Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Back To The 70's


Recommended Posts

kummander toothpick..........Feliciano Luces

Ilagas (rats) mostly made up of ilonggos hence the monicker for ILAGAS..Ilonggo Land Grabbers Association. Their muslims counterparts are called BARRACUDAS in Lanao and BLACKSHIRTS along Cotabato provinces corridors

Pres.Marcos was accused of using them to sow terror and intimidation on the muslim communities.

 

Very dangerous times then in Mindanao...I remember being in Cotabato City for the first time in 76. Para kang nasa Dodge City where you see gunslinging men in cowboy hats brandinshing their Colts and baby armalites in public. Some rode horses, but most rode in Toyota Land Cruisers. Ang daming siga!

Link to comment
Very dangerous times then in Mindanao...I remember being in Cotabato City for the first time in 76. Para kang nasa Dodge City where you see gunslinging men in cowboy hats brandinshing their Colts and baby armalites in public. Some rode horses, but most rode in Toyota Land Cruisers. Ang daming siga!

===========================================================

 

Ako naman sa Arayat, Pampanga. We spent one holy week duon tapos gabi (wala pang kuryente nuon) may mga naglalakad na mga lalaki nanghihingi ng manok. after a while bago kami matulog, there was fierce gun battle sa foot ng Mt. Arayat. Kinabukasan umuwi na kami sakay Yabut Bus. Uso pa naman nuon caumoflage na pantalon, hindi namin masuot suot

Link to comment

Guys, there's a wonderful radio program kanina ko lang narinig from DZMM. Its hosted by Willie Nepomuceno and Boots Anson Roa. They call it M & M (Music and Memories, ata). Their discussion is from the past mostly 60s and 70s. Its on the air 1pm to 4pm every Sunday. Kanina they aired music from the 70s with free discussion from listeners. You can call them up or text them. Kakatuwa yung mga tumatawag, mga decada 70s. Reminiscing the past. Very relaxing and you know naman Willie Nepomuceno, he then mimicks some of the well-known personalities of the 70s, from Pres. Marcos, FVR, Rico Puno, beatles, etc. Ganda! I chanced upon it when during my lunchtime, naghahanap ako ng mga magagandang programs to listen to on a lazy Sunday.

Link to comment

Got an email from a friend just now. want to share it with you:

 

REALITY TSEK… sana magustuhan mo ito!!!

 

Sleeping Gising, frend.

Tumatanda ka na, frend.

 

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.

 

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!".

Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.

 

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

 

Wala na ang mga kaibigan mo noon.

 

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen,

napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.

 

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo

kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

 

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

 

Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

 

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit

canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

 

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

 

Saan ka ba papunta?

 

frend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito

para maging isa lang

sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo

ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.

Link to comment

Hayusss frend. Nakakarelate ako sa iba pero hindi sa lahat. :thumbsupsmiley:

 

Kwento kaya tayo ng mga pinaggagawa natin noon na gusto nating balikang gawin ngayon.

 

Kami noon namamansing or fishing kapag gusto naming kumain ng tilapia.

 

Ngayon ginawa ko na lang sculpture.

post-583-1186415541.jpg

Link to comment
Hayusss frend. Nakakarelate ako sa iba pero hindi sa lahat. :thumbsupsmiley:

 

Kwento kaya tayo ng mga pinaggagawa natin noon na gusto nating balikang gawin ngayon.

 

Kami noon namamansing or fishing kapag gusto naming kumain ng tilapia.

 

Ngayon ginawa ko na lang sculpture.

================================================================================

 

 

Ang gusto kong balikan ngayon yung pamamasyal with my friends. Mga travel freaks kami nuon. parating pasyal dito, pasyal duon. Di naman magastos, basta budgeted lang. Yun ang trip namin nuon. Carefree, good clean fun. Walang inuman sobra, no smoking, puro kwentuhan during our teens. High school days are my happiest and most memorable. Sa Esteban Abada High School ako graduate at duon kami inabutan ng declaration of Martial Law.

 

Now, am a professional photographer na after a looonnngg stint sa concrete jungle that is Ayala Avenue, Makati City.

Link to comment

Uso rin sa amin noon ang mamasyal kung saan-san. We just chipped in sa gas and off we go to as far as Batangas in the south and Baguio in the north pero madalas kami sa Nueva Ecija where my mom has a farm she inherited from her father.

 

Mahilig din kaming mag-bike noon at kung saan-saan din kami nakararating.

 

I was in 1st year at Notre Dame when Martial Law was declared.

 

Ngayon hindi na ko nakakapunta sa farm. Hanggang dito na lang sa Metro-Manila nakakalibot. I am busy immersing myself as a sculptor (3rd year ko na) and painter (preparing for a show) while still working as a graphic designer for the past 20 years.

 

Somehow pareng photographer, related yung field natin.

 

 

To all the 70s peeps,

 

Lets have an EB soon.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...