Jump to content

photographer

[12] EXALTED
  • Posts

    3325
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    4

Posts posted by photographer

  1. So small a lineup. Massacre sa rebounds. Binigyan na nga ni Mamaril para manalo, natalo pa rin. Sa akin, wala talaga akong believe kay Brown. With his impressive credential on paper, parang wala sa sarili nuong dumating dito. Intal is a goner. Parang pang barangay nga ang lineup nila. Ang liliit! Hatfield is playing one of his best games, binangko na naman ni coach.

  2. wawa naman si jong. its not his fault naman siguro that aside from eric menk e walang inside game yung team. maybe they should just reactivate si junthy valenzuela and place celino sa reserve, junthy is bigger, can bring up the ball , can defend bigger players, hes a smart player AND hes not afraid to take a big shot.

     

    Its Jong's fault din. When days na buong buo ang Ginebra, he looks litong lito at times na parang natututulala at nanonood na lang ng games. if you could hear the gripes of the players kapag wala siya, talagang medyo may fault din si Jong. I would vote for the coach of SMB to be transferred to Ginebra at masubukan naman ang ibang coach. Baka nakakahalata na si Sir Henry Cojuangco or baka nagbabasa rin dito sa MTC si Sir Henry.

  3. Nagulat nga din ako dahil yet another guard na naman for them in exchange for Billy Mamaril na maski foul-prone can be relied upon naman to defend (both local or import) and get rebounds, sabi nga ng isa kong kakilala dapat si Menk na lang ang na-trade instead of Mamaril dahil matanda na si Menk at malaki na ang ibinagal ng laro. Also, nakaka-inis talo na nga ang Ginebra talo pa din ang L.A.

     

    ==================================================================

     

    I would have favored that Menk should be the one traded. Sa kanyang age, hindi na gagaling matagal ang kanyang injuries. Recurring na yan parati. Problem is sinong team naman ang kukuha kay Menk (which I think has only few years left na playing time). Sayang nga si Mamaril. Buo ang loob nuon at nasiraan lang sa diskarte sa tagal ng pagkakabangko ni Jong. Why not try na i junk si Jong in favor of one magaling na UAAP or NCAA na team? Baka siya ang malas sa team.

  4. Parang ang liit liit ng line up ng Ginebra, dont you think so? Parang lahat ng players with the exception of Rico Villanueva puro gwardya. Masakit ang pag katalo. Lamang na sana ng malaki nawala pa. JJ talagang wala na! I dont think his injury is severe kung kundi, hindi ipapasok madalas ni Jong yun. parang out of condition siya. Intal nawala na talaga ang miracle game. Pero ang liit talaga ng lineup. Sige kuha pa ng guards para makabuo na sila ng security agency! tapos papasok pa si Jawo kung sakali......gwardya din huhuhu

  5. Naku Cortez in in exchange for Mamaril! Another guard? Baka may pinaghahandaan nang i trade ang isang dyan, yung mahilig sa casino! Abangan! Sabi ng Ginebra, may "recurring injury" daw si JJ................hhmmm ayon sa aking source, wala naman. The real reason is disciplinary action. I think we can say bye bye na kay JJ. Abangan!

  6. Dear NoyNoy

     

    Please learn to be "presidentiable". Nakaka turn off yung latest pronouncements mo. Kakainis ka naman! Baka naman si Boy Abunda yung mga pinagpapakinggan mo. Learn from FVR, marunong makilaro (pati tuloy mga Pinoy nalaro niya sa scams) not sa anomalies but for being a statesman. Ingat sa mga salita, dre. Teka, nababasa ba itong thread na ito ng Liberal Party? hehehe

     

    Hayaan mo na yun hindi bumoto sa iyo, mga natalo lang yun at napipikon sa nangyari. Ayusin mo na lang ang utak mo, OK?

  7. tuadles in the making 2

     

    OO nga ano, buti pina alala mo itong isang ito. Sayang na sayang, making of a great superstar until he met and teamed up with the underworld. JayJay, gumising ka na at mukhang papunta ka na dun!

  8. I think it's about time to trade JAyjay Helterbrand... to a much younger player.. Ang laki na pinagbago talaga ng laoro niya.. parang hindi sya ang current MVP kung gumalaw sa court. Wala sa puso ang paglalaro. with miller around mas okay ng mmag invest ang Ginebra for the future.. trade jayjay for draft pick in 2012 or 2013, kung saan papasok na sa PBA ang current Smart Gilas Team....

     

     

    I think, tama ka, its about time to trade JayJay. Paanong mananatili ang dating laro niya, puro night out, casino, babae, etc.

  9. guys..did you see the commercial ng ginebra ngaun..si jawo andun kasama si pacquiao..is this the sign that jawo will be coming back for being the coach of ginebra again...just wondering..

     

    =====================================

     

    Di ko pa nakita yun ah! Sana naman para mawala na si...........

  10. kakadismaya pa rin sa Muntinlupa! Ang dumi dumi pa rin sa ilalim ng viaduct. Traffic sobra kasi kaway lang ng kaway yung mga enforcers. Mga barkers, naging collecting agent na ni Tomas! kapag ni Aldrin, nuong fiesta sa amin, nag simba pa! Akala mo anghel! Pero si Tomas, nowhere to be found! Siguro nasa impyerno na!

  11. Ang ingay pa ni Brown during timeout, nakikialam sa coaching staff. Dapat daw ipasa kay Salvacion. Sa actual play, open si Salvacion tapos sinalaksak mag isa ni Brown. Ang baba ng percentage ni Brown sa field. Buwaya. Well, sana mag adjust sa susunod na laro.

     

    Looks like lumalabas na ang baba ng conditioning ni Herlterbran dahil sa all-night na pagsusugal at gimmicks. Wake up! or be traded!

  12. Nakahabol at 2 points na lang last minutes kaya lang nagulo ang laro. Kaya pala umiskor ng 111 points si Brown sa US nuon, buwaya pala. Well, I am having my mind open at sana naman malas lang siya sa first game niya. May galaw, mas exciting kaysa sa naunang dalawa. Pero talo pa rin. No Tubid, No Menk and no sort of set plays. Akala ko madadale na yung winning streak ng TNT. To tell you the truth, nagulat ako sa mga players ng TNT, first time I saw them play, para palang national team na yun, parang SMB, parang Alaska! Hindi na nga balance ang mga teams sa PBA. Yung nasa itaas, sobrang lakas. Whatever happened to the salary cap/ceiling ng mga teams? What happened Commish Barrios? Puro allowances ba ang malaki, not salaries?

  13. Read this.....................

     

    Brown was highly celebrated in the media when he scored 111 points in a basketball game against R. H. King Academy. After Brown scored 111 points in a game he was featured in SLAM magazine; not only because of the 111 points, but also because he had committed to an elite college program at the University of Connecticut (UConn).

     

    Brown made a last-second lay-up to force overtime against George Mason. During his tenure with the Huskies, Brown had a reputation for being a clutch performer.

  14. personally, i think they should just forget about this whole thing and admit we can no longer be world-class in basketball. Smart is just wasting its money....they should just get their money back, and lower their call rates instead; or channel the money to lesser known sports with more potential like archery, taekwondo, etc.

     

    You are right Mango Man. I once commented sa isang newspaper forum na sayang ang pera sa Gilas, pinagmumura pa ako at puro bobo inabot kong sagot. Walang maisagot na diretso. For me lang naman, dapat volleyball ang bigyang pansin ni MVP. There is height but no physical contact. Ok sana soccer but it requires big playing fields na medyo mahihirapan tayo dun. Volleyball, like basketball, puwede sa kalye, mga kanto, maski eskinita. Exciting din naman and recognized worldwide. Tama ka, channel the money to other sports na may potential tayo. I just cant stomach our Gilas team being beaten by "club" teams of other Asian nations. Far cry from the days of MICAA and the days of young Jawo, Bernardo, Mariano, etc.

  15. malabo talaga na mag coach siya uli sa ginebra... open siya sa possibility na magcoach sa air21 (he is a very good friend of Air21 owner Lina) or kung papasok ang Meralco (naging 1st team ni jawo), but not for ginebra.

     

     

    Meralco's not the first team ni Jawo. He first played as a "saling pusa" sa Crispa coach ay Baby Dalupan, the year was 1966 ata, then transferred to Yco Painters ng mga elizalde 1967. Ang coach niya nuon ay ang Philippine legend sa basketball-Caloy Loyzaga, tatay ng Ginebra players na mga Loyzaga. Only then Jawo played for Meralco Reddies.

  16. Agree, ang tagal pa noong 12 seconds, kung kay Jawo 'yun take it hard/drive hard panigurado ang instruction n'ya, saka ang tumira pa when the game is on the line ay si Ambres come on! Isa pang mali ang naging diskarte si Tubid, nakatulong sana s'ya imbes na nasa locker room, kung andoon s'ya sa final seconds baka s'ya ang ma-assign to drive hard to the basket. Also, bakit nawalan na yata ng playing time si Intal?

     

    Ganyan ang mga taong katulad ni Tubid. Kapag siya ang nang aasar, ang sarap ng pakiramdam, kapag siya naman ang inasar, talo! He let down his/our team. Sayang!

  17. Opinion lang po ito. Tanong ko lang bakit nung 4 na sunod sunod na panalo ng BGK ang kaunti ng discussion dito sa thread pero 1 talo pa lang dami na naman ng reaction. napansin ko lang. Peace mga bro...

     

     

    Ang sagot: Human Nature. Kapag satisfied ka at busog ka, maingay ka ba? Pero kapag gutom ka at nalalamangan, tatahimik ka na lang? Hindi lang sa atin ganito, sa lahat ng tao ganun ang nature. Kapag ang aso nangagat, its not news pero kapag ang tao ang nangagat ng aso, that news! Iba kasi ang feeling kapag natatalo, syempre, malungkot. Thats the nature kapag may discussion.

     

    Going back to topic, tama kayo, napanood natin how Jaworski instructed Rudy Distrito to to hard to the basket pero iwas charging foul. His instruction was heard sa TV. And the result was history.

  18. Sa mga last second shots, the best I can ever think of, although retirado na siya, si Coach Baby Dalupan of Crispa. So many games was won because of his strategic genius from biglaan change of players to the drawing of plays sa blackboard (yes, blackboard pa nun).. Today, I can think of the coach of Derby Ace (Purefoods). Wala nang iba.

  19. Dapat talaga gumising na Pinoy na hindi basketball ang laro na nararapat sa atin. Basketball is physical, mapapayat tayo compared sa iba. Volleyball pa siguro, uubra tayo. Hindi physical, mabibilis kailangan. Weird talaga kasi ang mga gusto ng Pinoy, ang bawal yun ang gusto, ang hindi dapat yun ang pinagpipilitan.

×
×
  • Create New...