Totoo na may treatment sa HIV na 1 pill a day habang buhay to reduce the viral load making it NOT transmissible. At sa ibang clinic libre ang refill nito. To be clear, habang buhay ito na 1 pill a day ka, kasi once na itigil mo yan, tataas ulit viral load, manghihina ang katawan at prone sa mga infections.
In the medical world, a person na may maintenance na 1 pill a day is still immunocompromised. Maybe now na healthy ka pa, controlled ang comorbidities mo eh okay okay ka pa.
Once na magkasakit ka, lumala comorbidities mo o need magundergo ng operation, prone ka to get worse. Lapitin ng infections, pneumonia, tuberculosis etc. Marami sa mga ospital, simpleng appendicitis lang kahit naoperahan na eh namamatay parin dahil yun pala may concomitant na HIV
Kaya ingat nalang talaga sa gantong bisyo, unlike other STDs. Wala paring cure para totally magamot ang HIV