Jump to content

acidboy

[07] HONORED II
  • Posts

    478
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by acidboy

  1. actually, si rvd at rey mysterio ang magiging next tag champ sa smackdown. pero parang hindi nga siya binigyan ng magandang exposure noon, eh yung laban nila ni xtian dati sa raw para sa i-c belt ay maganda naman (lalo na yung ladder match).

     

    lumaban na sa wwe si cw anderson at si lodi.

  2. ang pagka-kampiyon ni bradshaw ay nagpapatunay lamang na may palakasan system din pala sa wwe. isama mo na rin dito ang matagal ng pagkaupo ni hhh bilang raw champ, ang pag-retain sa mga no-talents tulad ni hardcore holly, ang hindi pag-angat ng mga wwe transferees tulad ni rvd, at pagtanggal ng mga deserving talents tulad ni rico at jamie noble.

     

    sana ipalabas dito ang ppv ng tna, mukhang okay yata eh.

  3. wala pa yatang naka-post nito, pero kung may oras plano kayo mag-chinese resto at okay lang sa inyo gumastos mag-order kayo ng beggar's chicken. iilan lang actually ang meron nito, special order kasi ito at kadalasan 1 day in advance ang order nito dahil mabilis na ang kalahating araw na lutuin ito.

     

    subukan din ninyo braised turtle. masarap siya, pero minsan lang naawa lang ako sa pagong.

  4. kikufuji ay nasa mini-japantown sa tabi ng makati cinema square sa pasong tamo. katabi niya ang shinjuku. punta ka diyan tanghali sa weekday para makaupo ka.

     

    meron akong nadiskubreng masarap na pancit habhab- tuwing linggo merong open market sa lung center sa may qc circle, at sa isang stall doon ay may isang babae na taga-lucban na nagbebenta ng habhab (P10 per order lang!) nagbiyabiyahe talaga siya galing quezon para magbenta. ewan ko lang kung nandun siya ngayong linggo.

     

    plowed99,

    ano tsibog sa thram's?

  5. Bret Hart said that he may consider a return to the WWE, but only if Vince McMahon issues a sincere apology.

     

    idol ko si bret hart. isa talga siya sa pinakamagaling na wrestlers noon at ngayon. siya ang nagkarga ng wwe pre-attitude era. pero siguro naman dapat na mag-move on si hitman. ang montreal screwjob ay nangyari noong 97, at ang wrestling naman ay hindi shoot-style, at si vince ang nagsasabi naman kung sino ang mananalo, hindi ang wrestlers. wala naman siguro dapat i-apologize si mcmahon ukol dito. yung nangyari naman kay owen ay aksidente lang. kung may negligence sa parte ng wwe, eh dapat nakasuhan na iyan ng wrongful death (isang civil case sa us ang wrongful death).

     

    a tinign ko habol lang naman ni hitman ay yung rights sa pangalan niya at sa archive matches niya eh. dapat gawin na lang niya i-manage na lang ang 3rd generation hart foundation (teddy hart, etc..) at ipasok na lang niya sa wwe.

  6. promo pa lang nga nung Arab-American wrestler, nag-"boo" na mga kano.. Pan pa kaya sa actual match.. Kawawa sya kung sakali, baka pag-initan ng fans.

     

     

     

     

    bread and butter kasi ng wrestling ay mga kano na nakatira sa midwest, mga rural at suburban na lugar na massarado ang isip at mas-'patriotic' kaysa sa coastal states.

     

    "rumors are flying around regarding Raw's main event for Wrestlemania 21. at first, it would appear to be HHH vs Randy Orton. but now, Batista has become a fan favorite. his in-ring skills have improved, & now writers are thinking of having Batista break away from Evolution & face HHH at the main event. "

     

    haha! kawawa naman si hhh: kung wala na ang evolution o maging sideline na ang evolution eh di parang nung naging leader siya ng dx nung umalis si hbk, supot na siya!

  7. imho- best shawarma ay homemade.

     

    ginawa ko dati bumili ako ng wraps (sa middle eastern supermarket), nag-ihaw ako ng tenderloin tips na na-marinade sa bawang, paminta at asin at pinalaman ko. imbes na garlic-white sauce na nilalagay ng mga shawarma stand, nilagay ko yung garbanzo na dip nila (kalimutan ko tawag doon). tapos yung onion, inihaw ko rin para masmatamis. sarap!!!

  8. ang 'patriotic wrestler' ang palagiang lifesaver ng wwe/wwf. lahat ng pambato nila naging pro-america puwera na lang si bret hart at mga canadian superstars. alala niyo pa si 'the patriot'? ibig sabihin lang talaga nito nauubusan na sila ng storyline.

     

    puwera sa insidente ni hardcore holly at rene dupree, may ginulpi na rin pala si holly na tough enough contestant dati- on camera- para turuan daw ng 'respect'. at dahil sa pasiga-siga ni holly, yung injury daw niya sa leeg dahil sa powerbomb ni brock lesnar ay sinadya daw.

     

    si machoman, na palaging hinahamon si hogan sa isang grudge match, ay nag-demand sa tna ng 2 bodyguards, dahil mukhang papasok na rin si hogan sa tna. binigay sa kanya bilang bodyguard yung ex-wrestlers na si crush at si 8-ball (d.o.a.) dapat yata tanggalin na yung "machoman" na nickname niya eh!

  9. bro bluechips,

    tama ka, aysees ang pangalan nung luag sa may dating ultra. sarap talaga ng sisig nila. idadagdag ko rin ang "rsm" - isang chain ito ng restos sa laguna at cavite na parang carinderia at inuman. masarap ang sisig nila- yun lang nga, nilalagyan nila ng isang malaking kutsarang mayonnaise sa ibabaw ng sisig. kung mahilig ka sa mayo baka trip niyo ito, kung hinde, patanggal mo na lang.

     

    jerusalem restaurant ay nasa ermita. sa del pilar yata. daming arabyano kumakain dito, siguro masmaganda subukan mo mga iba't ibang items nila sa menu. halos lahat ng nakain ko doon masarap.

     

    imho, sang-ayon din ako kay atong ang. di ko nagustuhan ang tasty. noong bago siya, at isa lang ang puwesto niya sa may retiro masarap siya. pero nung kumalat na siya, sinundan na niya ang yapak ng mr. poons.

     

    idagdag ko lang:

    merong isang maliit na thai carinderia sa may gabi ng pwu. di ko alam ang pangalan pero okay dito. (sorry ha, mahina ako sa pangalan eh).

     

    japanese- wala na siguro tatalo sa kikufuji (makati) lalo na sa lunch menu niya. yung owner/chef nito, si claude, ay isang hapon na surfer. at halos araw-araw ang dating ng isda nila.

     

    cafe uno- masarap din nga dito. limited lang nga ang menu. at meron silang duck pate na ok na binebenta sa bote.

     

    noodles- na-mention ko ito sa kabilang thread, at dinagdagan din ni atong ang, masarap sa mien san sa gilmore. taiwanese style!

  10. i was going to hold it for another few days but since acidboy already let the cat out of the bag,  i'll do it earlier than expected.

     

    mien san is the probably the closest you can get to taiwanese cuisine after eng lay hiong in ongpin closed shop.  top picks here are the spicy beef noodles soup and shrimp dumpling.  their onion pancake still has a long way to go, though.

     

    if you are satisfied with gloriamaris greenhills branch, you'll definitely say ok with ccp branch, which IMHO, has the best cooks.

     

    thanks, atong. malayo lang kasi sa akin yang gloriamaris sa ccp. baka pagpumunta ako doon sa umaga, naubusan na ako ng dimsum.

     

    besides, mas-trip ko ngayon mag-sea foods eh. fried pitik na maraming bawang at sili dipped in red vinegar. sarap!!!

  11. eto ang aking munting listahan ng favoritos:

     

    maki - manosa (sta cruz), puwede na rin siguro ha yuan kasi malayo ang manosa eh

     

    seafood - spring deer (timog, qc), especially ang fried "pitik" at ang sauteed fresh abalone kung meron

     

    dimsum - gloriamaris (greenhills lang) - magaling talaga ang resident cooks nila

     

    white/soy chicken - tramway (near banawe) - local chicken lang pero malapit na ang lasa sa hk chicken

     

    noodles - mien san (gilmore) - taiwanese style

  12. mmm.... shawarma. yan na siguro ang pinakamagandang kontribusyon ng mga arabo sa mundo.

     

    problema lang dito sa pinas, ang shawarma (aka gyro) ay pinaliguan nung sauce na hindi mo maintindihan kung ano. parang mayonnaise na malabnaw. (imho) yang food channel na shawarma harang iyan. masmarami pa kulangot ko sa ilong ngayon kaysa sa roast beef na filling nila, tapos masmarami pang white sauce na binubuhos kaysa sa orgasm ko. :D

  13. Sawang-sawa na ako sa mga "established" restaurants! Problema kasi sa mga resos dito sa atin pagsumikat na ang establishment, at dumarami na ang branches, ang kalidad ng produkto nila bumabagsak na!

     

    Example: Triple V restos, Gloriamaris, Hapchang, Dencio's, Gerry's Grill, tia maria, Yellow Cab...

     

    Ayaw ko na rin sa mga restos na "sell out" meaning hindi authentic ang pagkain nila, o kaya'y kinokompromisa nila ang kalidad, o SUPOT lang talaga chef nila!

     

    Example: Tempura, Teriyaki Boy, Saisaki, Chowking, Little Asia, Pho Hoa....

     

    Kaya hanap ko na lang ngayon mga holes-in-the-wall, kung hindi mga di sikat pero masarap talaga ang food.

     

    Example: schwarzwalder, Old Swiss Inn, Jerusalem, Kikufuji at yung maliit na puwesto sa former-Ultra sa Pasig na sisig ang specialty.

     

    Share niyo naman dito mga ibang lugar na ganito!

    • Like (+1) 1
  14. miss ma,

    dapat manood ka ng tna, meron sa star-tv at sa channel 5 tuwing biyernes ng gabi. sa production quality, hindi talaga ito lalaban sa wwe, pero sa quality ng wrestlers, iba talaga pag underdog, gutom, at "out to prove" ang mga talents. bigay talaga sila sa matches.

     

    mukhang si maven tinutulak na rin sa raw. kasama pa siya sa survivor series team.

  15. padagdag lang: hindi ko sinasabing lahat ng sinulat ko ay bulok na wrestlers. para sa akin kalahati sa kanila magiging future a-train, billy gunn, brooklyn brawler, etc...

     

    pero sa mga baguhan, si cena na siguro ang pinaka-charismatic. pero hindi sa level ni rock at austin.

  16. base talaga sa mga tinutulak ng wwe na 'future stars': john cena, orton, batista, carlito, maven, shelton banjamin, charlie haas, tyson tomko, luther reigns... mukhang hindi maganda ang kinabukasan ng wwe. dagdagan mo pa mga no-talent ng tough enough, na posibleng maging wwe stars?!

×
×
  • Create New...