Ang sad lang ng realizations ko. Haha (female ako ha) ang dami kong binitawan na tao dahil lang sa insecurities ko.
so before, I had a bestfriend. Actually di talaga kami bff nung una, kinaibigan ko lang sya kasi ex regular therapist sya ng boyfriend ko that time (ex na now) and unexpectedly naging bestfriends kasi super vibes pala kami. Kaso ayon may araw na iniisip ko yung mga ginastos sakanya ng ex ko since thera nga sya. Nilamon ako ng insecurities ko so biglang one day, hindi nalang ako nagparamdam at nagpakita sa babaeng yon. Nagrereach out sya anony problema pero in ignore ko lang. Marami kaming friends of friends so may times nitong mga nakaraan na nakikita ko sya nakikita nya ako so nag communicate kami ulet pero di na talaga maibalik yung friendship.
Then after that, nagkaroon ulet ako ng bagong bestfriend. ma-appeal sya, siya lagi yung napapansin siya lagi yung nakikita, siya lagi yung maraming followers at nakikipagkilala. 😭 feeling ko ampanget panget ko pag kasama ko sya so after few months bigla nalang akong hndi nagparamdam at nagpakita sa kanya. That was 3yrs ago na pero until now nakikita ko nagsstalk sya sa IG ko. She’s a real friend talaga pero hirap labanan ng insecurities ko kaya lumayo ako sakanya.
Then eto last night, may nakasama na naman akong potential bff na naman hahaha kaso ayun siya na naman yung spotlight. Feeling ko na naman ampanget ko so eto di ko na pinansin si ate girl. Happy naman ako kagabi kaso tangina ako yung may pera, ako yung may kotse, pero feeling ko walang nagmamahal saken walang may gusto saken HAHAHAHAHAHAHAH sguro dapat tlaga sa mga average lang ako didikit e.
Sobrang confident kong di ako panget, retokada nga eh.
pero tiklop talaga ako pag may kasama akong napapansin ng lahat tapos ako parang anino lang nila.