Jump to content

Julianda

[11] REVERED III
  • Posts

    2347
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by Julianda

  1. "Buwis: Ugat ng Pighati?"



    bagay kang pinagpala


    mga gahamang nakatingala


    mamamayang nagpupunyagi


    walang awang inaapi


    buwis na kinakaltas


    tuwirang naibubulsa lang


    nitong mga buwetreng ganid



    ganun ka kung magpaikot


    lahat ay sakop mo


    tao at bagay saiyo umiinog


    pati buong mundo’y alipin mo


    di nga ba't ganun ang halaga mo?


    di iinog ang mundo kung wala ka?



    isa-isahin natin ang sakop mo


    di nga ba't mula sa pagsilang,


    binyag, pag-aaral, pagkain,


    pagdadamit, paghahanapbuhay,


    mga luho, alak, regalo,


    mga napanalunan, paupahan,


    gobyernong local at nasyunal



    pagkamatay at pagpalibing


    sakop mo pa rin, ganun ka katindi


    si Juan Dela Cruz napapangiwi


    habang mga negosyante


    napapakamot, mga ganid


    napapangisi


    habang ang inang bayan


    nagpipighati…




    01/15/10


    2:25 am


  2. post-236230-0-25243500-1462964228.jpg


    “Cannabis”



    kilala ka


    sa tawag na marijuana


    halaman ang uri mo


    medicinal value ang taglay mo


    ‘wag ka lang hihithitin


    dahil long-term ang epekto mo


    iilan lang ang bansa


    na naging legal ka


    karamihan ay patago


    sa bantang makalaboso


    walang hanggan ang debate


    pwede ka nga bang maging legal o hindi?



    01/18/10


    12:25 am


    • Like (+1) 1
  3. http://imagizer.imageshack.us/a/img922/1088/8kDNmj.jpg

    animo'y nasa bukirin

    habang dinig ang himig

    na tila sing harot ng

    isang binibining mayumi

    ito ang tipo ng tugtog

    na dumidikta sa kamalayan

    ng isang tulad kong walang

    magawa kundi ang managinip

    sa gitna ng magulong siyudad

    siyudad na kung saan

    pinamumugaran ng makabago

    di lang ng nilalang kundi ng

    material na mga bagay

    mga bagay na nagpapabulag

    at naglalarawan lamang ng

    kahinaan bilang mortal na nilalang

    10:13 am

    03/01/16

    julianda

    • Like (+1) 1
  4. Malayong mangyari yan sa Pinas.

     

    Pwede pa siguro maging imbakan tayo ng mga na-naminang produkto mula sa asteroids. Kung kakayanin lang ni Mar ang umepal sa kalawakan, tiyak nauna na yan sa kalawakan para hulihin ang mga asteroids (figuratively) at gumawa ng eksena syempre pa kasama nya ang sangkaterbang medya. :rolleyes:

     

    Peace sa mga pro-Mar.

  5. You see stuff like this, then you look at Philippine "news". Mapapaisip ka, nasa "Time Space Warp" at bumalik ng 200 years ang Pinas?

     

    Asteroid mining made legal after Barack Obama gives US citizens the right to own parts of celestial bodies

    http://www.independent.co.uk/news/science/asteroid-mining-made-legal-after-barack-obama-gives-us-citizens-the-right-to-own-parts-of-celestial-a6750046.html

     

    Luxembourg aims to be big player in possible asteroid mining

    https://www.theguardian.com/science/2016/feb/03/luxembourg-aims-to-be-big-player-in-possible-asteroid-mining

     

    I still can't imagine how possible it is for anyone to commercialize anything that comes from outer space, more so in harvesting out of mining from those asteroids. At di pa issue kung paano ang business regulations huh.

     

    Unless such articles are some kind of hoax. :rolleyes:

  6. Jut in case you're reading this Mr. President:

     

     

    "EDSA People Power is not a genuine Filipino revolution. It is just the downfall of one powerful family and the rise of another, the AQUINOS." - Editorial, Malaya Feb. 22, 2016


    Do I have to say/post it Mademoiselle? :P Alam na ng madami kung ano si Abnoy

     

    Say it, akong bahala saiyo. ;) :D

  7. In fairness to MP, I also do not like how some of the LGBT had reacted on the situation (an “OA”ness at its best). They’re also nothing but sanctimonious hypocrites who judged a person without acknowledging their own sins.

     

    Bigotry begets bigotry

     

    For once, let’s define the term bigotry as an intolerance toward those who hold different opinions from oneself.

     

    So based on that, both MP and his bashers (especially some of the LGBT ones) are guilty for that matter.

     

    And I believe that what Manny had been said was based on opinion and if anyone who couldn’t handle other’s opinion should also be called (small-minded) bigots. .

     

    But then again, MP is the triggering factor here. Who could you blame then? The MP himself or his bashers? Or was it the media?

  8.  

    I can't see how anybody can claim that the passage is stated in a broad sense.

     

     

    Oh. Well. We can't talk different things here in the same breath. They're like apple and oranges. You were talking about your passages and I was referring to the moral lesson of my previous post, thus, my reply "it was uttered in broad sense". This alone gives me an idea how this discussion will head to no where.

     

    I've already given my own perspective based on my original post. And if you think that your "bet" MP (UNA's senatoriable bet) has made the right move to regain his reputation, so be it.

  9. Leviticus 20:13:

     

    "...If a man has sexual relations with a man as one does with a woman, both of them have done what is detestable. They are to be put to death; their blood will be on their own heads..." (New International Version)

     

    "...If a man practices homosexuality, having sex with another man as with a woman, both men have committed a detestable act. They must both be put to death, for they are guilty of a capital offense..." (New Living Translation)

     

     

    Is there any other literal meaning to this passage?

     

     

    It was asserted in broad sense. :rolleyes:

     

    And thank you for putting those verses here.

     

    No wonder why MP is in big trouble now. He puts every verse literally (in his mind).

     

    And he thinks that what he has learned from the holy scriptures, he has already the license to discriminate anyone or any group in the community.

  10. Mahalaga talaga na pinag-iisipan muna ang sasabihin lalo na sa katulad nya na may sensitibong katungkulan hindi lang sa pamahalaan kundi iniidolo rin sya ng mga mamamayan natin (di nga ba siya ang pambansang kamao natin?). At heto pa, tatakbo rin siya bilang isang senador, malamang kaysa sa hindi, nanganganib ang boto nya dito. At itong huli, ang kompanya sa likod ng kilalang produktong Nike na siya ang taga pag-indorso ay pinutol na ang kontrata nila kay Manny Pacqiao dahil lang dun sa “pagkakamali” niya.

     

    Siya (MP) na isang konserbatibong kristiyano ay tila nalilihis sa prinsipyong tagapag taguyod ng kabutihang asal. Oo nga may sarili siyang paniniwala at paninindigan dahil iyon ay naayon sa Bibliya. At dahil sa naturang paninindigan na tila iyon na rin ang naging basehan niya para makapag bitiw ng ganung opinyon ( same-sex relationships are worse than animals) may isang komunidad na lubhang naapektuhan sa naturang diskriminasyon at iyon ay walang iba kundi ang LGBT.

     

    Wala naman akong masamang tinapay kay MP. Katunayan, katulad din ako ng karamihan, idolo siya dahil siya ang pambansang kamao natin. Iyon nga lang, magiging katulad na rin ako ng iilan (kundi ng karamihan), nabawasan ang respeto sa kanya. Ang Santo Papa nga na nasa poder ay sinabi rin na “Sino ba ako para manghusga” at ito ay binigyan ng pagpapahalaga ng mga LGBT Catholics.

     

    Dahil lamang sa hindi pinag-isipang pananalita (oo, tingin ko namali lang sya ng interpretasyon kaya di niya napag-isipang mabuti kung ano yung magiging bwelta sa kanya sa sasabihin niya) nanganganib ang reputasyon ni MP. Sa kabila kasi ng pag hingi niya ng tawad sa publiko at pag papasubali na wala siyang intensyon alipustahin ang komunidad ng LGBT nakatanim na isipan ng bawat naapektuhan sa nasabi niya. Ang aral dito, hindi porke nagbabasa ka na ng bibliya, alam mo na ang literal na kahulugan ng bawat salita ng skriptura.

  11. You think K-12 should only apply to future justices?

     

    I'd presume that the most simplistic way to utter those things is that it would only take awhile to learn something new over the cyberspace than going through the pedagogical principles or the traditional way of teaching & learning. Thus, the advent of internet education. So, forget about the K12 if I were those 'would-be' justices.

  12. Here in our country, there are some authorities who are too lax with their obligations. Like for instance in a suburban or even in rural areas where some altercation or squabble is part of their daily life, I think the Mutual Combat Law is somewhat imperative. It is a consensual fight between two people with a cop being a referee. What does it constitute? More here.

  13. TIME TRAVEL!!! Or better yet --- to be the Master of Time and Space. :)

     

    Likewise. In my case, it’s going to be about fulfilling the purpose of academic research. If you were able to read the short story about a clock that allows three men to travel backward in time. The title is “The Clock that Went Backward” by Edward Mitchell. But I think that would be next to impossible so I'd like to go back in time still kicking and alive, so i'd prefer the Time Travel via Time dilation. :D

  14. Linggo ngayong araw na ito

    Bisperas ng bagong taon ng Tsina

    Di ko lang maubos maisip kung

    Bakit ipinag diriwang pa ito

    Sa bayan natin

     

    Di naman lingid lalo na

    Sa halos ng buong mundo

    Kung paano lapastanganin

    ang bansa natin, pero sa

    kabila nyan, patuloy pa rin

     

    Ang pagtangkilik natin

    Sa mga produkto nila

    Bakit di na lang kasi

    Balewalain muna ang lahat

    ng nauugnay sa kanila

     

    Dito sa atin hangga’t

    Di natatapos ang gusot

    Sa Isla ng Spratlys

    Sadya nga bang ganun

    Na tayo kahina at kalambot?

     

     

     

    02/07/16

    03:24 pm

    • Like (+1) 1
×
×
  • Create New...