Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3645
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. Kapal talaga ng mukha ni Sec. Abaya! Me standards daw sya! The audacity.

     

    Ano sagot nya sa problema ng lumalalang traffic? Hindi naman daw nakakamatay

    Sa bulok at sira sirang MRT? Magtyaga daw dapat pasahero kasi dun nila gusto sumakay

    At ngayon sa laglag bala? Kasalanan ng pasahero yan, ginagamit kasi bala para gawing anting anting!

     

    How many oral sex favors does this guy have to give to keep his job??

  2.  

    I agree on both. Magagaling ang mga lawyers ng mga Marcoses. Estelito Mendoza was one of the brightest lawyers we ever had. Kaya nga pati si Lucio Tan hindi rin natatalo sa kahit anong tax cases because of him.

    Also want to add, after lifting the Martial Law, sana bumitiw na sa pwesto si Marcos since his health is failing by that time. Baka siguro si Ninoy hindi napatay and KBL is still running the govt.

     

    Ito lang ang alam ko, kung yung pumalit sana ginawa dapat para sulusyunan yung maraming problema iniwan ng Marcos administration, kung sana umunlad talaga tayo. Kung sana nakulong nga ang mga marcos at iba pang plunderer sa Pilipinas, Kung binigyan lang tayo ng totoong demokrasya, sana ang publiko ngayon hindi magtatanong ng "Di kaya mas umaasenso pa tayo kay Apo?"

     

    Democracy is more than having "rights". Its a system of government where the greater interest of the people is prioritized. Ang meron tayo sistema na ang priority interest ng political families at mayayaman.

  3. Mga lalaki dito kung makapag salita againsts sa theras wagas, baka nakakalimutan nyo, madalas kayo ang may dala ng sakit, mas malinis pa nga thera sa I yo dahil trabaho nila yan. Kung makapag judge kayo kala mo kayo ang pinag loloko. Tandaan nyo, mas marami sa inyo ang manyakis, nangangaliwa at nanggagamit. Kaya para gawin nyong one sided ang isip nyo, patawa kayo. Ang lilinis nyo ah. Kung gusto nyong magpakabanal, wag kayong mag Spakol. Un nga eh Spakol na ginagawa nyo pang mp. Tapos ang sa mp inaabuso nyo dun. We've seen and experienced the world far from 10-50 theras you availed. Out of that portion the ratio of non cheating guy is more likely 5%. So wag mag malinis.

     

    Di po sa pagbubuhat ng bangko dito

     

    But personally, I have consistently said na babae ang mas madedehado dito kesa sa lalake sa mga ganitong klase ng relasyon. This is why I do not support these kinds of relationship. Kasi if the relationship falls apart, ano ba nawala sa lalake na di na nya maibabalik? Eh sa babae, emotionally taxing na nga yung mismong trabaho, dadagdagan mo pa ng sakit ng isang breakup, so ano kauuwian? Total depression talaga at baka nga magself-destruct mode pa. Di ba lalong manliliit sa sarili nya yung babae?

     

    Tsaka tama ka, what do you expect eh puros palikero ang pumupunta sa SPA. Sabi ko nga, yun mga inaakala ng mga babae na prince charming nila nagiging halimaw pala pag nagtagal.

     

    Kaya kung babae ka, do yourself a favor. Ingatan yang damdamin na yan. Ang pag-ibig at pakikipagrelasyon hinahanapan yan ng tamang lugar at panahon. Lahat naman ng tao sa mundo kaya magmahal pero iba ang relasyon. Kaya umalis muna sa trabahong yan di ba? Para capable magnurture ng isang romantic relationship ng walang dahilan para mainsecure

  4. There is no doubt that Marcos had many accomplishments. Our greatest mistakes is voting for someone lesser than Marcos after his regime.

    During Martial Law, marami siyang nagawang projects, but he could've done better without Martial Law. Those era is the industrialization boom worldwide and we were left behind by our asian neighbors simply because we had no help from the private sectors. Many were afraid in investing and some are sequestered during Martial Law/.

    Another issue is there are many lives lost and families destroyed during this time thats why there are still haters of Marcos. Ang hirap kasi sa iba is being so blinded to a person that you won't admit his mistakes and only his accomplishments. Yung iba pa kasi diyan kahit personal mo na nakita na nagnakaw o pumatay sasabihin pa rin niya convicted na ba siya? There are many criminals that are not convicted because of technicalities but that doesn't mean he did not commit those crimes. Marcos have many intelligent people around him to do a perfect crimes like he did without being proven to any court.

     

     

    Ok ito hindi pagkampi kay Marcos ha. Pero tama ka sa sinabi mo na napakalaki ng pagkukulang ng pumalit na pamahalaan para bigyan tayong mga Pilipino ng totoong demokrasya. Ang totoong demokrasya ay sistema ng gobyerno kung saan ang kapakanan ng nakakarami ang inaalagaan. Pero ngyaon kapakanan ng political families at oligarchs inaalagaan. Nabangit mo yan tungkol sa investment na yan. Dehado investors satin, kasi nga di sila pwede ng 100% ownership under the 1986 constitution. Sa lahat ng bansa sa ASEAN tayo lang ang me ganito! At sino nakikinabang nyan? Natural ang mga Lopez at Cojuangco! Hangang ngayon wala pa rin talagang pakialam sa tao ang mga nasa kapangyarihan.

     

    OO nga eh, sa dami ng paratang sa mga Marcos, sa dami ng kaso, bakit hangang ngayon 3 dekada na nakakaraan wala pa din nagiging magandang accomplishment ang PCGG? Bakit di maipakulong sa dami ng kaso? Bakit hindi mahanap yang mga sinasabing secret swiss bank accounts na yan? Hindi naman ganun kalakas kapangyarihan ng mga marcos siguro ngayon para mainobrahin justice system di ba? So sabihin natin totoo mga paratang na ito. Dalawa ang nakikita kong posibilidad dyan. Una inutil ang PCGG at ang mga naghahabol kila marcos. Pangalawa, malamang me sabwatan na sila. Eitherway, pagkukulang pa din ito ng gobyerno.

     

    Kaya dahil sa pagkukulang na yan, nagmumukha tuloy bayani si Marcos sa ilan. Yun kabataan ngayon nagtatanong na kung ganun ba talaga kasama si Marcos? Panay lang tayo sisi kay Marcos, at walang mangyayari kung hindi aakuin kasalukuyan responsibilidad ng pagaayos problema ng bansang ito.

     

    Tignan natin ang Indonesia. Mas matagal silang naghirap kay Suharto! Mas nahuli sila lumaya sa diktadurya satin. Ngayon, magkakaroon na sila ng bullet train samantalang tayo ni MRT di pa maayos ayos. Umuunlad na bansa nila, samantalang tayo panay sisi lang kay Marcos.

  5. Sooooo.... we already have this;

    AQUINO COJUANGCO: FACTS THEY DONT WANT YOU TO KNOW

    Shall I create another one for Marcos?

    After all, one cannot discuss the Aquino w/o Marcos being involved. (para may batuhan ako ng off-topic ng Marcos comments)

     

    We'll call it...

     

    APO MARCOS: FACTS AND MYTHS

     

    what say you?

     

    Pwede yan Boss Alex

     

    What's interesting about APO is that he is a very polarizing figure. Pansinin nyo sa poll ng best and worst president. He wins in both categories. Sa tenure nya nakaranas Pilipinas ng massive infrastructure, modernization, and self-sustainablility ng Pilipinas sa bigas. Pero sa kanya din nakaranas Pilipinas napakalaking utang at paglubog ng ekonomiya.

     

    Ang problema dito, failure yung sumunod na gobyerno ayusin yung maraming problema ng bansa. Puro sisi ng lahat kay marcos imbes akuin ang responsibilidad ng paglutas sa problema. Pano, sila din kasi gusto din magnakaw. Gusto din makinabang pamilya at malalapit na kaibigan sa kapangyarihan at sa mga negosyo. Sila din, wala naman pakialam sa mga tao. Kaya hangang ngayon wala pa din totoong demokrasya bansa natin. So Yan ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit unti unti nagbabago ihip ng hangin. Unti unti me mga nagtatanong ng "ganun ba kasama si APO?, o baka naman history is written by the victorious lang"?.

     

    Siguro masasabi ko parang Joseph Stalin si Marcos. The whole world sees Stalin as a tyrant and one of the most evil men who ever existend. But remember under his rule, Russia became a superpower and became heavily industrialized. Even the Nazi's failed to invade Russia. To some Russians he is still considered as a hero. Sabi ko nga, kung di dahil kay Marcos, malamang marami pa din probinsya ang sa ngayon walang kuryente o Patubig. Marami sa mga ginawa nyang infrastructure to this day me pakinabang pa. Ngayon mga ginagawang kalsada ilang ulan lang bitak bitak na

  6.  

     

    hello Edmund and Flirtpool. I guess we will never see eye to eye sa bullies because we have different experiences. pero eto tanong ko, ever wondered why yung mga Magaganda at guwapo iisa ang barkada? ever wondered why ang mga mayayaman iisa din silang barkada? Don't you think nabubully din kami? we are stereo typed and minsan may masaya ang kuwentuhan sabay pag dating ko tatahimik sila?

     

    On the other side of the spectrum pag may galit sa amin, di naman naming alam kung bakit. I remember nung college, pag nagdala ako ng magandang kotse "Mayabang" na daw ako , then pag balik ko may gasgas pa.

     

    Pag meron ako babaeng di pinansin , ang suplado ko daw? ang feeling ko daw. First creepy talaga ang makatanggap ng liham na may pabango sa bag mo na walang pangalan. habang naglalakad ako nag amoy pabango akala ko may multo yun pala may nag iwan na ng letter sa bag ko. pag punta mo sa upuan mo may brownies. siyempre di ko kakainin paano kung ang nagbake nung naglagay ng bulbol niya? tapos ng iniwan ko ang brownies ang kapal ko daw, suplado, cono , etc. etc.

     

    how many times ko narinig na . si ""r35gtr...wala iyan.. anak kasi ni... kaya andito sa school natin, otherwise di iyan makakapasa dito" sabi ng mga kaklase kong pangit na mukhang bulldog pero funny thing is, never ko naman siya nakausap.

     

    OR kung may gf ka ang sasabihin " Pera lang ang habol ni girl diyan eh. tiniis na ang masama niyang ugali"

     

     

    so ano ginawi ko, ininggit ko sila lalo, that is how I fought my bullies in college. I even bought my dad's car para maasar sila lalo.

     

    bullying is a two way street kasi. if some bully's get satisfaction by intimidating other people physically, there are some less fortunate individuals who 's only taste of success is getting a bite out of those fortunate people na wala namang ginagawang masama sa kanila.

     

     

    Hmmmm I don't know where you went to school, pero ako yan ang kinatuwa ko nung college na ako is that sa Diliman pantay lang ang mayayaman at mahihirap. I had friends na 3 pa mercedez benz. Some did part time modeling. Me anak ng mayamang aktibista kaya me personal security. At syempre me mga galing sa uring mangagawa. But that was just the culture in the campus. Lahat kami pantay pantay lang. Naalala ko nga yung thesis advisee tandem ko kasi polar opposite sila one was a tall big dude who was prematurely balding and galing sa isang simpleng blue collar na pamilya. His partner was a smaller dude na gwapo at galing sa mayamang pamilya. But they got along just fine and they are 2 of the best that I handled. I guess the point I am trying to make here is that we all could really get along, all it takes lang naman is tamang pagpapakumbaba at pakikisama.

     

    One thing bullies have in common is insecurity. Sabi nga, mga duwag ang mga ito sa totoo lang. If that is the kind of bullying you got, then maswerte ka pa! At least di ka naman hinaharass. At least di ba nakakapasok ka pa. Pero if I may say so, your behavior shows that you too are insecure hence you act like a bully yourself. Despite of being good looking and rich, naapektohan ka din so you bully them back. Which is well.... juvenille sa totoo lang.

     

    Ako I always say na the most elemental approach to avoid bullies is be confident. You dont have to be perfect but at least be confident. Stand up straight, shoulders back, look a person in the face when you talk to them.

  7. Kelangan irepeal na sana yang batas laban sa posession of live ammunition na yan. Repasuhin at ireview. Nagiging oppressive na ang batas na ito. Kwawa mga inosenteng pasahero. Basta me nahanap na bala, aresto agad tapos kakasuhan. Nagrerely sa isang fact lang yung authority na me nahanap na bala! Eh pano kung wala naman dun finger prints kasi ng tao? Tsaka bat kasi ayaw gamitin ng konti common sense? meron bang nagi-ismuggle ng bala na patingi tingi? Duh!

     

    Onli in da pilipins, imbes biktima tulungan ng autoridad, sila pa inaaresto. Sana atupagin na lang nila ang panghuhuli sa mga nagtatanim ng bala. Pero imbes yan, gusto pa ata sisihin pasahero kasi ta-tanga tanga, o kaya gagawing agimat daw. Hay!

  8. Pwede pa naman yata i-cancel ang trip at palipasin muna ang laglag bala phenomenon. BTW, anyone interested to attend an EB-Coffee tomorrow, kasama ang ilang Admin people sa QC area. You can PM me. Di ko lang sure though if I can attend.

     

    Naku huwag naman sana, minsanan lang naman kasi din magbakasyon, isa pa non refundable tickets ko eh lol

  9. So, ano plano mo ngayon Edmund, babalutin mo rin ba sarili mo pag uwi ng Pinas?

     

    Hahahaha, syempre hindi naman. Yung papunta dyan siguro naman wala problema. Mas kelangan lang siguro syempre maging vigilant. Yung main luggage ko naman hindi yun masisiksikan ng bala kasi "case" type sya at de susi pa. Yun handcarry siguro ang madali masingita kasi me mga dipper yun. Tsaka meron din kasi ako bitbit usually na man purse for all my travel docus.

     

    Anyway, para sakin, maglabas muna dapat kasi ng executive order or something, na habang iniimbestigahan pa itong scam na ito, yung mga mahuhuli dapat ituring na biktima at hindi Kriminal. Kumpiskahin bala, pero huwag arestuhin kung wala naman sapat na dahilan na maghinalang kriminal yun tao. Tsaka mabuti siguro kung isang kahon na bala. Kaso isa o dalawa? Maisasangla mo ba yan sa pupuntahan mo? lol

  10. ^^^

     

    Lol sa mahal ng sinisingil nila satin (travel tax + terminal fee), hindi man lang ba nila kaya guarantiyahan seguridad natin? Lalo na sa mga ganitong klaseng scams? Alam mo as it appears us passengers really need to protect ourselves from the NAIAs very own staff. kahihiyan na talaga itong ginagawa nila. Naalis na nga sa listahan ng worlds worst airport, eto naman sumunod.

     

    Sa pagsasaliksik ko, nakita ko na karamihan ng mga critical positions dyan sa NAIA hindi naman pala kelangan tapos ka ng college lol. Eh kaya naman pala, ganun kababa requirements kaya puros bulok yun nakukuha at mga unprofessional

  11. Parang bobo ang airport Police. Hindi mo maintindihan kung nasa burnik ang utak. Ano mapapala ng isang pasahero magpsulit ng isang bala? Malaki ba makukuha nyang pera pag sinangla nya yung "iisang" bala sa bag nya? Hay! Dapat kumpiskahin ang bala, irecord incident, at hayaan makaalis yung pasehero. Bat mo aarestuhin pa? Dapat nga tulungan pa dahil ungas ka na lang talaga kung di mo makikita na biktima nga yun pasahero. Ang dapat nila arestuhin yun gumagawa nya, hindi yun pasahero.

     

    Speaking of sangla. Kung maisasangla lang siguro utak ng mga ito, sila siguro malaki laki makukuha. Slightly used eh

  12.  

     

    Bakit ba kasi ayaw natin ng simple ang hilig natin sa "its complicated" lol

     

    Kay PGMA maganda ang economic data pero ayaw mo paniwalaan kasi mababa ang satisfaction rating.

     

    Si PNoy, nun nilabas last Sept un 3Q net satisfaction rating sa kanya +41% classified daw as "Good" pero panay ang reklamo mo sa kanya na inutil di po ba? Worst president nga siya sa survey dito despite maganda ang kanyang satisfaction rating kumpara sa ibang nagdaan na pangulo.

     

    So using your argument ...mapamaganda o pangit ang satisfaction rating parehong walang kwenta si PGMA at PNoy. iT DOES NOT MAKES SENSE. Pero si Makoy actual na nakikita mo sa kalye nakikipagrambulan sa mga militar ni APO kahit na masugatan/mamatay hindi pa ba patunay na dissatisfied na ang mga tao? Pero ang galing galing pa rin di po ba?

     

    Panay reklamo ko kay Pnoy? ha? ni hindi ko nga nababangit halos pangalan ni Pnoy. Ang alam kong sinabi ko yung tungkol sa hacienda luisita at mendiola massacre na ayaw mo pagusapan at panay ka lang turo daliri mo kay Apo. Ni hindi ko nga din inaabswelto si Apo sa mga sinasabi mong kasalanan nya. Kaya nga takang taka ako bat hangang ngayon ni isa sa mga swiss bank accounts na yan wala pang nababawi gobyerno lol

     

    Alam mo, sa totoo lang, puro ka strawman arguments at kung hindi yan umuubra magsasaksak ka ng mga salita sa bunganga ko. Pakitaan mo ako ng isang particular post ko na nasingle out ko si PNoy sa mga reklamo ko!

     

    Tandaan mo, hindi mo binasa ng buo itong mga statistics na ito. Hindi mo alam ang sampling size, hindi mo alam ang scope and delimitation, ni hindi mo alam kung ano pearson coefficient nito. Nagcut and paste ka lang ng mga numero dito for your self-serving arguments jeez.

     

    Ang simple simple lang naman nga ng sinasabi ko. Statistics are not everything. Interpretation yan. Nung panahon din ni Marcos puro sya presinta ng statistics. Impromptu yan ha. Ngayon if you are all about numbers di dapat paniwalaan mo na tama si APO na umuunlad pilipinas.

  13.  

     

    E kung sa pakiramdaman ang usapan, e very subjective na kasi yan e. Paano mo naman malalaman na kung dumami o kumonte ang naghihirap, walang trabaho, kung hindi stat ang gagamitin?

     

    At dun sa sumunod mong argumento, mga naging pangulo ng pilipinas naman ang pinaguusapan. So on even terms silang lahat

     

    Simplistic kasi ang tingin mo lagi sa stat. hindi lang 1+1 =2 ang statistics. Me interpretation yan. Eto halimbawa. Si GMA puro statistics noon. Puro numero. Nung panahon nya, lumakas ang piso. Nung panahon nya malaki daw GDP growth natin. Nung panahon nya sabi less than 30 pesos kelangan ng kada pamilya para mabuhay isang araw. Eh di dapat kung ibig sabihin nito pagulad di sana mataas satisfaction ratings ni GMA di ba? Eh ang kaso hindi! Infact sa mga surveys mas dumami yung taong naniniwala na mahirap sila sa panahon ni GMA kesa nung ke erap. So ano problema? Simple! Una self-serving masyado interpretation ng statistics ni GMA. Alalahanin mo, hindi bumaba utang ng Pilipinas after marcos. in fact tumaas pa nga lalo. Anong nagawa ng mga sumunod na presidente para remedyohan yan? Panay sisi lang ke Marcos ginagawa.

     

    Si Erap wala pang 2 taon naging presidente bilyon bilyon na naplunder. Yang taong yan naconvict. Ang mga marcos ni hindi maipakulong man lang sa daang daang demanda sa pamilya nila. Ni isa sa mga sinasabing swiss bank accounts na yan wala pa nahahanap hangang ngayon. Pero di mo kinakastigo si Erap. Si Marcos kinakastigo mo. Lahat ng problema meron tayo ngayon mas gusto mo isisi sa presidenteng 30 years ng wala sa pwesto kesa sa mga pangkasalukuyang namumuno

  14. Simple lang yan...e di ipakita mo sa akin na mas masahol pa sa pangungurakot ang sumunod kay marcos. Enlighten me with facts not with your opinion.

     

    Anong stat ba kinukuha mo? We're talking about economic stats. Unemployment, gdp, poverty...now if you have a result that shows poverty is 50% vs 20% so you're telling me 20 is better? Because depende yan sa interpretation? O baka naman ang punto mo ay maaring mali ang pagcompute? If so then show the supposed correct data.

     

    Maaring pareho silang magnanakaw pero ang alam ko iba ang sentensya sa isang plunderer vs a petty thief. Ba't nagkaganun ang hustisya kung pantay lang naman sila. Ay hindi nga tinitingnan kung gaano kalaki ang ninakaw.

     

    Ang punto ko anybody can present statistics, ang tanong nararamdaman mo ba? Do you believe the statistics that said you only need less that 30 pesos a day para mabuhay sa pilipinas ng isang araw?

     

    Alam mo dinadaan mo ito sa semantics. Kumuha ka ng kahit na sinong holdupper sa presinto, bigyan mo ng gabinete at pauupuin mo sa pwesto tingin mo barya barya nanakawin nya?

  15. Hahahahaha! Natawa ako dito. You are right. Statistics don't tell the whole story. That is the danger in copy-pasting articles without really understanding the article. :lol:

     

    Its really not everything! Nung time ni GMA based on hocus pokus computations sinabi na less than 50 pesos or 30 pesos pa ata mabubuhay ka na sa pilipinas. but common sense should dictate that this is BS! Sige nga, kung pamilya ka na me 2 anak na nagaaral, kahit pa public school yan sa probinsya mabubuhay mo ba magiina mo sa ganyan halaga kada araw?

     

    Funny because yesterday I recieved yung data from our last experiment which is basically in numbers. Considering other factors in the experiment, sabi ko ang hirap paniwalaan na totoo itong mga figures na ito. Kahit pa tama naman yung linear regression. Kahit pa yung pearson coefficient eh 95%. Its still not believable so sabi ko ulitin na lang namin.

     

    My point is every president na naupo sa pwesto tuwing sona naglalabas ng mga numero na nagsasabing maganda ginagawa ng administrasyon nila. But the mere fact na DFA lang nauubusan na materials para magimprenta ng passport sa dami ng Pilipinong gusto mangibang bansa says something

  16. double standards ba kamo? ikaw na nagsabi na sinabi ko lahat naman sila corrupt. so paano ako nagka double standards?

     

    ikaw na din nagsabi ..."mas lumobo ang utang" di po ba? kaya tinatanong kita dahil ba diyan negatibo na agad.

     

    So can you tell me na lahat ng inutang ay sa infra projects lang ginamit ni Makoy? Kasi kung totoo then wala na akong ibang argumento. At kung ang sasabihin mo naman ay gumanda ba ang buhay? Ano po ba ang batayan? Ipakita mo na mas maganda nga ang buhay nun kay Marcos kasi ang akin nun umalis sa pwesto si Marcos un poverty level nasa worst. E kung opinion ko vs opinion mo e walang mangyayari kahit na di tayo matulog sa kakaargumento.

     

    Now kung sasabihin mo na ang mga nagnakaw ay pare-parehong magnanakaw ... tama ka po, pero sino ang worst un piso ang kinuha o 100? Don't tell me pareho specially if we are determining the gravity of the crime. Pag piso ba ang kinuha pwedeng kasuhan ng plunder? Pareho ba ang sentensiya sa plunder vs sa nagnakaw ng piso?

    .

    May kasabihan...how can you argue with numbers. 1+1 will always be 2 and 2 will always be less than 3 and not the other way around. As far as interpretation of the data it will always be the same. Its a matter of whether you agree or not based on your perception/opinion. But if you insist, e di sige ... then maybe you can propose na kalimutan na lang ng buong mundo ang paggamit ng key economic data na yan. Could be a long shot though

     

    Naging double standard ka kasi gusto mo kastiguhin si Marcos sa pagkakaroon ng Pilipinas ng utang, pero di mo naman kinakastigo talaga ang mga sumunod sa kanya who should be more responsible kung bakit ito umutang. Pag si Marcos, kasi binulsa nya. Pag si Cory, kasi baka naman me napakinabangan ang tao. Ano? Nasan?

     

    You know what? I hired a statistician in my unit. His job is to make the computation, pero we as a unit decide on the interpretation and the conclusion. Statistics is more than 1+1 =2 duh! Kung ganyan lang kasimple statistics sayo, di lahat na sana tayo siyentista na. Sinong presidente ba sa sona nila ang hindi nagpresinta ng mga numero, interpreting that their respective administrations did a good job? Si GMA maraming ganyan. Tumaas pa nga peso nung panahon nya, eh bakit lagpak satisfaction ratings nya sa tao? Really? Yun lang yun? The numbers say everything? lol. Sana matagal na matagal na kami umuwi ng Pilipinas then. Sana wala ng Pilipino gusto mangibangbayan. Nung sinabi nga na less than 50 pesos kada araw mabubuhay ka na sa Pilipinas, maniniwala ka naman? Aysus!

     

    Now as to gravity of crime, we are only arguing semantics here. At the end of the day a theif is a thief. Alam mo pinagkaiba ng isang snatcher sa isang presidente na convicted ng plunderer? Resources! Give the snatcher the same resources as the president, Bilyon din ang nanakawin nya. San ba nagumpisa si Napoles? Dati naman pakurot kurot lang sila sa mga transactions nila sa army uniforms di ba? Naging plunderer na sila nung dumami na connections nila at naging mas mga bigatin na.

     

     

     

     

    Marcos is still leading as the best president ever while Aquino is the worst. Nanalo na nga si Marcos sa 1986 elections, pati ba naman dito? Pagbigyan niyo naman si Cory. A couple of alternicks tried to make Marcos the worst but the mod saw through it. :lol:

     

     

  17. Dahil lumobo ang utang negatibo na agad para sa iyo? Ibig sabihin mas sumama na ang kalagayan ng bansa?

     

    Hay ... Ang top conglomerates ng bansa natin tulad ng Ayala, SM at SMC patuloy ang paglaki ng utang ...ibig bang sabihin habang lumalaki ang utang pumapangit ang performance ng mga kumpanyang ito???

     

    MAy kilala akong isang negosyante, nagutang at di na naman nangutang muli pero bangkarote na.

     

     

     

    Sa corruption naman ... sige at sabihin natin lahat yan corrupt. Totoo naman yan e ... ang tanong sino ba ang pinaka corrupt pinakamalaki ang naibalitang nakurakot? Pero BS yun sabihin o yun argumento na was he convicted? E si Erap pa lang ang tanging na convict so lahat yan malinis???

     

    Ngayon sa trabaho, poverty at iba pa ... aber puro tayo satsat na kesyo ganito o ganun. Ang hirap naman kung walang datos o maging basehan kundi basta he said she said. E kung walang silbi ang mga numero, e bakit pa may kursong economics at bagit ginagamit ang mga ganitong datos sa buong mundo.

     

     

    Alam mo isang typical sayo, mahilig ka gumawa ng mga strawman arguments. Bakit ka ba nagpupumilit magsaksak ng salita sa bunganga ko?

     

    So double standard tayo. Lumobo utang nung panahon ni Marcos at ginamit sa infrastructure, masama si Marcos. Lumobo utang natin ngayon at mayayaman nakikinabang, ok lang sayo ganun ba? Kung nakabuti ang paglobo ng utang natin, asan? Gumanda ba buhay ng maraming Pilipino? Naramdaman mo ba ito? Dumami ba mga trabaho at kumonti lumilipad sa ibang bansa para magtrabaho?

     

    O so kung ang punto mo lahat naman pala corrupt, bakit si Marcos lang pinagiinitan mo? Para sakin, wala yan sa dami ng nananakaw. Kung magnakaw ka ng piso o magnakaw ka ng milyon parehong pagnanakaw yun. Kaya huwag mo daanin sa semantics usapan natin.

     

    Alam mo huwag mo ipagtanggol yang mga datos na yan as if ikaw nga mismo gumawa ng research na yan. I am in the business of gathering data, and data is a matter of interpretation. Simple lang naman, mula kay Marcos hangang kay Pnoy, lahat nagbibigay ng mga numero at binibigyang kahulugan na umuunlad nga tayo. Sus eh kung ganun uwi na ako ng Pilipinas

  18.  

    huh mas mataas ang gdp natin kaysa china? 2014 figures china's gdp $9.4 trillion ang Pinas $272.1 B.

     

    Ngayon sumasalba sa atin OFW, yun panahon ni marcos sumadsad ang ekonomiya, So ano mas better ang pasadsad o yun kahit papaano naisasalba.

     

    http://2.bp.blogspot.com/-VzWYUyedExM/Vgufik4DFRI/AAAAAAAB-no/Q_oUq6-A1Ww/s400/Marcos%2Beconomy.jpg

     

     

    http://www.ourknowledge.asia/uploads/1/0/2/7/10275114/961073_orig.png

     

     

    Si apo nagkasala so kalimutan na natin pero sisihin natin lahat mula kay cory hanggang kay pnoy ... basta abswelto ni Macoy.

     

     

    Mahilig ka maglagay ng salita sa bibig ng tao no? Basahin mo sinabi ko ng mabuti please. Wala akong sinasabing iabswelto ang mga Marcos. San ko yan sinabi? Ang sabi ko lang patuloy ang paghihirap ng pilipino, mas lumobo utang, mas nagkulang pa ang trabaho, at lumala problema sa kurapsyon. Hindi na yan kasalanan ni Marcos, kasi 30 years na silang wala sa pinaka-highest seat of power. Ang tanong, ano ginawa ng mga sumunod? Bakit panay sisi lagi ke Marcos? Ok andyan na problema, imbes sisihin yung patay na, eh bakit di na lang ipakita na sa demokrasyang pinagmamalaki nila may ginhawa Pilipino.

     

    Nun panahon ni GMA puro din labas ng statistics. Tumaas pa nga daw palitan ng peso sa dollar. Pero hindi naman ito naramdaman ng ordinaryong Pilipino. Ibig sabihin hindi naman mas dumadami nabibili mo sa 100 mo. Naglabas pa nga sila ng data na mga 50 pesos or less kelangan para mabuhay ka sa Pilipinas. Pamasahe pa lang ubos na yan sa marami.

     

    So again dito pinapakita, na facts, truth, and even statistics is sometimes a matter of perspective and interpretation.

     

    Ngayon dun naman sa papanagutin ang mga Marcos, nakakatawa nga na 30 years na hindi man lang maipakulong si Imelda sa daang daang kaso na isinampa sa kanya. Yung pinagmamalaking swiss bank accounts na yan, ni isa walang mahanap ang PCGG. O kasalanan pa din ni Apo at mukhang walang magawa kasalukuyang gobyerno para papanagutin sila sa mga sinasabing kasalanan nila? lol

  19.  

    Ang posibleng mangyari dalawa ... either gawin niya o hindi

     

    Ang iyo ... gagawin niya o sa ibang paraan lang gagawin. In other words nawala yun probabilty na hindi mangyari.

     

    Galing ...

     

     

    The truth will always be the truth ... yun perspective mo na akala mo katotohanan may or may not be the "TRUTH" unless it really is...simple as that

     

    Uy wala akong sinabing ganyan. Pakibasa naman ng mabuti. Ang sabi ko "pwede". Mahuhulaan ko ba ng sigurado gagawin nya? Ano ako si Madam Auring?

     

    Pwede kasi para sakin, pareho lang naman halos ang mga Marcos at Aquino. Pareho lang silang hangad kapangyarihan. Kung me pinapatay si Marcos, andyan din Mendiola Massacre at Hacienda luisita massacre na hindi kahit kelan sinasabit sa mga Aquino dahil panalo sila. Kung nung panahon ni Marcos namayagpag ang kroniyismo, sa panahon ng mga Aquino oligarkiya naman ang naghari. Lahat ng malalaking negosyo sa Pilipinas pagmamayari ng mga Cojuangco at Lopez.

     

     

    Ang sinasabi ko dito, pwedeng gawin nya din ginawa ni Marcos. Dahil pareho lang silang gahaman sa kapangyarihan. Naging bayani lang ang mga aquino dahil sila ang nanalo. Pe

  20. So malamang yung mga bumoto dito na best president ever si Marcos eh ibobotong bise-presidente yung anak nya? Wag naman sana. :lol:

     

    Ako hindi naman boboto kay BBM at hindi ko din binoto na best president si Marcos.

     

    Polarizing si Marcos, kita mo naman dito sa survey he is the best and the worst president. Ibig sabihin, me nagawang mabuti, me nagawa din masama.

     

    Parang Joseph Stalin lang, to the rest of the world, he is a tyrant and one of the most evil men who walked this planet. But kung titignan din, dahil sa kanya naging superpower ang russia at hindi nagtagumpay ang nazi sakupin sila

  21. Natawa naman ako sa sinabi mo...

     

    Just because mas malaki ang utang natin ngayon ay para bang gusto mo sabihin eh mas malala ang sitwasyon natin ngayon pangekonomiya.

     

    Tingnan mo kaya ang debt to gdp bilang sukatan.

     

    Bakit mas mabuti tayo ngayon? Kasi isa ka din sa mga utoutong naniniwala na me demokrasya nga tayo? Umakyat lalo poverty rates natin matapos mawala si Marcos sa pwesto. Dumami nga lalo ang mga naghahanap na ng trabaho sa ibang bansa. Ngayon ang sumasalba ekonomiya natin ay remittances ng mga OFW lol. Para ka namang si GMA eh, puro statistics na binibigyan ng bloated interpretations.

     

    Kung tutuusin, mas mataas GDP natin kesa sa China, so ibig sabihin mas mahirap na China satin? Para kang nagkumpara tubo ng isang higanteng shopping mall sa isang sari sari store.

     

    Ang gusto ko sabihin dyan, ang patuloy na kahirapan, paglubog ng ekonomiya natin, paglala ng kurapsyon ay MAS KASALANAN NG MGA SUMUNOD KAY APO. Ang dami nilang pagkakataon na ayusin sana mga problema na yan, kaso

     

    Bakit naman ang Indonesia, mas matagal naghirap ke Suharto. Mas nauna pa ang Pilipinas lumaya sa diktadurya. Ngayon tignan mo naman, magkakaroon na sila ng bullet train, eh tayo MRT lang di pa maayos ayos.

  22. And therefore? You telling me gagawin din ni Ninoy ang mga pinaggagawa ni Marcos?

     

    Btw, di mo pa rin pala sinasagot yun tanong ko. Alin ba sa dalawang perspective na sinasabi mo ang pinaniniwalaan mo? Yun "truth" para sa iyo... Pakisagot lang pls.

     

    Pwede! Or pwedeng sa ibang paraan nya lang gagawin. Sayo na nangaling, di natin malalaman kasi di naman sya naging presidente.

     

    Haaay, alam mo ba ang konsepto ng Rashomon effect? Galing ito sa pelikula ni Akira kurosawa. 3 witness sa isang pagpaslang. Lahat sila nagbibigay ng conflicting accounts sa kung ano ba talaga nangyari. Sa ending ng movie, hindi mo talaga malalaman kung sino totoong pumatay. Hindi yun ang katuturan ng movie na yan. Ang katuturan ng kwento, kapag ang isang tao ay motivated ng self-interest laging iba ang magiging pananaw nya sa "katotohanan na yan".

     

    Para sakin, pareho lang naging motivated by self-interest ang mga Aquino at Marcos. Pareho lang silang mga pulitiko at mga gahaman sa kapangyarihan. Ang ano mang kawalanghiyaan ng mga Marcos, andun din naman halos sa mga Aquino. Pinagkaiba lang, ang mga Aquino ang nanalo sa tungalian kaya sila ang dinadakila ng media ngayon. Sama mo pa dyan ang pinakamalaking media company eh me galit sa mga marcos, at me utang na loob sa mga aquino. So ayan. Motivated sila by self-interest.

     

    Pag nababangit sa ABS-CBN ang mga Marcos, hindi binibigyang emphasis yung accomplishments ng administrasyon nya. Laging tungkol sa Martial Law at pangaabuso. Ni Hindi nga binabangit din na nung panahon na yun under threat south east asia sa pagsulong ng communist movement. Lahat puro pangit. Pag Aquino naman, puro na lang demokrasya, EDSA, at kabayanihan. Hindi binabangit masyado yung Mendiola Massacre at yung Hacienda Luisita Massacre.

  23.  

    your premise is wrong because the values of both parties are different. the GM values truth, loyalty and love. money is certainly not at the top. the thera values money and certainly has little inkling about truth, loyalty etc. when the relationship falls apart the guy has lost more of what is important to him and the thera has lost little but benefited a lot materially. this is a generalization yes but i think is true.

     

    This generalization from my perspective is also wrong. Truth? Loyalty? Come on! dami daming nagpupunta sa MP na me asawa kaya. Nagsisinungaling sa mga babaeng binigyan nila ng pangalan nila. Ayan o, dami daming confession dito na pumupunta sila sa ganito para mahanap yung di nila nahahanap sa relasyon nila. Lets face it, maraming palikero na pumupunta sa ganitong lugar. Ang dahilan nila para pumunta dyan, primarily para magparaos, hindi para maghanap ng true love.

     

    Yung babae ang dahilan kung bakit pumupunta dito ay pera. Ito alam nilang paraan na kikita sila. Madaming mga babae nasisira buhay sa trabahong ito. Syempre medyo kelangan lunukin ng konti respeto sa sarili para magawa nila trabaho nila. Tibayan konti sikmura. Emotionally taxing kaya yan sa kanila. Tapos sasamahan mo pa ng sugat mula sa isang relasyon na hindi naman magiging successful, O pano na yun babae? hindi kaya lalo lang sya manliit sa sarili nya?

     

    Kaya nga, lagi ko sinasabi na ang babaeng pumapasok sa ganitong trabaho ay me responsibilidad na gumawa paraan alisin sarili nya dito. At huwag umasa mula sa utang na loob ng isang prince charming. Kasi mamaya si Prince Charming eh halimaw pala. Tapos di makalasan kasi walang ibang paraan para suportahan sarili. At kung makalasan man, balik lang ulit sa dating trabaho

    • Like (+1) 1
×
×
  • Create New...