is wala silang competition, kaya mas-relax sila sa quality ng palabas nila.

     

    may nabasa akong article na ang mga writers ng wwe ay di mahilig sa cruiserweights at masgusto pa rin nila ang classic na malalaking higante as wrestlers, at ang head writer pa nila noon ay nag-suggest na tanggalin na lang ang cruiserweight belt. kaya rin siguro di tumatagal mga cruiserwieghts dito (except si mysterio) at mga ibang cruiserweight pang-velocity lang. at tingnan niyo mga cruiserweights na hindi umangat sa wwe: ultimo dragon, nunzio, raven, spanky...) sayang.

  8. ...oo nga, paulit-ulit in some sense, pero ang key dun, is, ibang tao naman yung gumaganap, say, yung dude love ni mick foley dati, ngayon, si eugene, or si barry windham dati, ngayon si dave batista... dati si bret hart, ngayon si chris benoit, dati si rock, ngayon si orton... fresh faces ang clincher dyan eh...

     

     

     

    ...anyway, suggestion ko lang...

     

     

    ...bring AJ STYLES to the WWE...

    oo, okay si aj styles... as a matter of fact, dapat gamitin na ng wwe ang pangalan ng ecw, gumawa sila ng totoong invasion angle (di katulad nung unang dating ng wcw talents) na hawak ni paul heyman (isa pang underused na talent!) para mabulabog wwe. isama mo na rin sila sandman, raven, sabu, new jack at isama sa isang show sila dudleys, rvd, etc...

  9. pwede pa ma-revive ang career ni nick dinsmore ... me solusyon pa:

     

    10 solutions to revive nick dinsmore's career after being eugene

     

    a. convert him itno a masked wrestler - kabaliktaran nung ke rikishi (from the sultan to rikishi... the best decision of his life, perhaps...)

     

    b. make him shave his head, trim his goatee, take some muscletech supplements, jack up 3 vials of horse steroid and start raisin' hell and pointing dirty fingers (mag-ala austin sya, hehehe...)

     

    c. make him join a possible undertaker ministry (hehehe... nakatalukbong lang sya ng itim dun, hehehe...)

     

    d. turn him into a WWE diva (say, natuluyan na yung pagka-retard nya, nagdecide sya magsuot ng thongs at sumali sa WWE diva search)...

     

    e. involve sya sa relationship w/ linda mcmahon... hehehe...

     

    f. get d-lo brown from NWA-TNA and make him piledrive eugene stiff (at least, believable, look at droz now after d-lo's piledriver, di ba may effect... if i remember right, si d-lo nga ba yung gumawa nun...) then after knocking his brains so hard, magiging matino sya...

     

    g. mag-shooting star press sya (ala brock lesnar, same landing that is...) then after knocking his brains so hard, magiging matino sya...(nasabi ko na yata ito...)

     

    h. turn him into an insane madman (ala mick foley / abyss ng NWA) as a sort of complication to his brains... then feed him to hardcore matches...

     

    i. involve him in a buried alive match... then, like some comic books, after 4 PPV's, he then will be reborn as - the undead, nick dinsmore or nick dinsmore, "eugene" no more or nick "born again" dinsmore...

     

    and...

     

    j. cut his leg off and make him the new zach gowan...

     

    ...just my twisted thoughts...

     

     

     

    ...and indeed, flair has man puppies...

    napansin nyo rin ba, si eugene parang ginawa sa molde ni mick foley?

     

    minsan kasi ang tingin ko sa storylines nila, parang paulit-ulit lang, iba lang mga bida/kontrabida. tingnan mo nga yang cena/orton- diba nga parang lesnar/goldberg din yan? eh yung evolution, diba parang mutation lang yan ng dx at 4horsemen? yung character ni jbl (right-wing republican) diba character ni kurt angle yan nun?

     

    tungkol kay ric flair, imho totoo naman sinabi ni bret hart eh- walang kwentang wrestler si flair. limited ang moves at puro gimmick lang. charisma lang nga ang tumutulak sa kanya. malakas lang loob niya dahil sa insidente dati sa wwf-raw, nung nag-debut siya doon galing wcw, siya ang champion sa wcw at dala niya yung belt ng wcw sa raw. para kay mcmahon, malaking insulto yan kay ted turner. pero si bret hart din naman, ang daming issues ukol sa wwe. pero sa huli, kakausapin din pala si mcmahon. labo rin niya.

     

    si ric flair hindi aabot sa level ni macho man, mick foley o bret hart. naging champion nga siya, pero maska-level niyang champs si bob backlund at iron sheik.

  10. ang pusta ko, tapos na ang run ng evolution. si batista din kasi mukhang malapit na tulakin ng wwe sa limelight. kun gituloy pa nila ito na kasama pa si edge, wala ng mangyayari sa mga ibang wrestlers nila. natawa nga ako sa pinalabas na raw kagabi, may isang tao sa audience may sign na ang nakasulat ay: "ric flair has man puppies!"

     

    lumabas itong ticker sa isang site, tungkol sa nasulat ni tamago, pucha si austin pala ang biktima! hahaha!

    "The LA Times has a story on Steve Austin and former girlfriend Tess Broussard were involved in a brawl at a restaurant in Beverly Hills. They report that the intended meeting was to give Broussard a cheque for 1.5 Million "in exchange for Broussard moving on and out of Austin's life and agreeing not to pursue legal ramifications over different incidents involving the couple over the last year." Broussard was arrested and charged with assault with a deadly weapon, which carries a maximum penalty of a $10,000 fine and four years in prison. She is due in court on 9/1 and is currently out on $30,000 bail. "

     

    kawawa si eugene dinsmore, ang problema kasi sa mga ganitong gimmick, walang continuity. parang si zach gowan- hanggang doon na lang. kahit pekeng abno si eugene, mahirap na palitan ang gimmick niya sa iba kung magsawa na mga tao sa kanya. pano mo i-repackage ito? bigla na lang siya gagaling? hindi bebenta iyan!

     

    nabasa ko na marami kasing writers ang wwe ngayon ay ex-sitcom writers, at walang background sa sports, kaya pangit ang produkto nila. apparently, hindi nila inaayos ang problemang ito, dahil ito rin ang dahilan kaya't nag-walk out si austin noon.

  11. si gangrel yata di masyado nagustuhan ng wwf ang gimmick kasi may drinking blood routine siya. baka mademanda sila.

     

    si vampiro lumabas recently sa nwa-tna, kasama pa rin icp, pero one-time deal lang ata yun.

     

    malamang patapos na ang run ng evolution, at magkakaroon na ng realignment (ex: orton-good guy, edge-bad guy) si batista rin mukhang hinog na rin. pagtinuloy pa nila yan, wala ng mangyayari sa ibang wrestlers diyan.

     

    dapat itulak nila ulit si y2j! palagi na lang ginugulpi, sayang.

  12. si christian sumunod kay edge sa wwf, pagkatapos pumalpak ang supposed grand entry ni edge bilang singles competitor. naging sidekicks pa sila ni gangrel diba? pero bago nga niyan, sikat nga sila sa indy circuits lalo na sa canada.

     

    si torrie wilson, asawa ni billy kidman. suwerte ng gagong iyan.

     

    si austin, ex-wife niya yung dating wwf diva. kalimutan ko na pangalan nun. kasama rin siya sa wcw noon.

     

    si shawn michaels naman asawa isang former nitro girl. pinakilala sila ni kevin nash noong nasa wcw pa siya at retired si hbk.

  13. yes, eugene will interfere. expect him to do that in the closing part of the match where both men are tied in score.

    kung napansin niyo, mga storylines o kaya'y mga personalities ng mga wrestlers ay puali-ulit lang. si eugene lang nga yata ang original na plot ngayon diyan sa wwe eh, at mukhang spoof pa siya ni hacksaw jim duggan! puwede mo na nga gawan ng "codename" mga storylines eh, example:

     

    1. right-wing american - jbl, kurt angle the olympic hero, the blue blazer. steven richards

    2. gay odd couple - charlie haas/rico , bill & chuck, goldust & mankind

    3. redneck &/or s.o.b. - austin, "biker" undertaker, d.o.a., a.p.a.

    4. gothic - "deadman" undertaker, acolytes, kane, (yung bago na nakaputi na nawala rin- forgot his name)

    5. young overachievers - angle, rock, orton, lesnar

    6. ethnic badguys - nation of domination, los boricuas (?), la resistance, the soviets, mr. fuji's wrestlers, yakuza, fbi

     

    at marami pang iba....

  14. actually, kung tingnan niyo history ng mga storylines ng wwe, maraming stories ang naulit na. isa sa mga napansin kong storyline na inulit is yung kurt angle persona noong bago pa lang siya (parang spoof na right-wing american) na ginawa rin ni owen hart (as blue blazer) bago siya namatay. si mordecai din ay parang rehashed image ng acolytes, na rehashed image naman ng grupo dati ni christian, edge at gangrel. yang tag-teammate ni charlie haas na bading, hindi ba isa siya sa mahabang listahan ng bading na dumapo sa wwe/wwf, tulad ni bill & chuck at goldust?

  15. re: scott steiner, isa nanamang case of mcmahon hack job vs a wcw worker? although galing wwf si steiner noon, sumikat talaga siya sa wcw nung na-repackage siya, kahit nga naman walang kakwenta-kwenta wrestling moves niya. pero ang dami rin namang wwe properties din na walang kwentang talent pero pinursigi talaga ni mcmahon.

     

    re: bret hart, sa tingin ko usapang negotiations lang sila ni mcmahon tungkol sa rights ng mga videos and archives na kasama si bret hart. ilang beses na rin sinabi ni bret hart na hindi na siya babalik dahil hindi raw 100% ang mabibigay niya sa mga fans kung bumalik siya kaya unfair daw yun. pera lang talaga usapan ng mga yan.

  16. ang kelangan talaga ng wwe isang kalaban na federation para mapilitan silang mag-"level up", yan ang nangyari noong wcw-wwf monday night wars, dahil nalampaso ni bischoff si mcmahon sa ratings, at ang masakit pa dito ay ang dahilan ay ang nWo, a.k.a.- ex-wwf employees, napilitan si mcmahon magpalit ng strategy, at yan ang simula ng "attitude era". kaya rin wish ko rin na umangat ang nwa-tna, para maging legit competition vs. wwe, dahil reminiscent ang wwe ngayon sa wwf noong early 90s, walang kwenta (isipin niyo naman stars noon ay sina the godwins, hercules, bodydonnas, the patriot, ted dibiase... etc..)

     

    ang definite na di magpapakita sa wwe ay si sting, dahil born-again christian na siya; si ddp, dahil hindi gagastos ang wwe para sa rehab niya; si goldberg, dahil ang dami na niyang sinabi vs. mcmahon; bret hart, for obvious reasons; kevin nash, dahil bugbog na katawan niya; si scott hall, dahil lasenggo siya; at si big poppa pump, dahil malaking kapalpakan ang pagpasok niya noon.

     

    si x-pac ay posibleng ibalik sa wwe, at proof nga ay nagpapa-rehab siya (alcoholism yata) at ang gumagastos ng rehab ay si hhh at mcmahon. at worse comes to worse, kung kelangan talaga nila ng pera na, maaring ibalik si mick foley & steve austin. si rock di na siguro babalik other than mga one-time deals. si jeff hardy daw ay baka bumalik rin.

     

    ang unsolicited advise ko sa sd, gumawa sila ng "ecw invasion" angle na hahawakin ni paul heyman at kasama si rvd, the dudleys, tommy dreamer, etc.. mas-okay pa siguro yan kaysa sa 'nation of domination angle' na kumakalat ngayon.

     

    irshes (and fans ni hbk),

    correct me if i'm wrong, tamago, pero lumabas noon si hbk sa playgirl. at ang pagkaalam ko isa yan sa dahilan kaya imbiyerna si bret hart kay hbk, kasi bad role model daw si hbk.

  17. si john cena naka-leave kasi gagawa siya ng sine, diba?

     

    sa tingin ko hindi siguro 'nation of domination'-style ang bubuuin, pero opinion ko lang yan. nung ginawa kasi nila yan dati, kasama na yung doa at yung hispanic na grupo na kasama si savio vega, sobra silang na-criticize dahil sa idea na yun: people of same ethnicities grouping together to fight other ethnic groups.

     

    agree ako kay tamago regarding kay william regal, okay na wrestler yan, and sa alam ko may history sila ni triple h, either nag-tag team sila dati o magkatunggali sila noon. si dean malenko okay rin, nag-retire na nga siya and road agent siya ng wwe ngayon. kahit ano pa sabihin nila, noong pumasok siya healthy din siya and comparative ang technical skills niya kay benoit, pero tingnan mo naman ano ginawa sa kanya- from a straight up character sa wcw naging manyakis sa wwe! wala ba silang maisip na iba na angkop sa mga wrestlers?

     

    si undertaker naman, isa pang biktima ng poor writing. ang laking tanga ng mga writers na ito para gawing 'deadman' ulit siya eh wala na yung aura niyang yun nung 'biker guy' na siya eh- dapat binase na lang nila doon ang character- a merciless s.o.b. biker na walang kakampi. at yang cement truck gimmick nila sobrang supot na idea yun! sa tingin ko rin bilang na rin araw ni taker, at malapit na rin mag-retire yan- at kung mangyayari yan, magiging champion muna yan.

  18. si orton ang future poster boy ng wwe, parang si rock noong bago siya, except wala pa rin tatalo kay rock sa mike. sayang lang sa wwe ang daming mga wrestlers diyan na dapat itulak, pero siguro nanggaling sa ibang federation at hindi "homegrown" or kaibigan ni triple h kaya walang push, tulad ni rhyno and yung mga umalis tuloy dahil sinira lang ng wwe exposure nila tulad ni raven, lance storm, sandman, dean malenko... dapat gumawa sila ng ecw group within wwe para mabuhay naman wwe, kasi medyo corny na yung drama ng mga ito. proof lang: jbl as champion??!!!

  19. thanks, mga pre. basta i'll keep u guys updated on hte lowdowns happening in the WWE & others

    if jeff hardy agreed w/ WWE's terms, he was suppose to return at WM XX w/ the SD brand. he would be part of the cruiserweights (w/c fits him, since he has the daredevil tactics of the luchadors).

    tamago,

     

    si jeff hardy nasa nwa-tna na, and heel na siya doon. ang may-ari ng nwa-tna si jerry jarrett, erpat ni jeff, kaya nga siya ang champion and inaakala nilang 31 crowd drawer. also in nwa-tna ang new hart foundation na pamangkin nila bret and isang bayaw nitong pamangkin, andun din si michael shane, na pamangkin naman ni hbk. judging by the way itong mga next generation wrestlers pumupunta sa nwa-tna instead of wwe (except randy orton) mukhang promising nga itong nwa-tna, siguro kelangan lang nila capital pa pang-expand ng operations... pero last i heard meron na silang nakuhang magandang tv deal and on the way na sila maging threat to wwe's stranglehold sa sports entertainment.

     

    si luger, parang si sting, ay lumabas lamang sa tna on a per-appearance basis. kumbaga short time lang sila doon. siya rin ay involved sa pagkamatay ni elizabeth, ex-valet ni macho man, na ka-live in niya kasi namatay si elizabeth by o.d. sa bahay ni luger.

     

    btw, si hogan pala ay nakikipag-usap din sa ibang willing investors (suckers) para magtayo ng isa pang federation. pero mukhang walang interested na investors, and wrestlers na sumali. at si ultimate warrior naman may malaking topaks yata sa ulo, and sinubukan niyang palitan legally ang real name niya, James Wellzig(?), at maging legal name niya ang "Warrior".

×
×
  • Create New...