Martsa ng Pagkakaisa
Isulong natin ang pagkakaisa
Ng uring manggagawa at magsasaka
Ang ating sandigan sa pakikibaka
Tungo sa pambansang demokrasya
Silang nagtataglay ng tunay na lakas
Na dudurog sa imperyalismo
Burukrata kapitalismo, pyudalismo
Ang mga salot na pumapatay
Mula sa bundok at nayon
Parang alon tayong susulong
Kukubkubin at palalayain
Natin ang kalunsuran
At ating itatatag ang isang lipunang Malaya
Sa isang rebolusyong sosyalista
Hanggang mapawi ang pagsasamantala