Jump to content

Free Legal Advice

Butsoy

Recommended Posts

Can they terminate me because of that even if I am already a regular employee and does not have any work issues that might cause my termination?

They can terminate you. Kung gusto ka i-terminate ng employer mo, pwedeng-pwede nila gawin yun.

WHETHER THE TERMINATION WILL BE LEGAL/VALID IS REALLY THE QUESTION!

Kung tutoo ang sinasabi mo na nagkamali ka lang sa dates dahil di mo maalala, at wala ka naman talagang bad record sa former employers mo, hinbdi magiging legal ang pagterminate sa iyo.

Maaari mo itong ireklamo sa NLRC kung gagawin nila ito. Alalahanin mo, wag kang magre-resign! Kung pipilitin ka nilang magresign dahil sa dahilang mali ang date na nakalagay sa application o resume mo. wag mo gawin. Kailangan tanggalin ka nila! Ito ay para matibay ang kaso mo na isasampa sa NLRC.

Good luck!

follow up lang po... so pag nag baba po sila ng termination paper ko pipirmahan ko po ?? or sabihin ko na di ko muna pirmahan dahil mag consult ako sa nlrc.

Link to comment

pag nagbaba sila ng termination paper. sabihin mo, di mo tinatanggap yung termination AT magrereklamo ka sa NLRC!

NOTE: Mali din yung basta ka na lang bibigyan ng termination paper, dahil ayon sa batas, dalawang notice dapat ang ibibigay sa iyo. UNA, kailangan bigyan ka ng notice na sinasabing magpaliwanag ka kung bakit di ka dapat tanggalin, minimum ng 5 araw para magpaliwanag. PANGALAWA, pagkatapos mong magpaliwanag, yung NOTICE na na tinatanggal ka dahil di katanggap-tanggap yung paliwanag mo.

meron na po ako nung dalawang notice.. so if bibigyan nila ako ng termination paper di ko muna pipirmahan ?? sabihin ko lang na di ko tinatanggap un at mag coconsult muna ako sa mlrc? pde ba ako kumuha ng copy nun para ma i forward din sa nlrc if possible ?? di nila ako pde pilitin pumirmasa termination paper di ba ?? Tsaka diba dapat pag regular na ako sa company and sa accnt lang nagkaroon ng ganung issue pde ako ilipat sa ibang account ?? Thanks ng madami sa time mo sir badly need help lang po kasi. God Bless po

1. if bibigyan nila ako ng termination paper, di ko muna pipirmahan?

Kung sa pirma, ang ibig mong sabihin, ay ire-receive mo yung notice, pwede mong tanggapin yung notice na tineterminate ka na nila.

2. sabihin ko lang na di ko tinatanggap un at mag coconsult muna ako sa nlrc?

tanggapin mo. pagkatapos, pumunta ka na sa nlrc para maghain ng reklamo. wala nang sabi-sabi na kukunsulta ka sa nlrc, magreklamo ka na.

3. pde ba ako kumuha ng copy nun para ma i forward din sa nlrc if possible?

kung bibigyan ka ng termination notice, dapat may kopya ka nun. wag kang pipirma ng "received" tapos wala kang sariling kopya. ano ang ebidensya mo na tinanggal ka kung wala kang kopya?

Tsaka, itago mo rin yung kopya nung dalawang notice na ibinigay sa iyo. Pati kontrata mo, pay slip, ID, at iba pang dokumento o bagay na magpapatunay na empleyado ka nila. magagamit mo lahat ng iyan sa NLRC.

4. di nila ako pde pilitin pumirma sa termination paper di ba?

Oo naman. Kaya lang, kung tinatanggal ka na, ala ring silbi ang di mo pagpirma, at kailangan mo ring umuwi. Pag-uwi mo, sasabihan lang naman nila yung sekyu na wag ka nang papasukin kinabukasan. O, di tanggal ka pa rin.

5. Tsaka di ba dapat pag regular na ako sa company and sa accnt lang nagkaroon ng ganung issue pde ako ilipat sa ibang account?

Pwede. Kaya lang, nasa kumpanya nga yun. Kung talagang desidido silang tanggalin ka, kahit wala sila sa tama, magagawa nila yun. Ang bagsak mo, sa NLRC pa rin.

Edited by rocco69

thank you sa walang sawang pag sagot... naka pag file na po ako sa nlrc at may schedule na kaso wala pala attorney dun. anu po ang pinaka laban or dapat kung ipoint sa case ko para manalo ?? kasi ang pinopoint ng company ko is Article 296 habitual negligence and or serious misconduct and willful disobedience. act of dishonesty and willfull misrepresentation which can cause termination.

1. naka pag file na po ako sa nlrc at may schedule na kaso wala pala attorney dun.

Ang mga unang hearing sa NLRC ay pasok pa sa Single-Entry Approach (SEnA), kung saan ipinagkakasundo ang mga partido. Wala munang abugado, at ipinagkakasundo nga lang kayo.

2. anu po ang pinaka laban or dapat kung ipoint sa case ko para manalo?

wala pang argumentong legal sa puntong ito, at ipinagkakasundo nga lang kayo. Pag-uusapan lang kung ano ang magandang solusyon sa hidwaan ninyo. Alalahanin mo rin na hindi ang empleyado ang magpapatunay na mali ang pagtanggal sa kanya; ang employer ang magpapatunay na tama ang pagtanggal sa empleyado.

Pag hindi kayo nagkasundo sa loob ng dalawang hearing, doon ka na maghahain ng pormal na reklamo sa NLRC. May taga-PAO naman sa NLRC na tutulong sa iyo para gawin ang mga argumento mo.

Good luck.

panu po kami pagkakasunduin ?? prang may settlement na mangyayari ??

Link to comment

Ask lang po ng advice may lupa po ng tito ko is sa pangalang ng asawa niya nakalagay then nagdivrce sila paano po mailalagay yung name ng tito ko sa land title?

ano ang nationality nila? bakit divorce?

dun po ba sa settlement na yun dun na magoofer ng monetary amount or pag nag ka kaso pa po ??

depende. tingnan mo na lang kung ano ang mangyayari sa SeNa. Pero maganda na rin mag-isip ka kung magkano OR ano ba talaga gusto mo, para kung tatanungin ka, may masasabi ka.

Link to comment
  • 2 weeks later...

we have this iritating prob regarding sa neighborhood namin..I know we should ignore it lang..but it's about our neighbors located front of our house..(katapat na bahay)..we are not in-good terms since our instalation of maynilad before..pinalampas nalng namin ung issue before(1yr after na)..kasi after that nawala sila...and lately dumating ulit sila (almost half a year na) ..for the us the good thinig is we just ignore them lang...ang problem kasi this time everytime na may nagbubukas sila ng gate nila eh lagi pabalibag ang bagsak ng gate..kahit madaling araw ang dating...andyan pabalibag ang bukas sara ng gate nila..na kahit nasa room na me eh maririnig mo pa..I know we should ignore it nalang..pero minsan for me parang sinasadya na kasi everytime nakikita kami sa bakuran...andyan lalabas ng hauz pabalibagg ang sara at bukas...pag ibang tao nagbubukas ng gate nila.ni wla ka maririnig na ingay sa pagbubukas nila ng gate ..pero pagsila lang talaga at mostly pagnakikita lang kami saka sila nagbabalibag ng gate..so for me pananadya na kasi ..at thrice ko na napupuna..pag yung mom ko nagsasampay..eh andyan lalabas yung bunso nila (24yrs old na)..nagtotothbrush pero naka underwear lang.....nalabas dun sa bakuran nila..i know i know we should ignore it lang...pero minsan kasi parang nakaka irita na kahit ignore mo lang...

iknow na mababaw lang toh..but i just need something na just incase mag escalate ...me and my mom agree na if something happen we would really complain right away to the authorities na ..dont know what will happen in the future...we are tyring to ignore at wag paapekto pero minsan simpleng pagbalibag ng gate...(lakas tlagala halos kulang nalang masira yung gate sa pagsara bukas).but atlease have some idea of what i can do..to protect me and my mom..just incase..what kind of complain can i prefer just incase..or mayroon ba magagawa sa mga gantong issue..ust incase lang and wot should i do if things might got out of hand..i was worried lang na baka ako magkamali ng galaw someday kaya ingat kami kumilos..kaya nga parang nagaantay lang kami kung sino una magkakamali pero worried lang me..any idea or opinion would gladly appreciate it...thank you ...pasensya na sa long msg..i just need to voice it out..thanks in advance....

that's what the homeowner's association is for, to settle disputes between neighbors. Kung walang HOA, sa barangay.

thank you for this response...walang HOA sa subd..Barangay lang po..just incase what kind of complain can we file in the barangay...kasi what i might think is just that they may find excuse na ganun lang tlaga sila magsara...besides bakuran naman nila kesyo naka underwear lang sila...pakialam ba namin..yung mga ganun excuse ba....what i was trying to ask is what kind of case can we file in the barangay(just incase)..for now...we just ignoring it as much as possible..no eye contact on both parties naman as if non exist..pero somehow we feel na nananadya na....i had to admit noob ako sa mga laws and case things kasi....i feel somehow offended on their action ...I just really dont know or how or what to do for the mean time..sensya na sa mga tanong ko..i just need some idea or opinion ..just incase para atleast may alam me what to do next...thank you in advance...

http://www.manilatimes.net/obnoxious-neighbor-can-be-charged-with-unjust-vexation/217060/

  • Like (+1) 1
Link to comment

There's always a possibility na magfile siya ng custody case. I'd like to think though na slim ang chance niya not unless he had a change of heart and he can prove na worthy and capable siya as a father.

In the end, the court will consider this: "the physical, educational, social and moral welfare of the child, taking into account the respective resources and social and moral situations of the contending parties."

Way back kasi he texted me like, pwede ba daw mahiram for a week lang daw. Etc. Etc. Meron pa siyang apology and marriage proposal. Hahahaha. Asa pa.

Anyway, i told him, get an educational plan up to college (he and his family is wealthy. They have 5 petron station probably more by now but he is currently out of tthe country since then). Nagalit si gago. Hahahaha. Yan daw hirap sakin etc. Etc.

Sinagot ko na lang ng haha eh.

Link to comment

sir rocco, good evening. nag back read ako ng inadvise mo sakin 5 years ago. :)

Bukas na kasi magkakaharap harap sa barangay about dun sa tinanong ko sa inyo tungkol sa Right of Way. :)

Binasa ko ulet at nagbasa din ako ng Article 649-651. Maraming salamat po.

Pag hindi po nagkasundo sa Barangay, may posibilidad pa bang umabot sa korte?

Maraming salamat po!!!

Sa iba pong makakatulong sakin bukod kay sir rocco, maraming salamat din po!

Eto po ay tungkol sa isang compound, na may tig 106sqm ang dalawang nasa harap at tig 107sqm naman ang dalawang nasa likod.

Meron na po sila noon na 1m width na daanan, at nag reklamo sila na lakihan ito. Pumayag na sila noon na gawing 2m ang width. Pero nung nalaman nila na bawal mag tinda, namerwisyo na lamang at nirequest na gawing 4m and width ng right of way.

Ang request nila na gawing 4m ang width ay naka base sa lumang blueprint ng compound na may nakalagay na 'perpetual right of way'. Nilalaban nila na ibalik sa dati. Ang kaso lamang po dun sa blueprint na may 'perpetual right of way' eh dalawa lamang ang naka pirma sa present na may ari (tagapag mana) Yung isang tiyuhin ko na nasa likod.

Hindi naka pirma ng tatay ko, dahil noong ginawa ang blueprint ay menor de edad pa lang at yung tiyahin ko, na hindi rin naka pirma doon.

Edited by subsistence
Link to comment

sir rocco, good evening. nag back read ako ng inadvise mo sakin 5 years ago. :)

Bukas na kasi magkakaharap harap sa barangay about dun sa tinanong ko sa inyo tungkol sa Right of Way. :)

Binasa ko ulet at nagbasa din ako ng Article 649-651. Maraming salamat po.

Pag hindi po nagkasundo sa Barangay, may posibilidad pa bang umabot sa korte?

Maraming salamat po!!!

Sa iba pong makakatulong sakin bukod kay sir rocco, maraming salamat din po!

Pag hindi po nagkasundo sa Barangay, may posibilidad pa bang umabot sa korte?

Ang function ng barangay ay ipagkasundo kayo. Kung hindi ito magtagumpay, ang option ng partido na ang pakiramdam ay agrabyado siya ay ang pumunta sa korte (kung sumusunod ito sa legal, may ilan naman kasi, dadaanin sa puwersa, pananakot, etc.).

Kaya ang sagot sa katanungan mo ay OO, malaking posibilidad na dalhin ang asunto sa korte. Kung may panggastos sila, maaaring mapunta kayo sa korte, at pera lang naman ang kailangan para makakuha ng abugado.

Link to comment

Magandang Araw! Nasama ang aking anak na 7 years old sa isang aksidente sa loob ng mall. Habang patakbo, papunta sa likod ko, ang aking anak, hindi sinasadyang nagkabanggaan sila ng isang food cart staff (na tumatakbo ng malibis). Pagkaharap ko, nakita ko ang anak kong nakatayo agad mula sa pagkakabagsak niya, habang ang staff ay nagmamadali din tumayo. Bilang ama, tinignan ko muna ang aking anak sa anumang injuries. sa awa ng Diyos, nagkaroon lang siya ng kaunting gasgas. Sunod kong tinignan ang nakabangga niya, nagkaroon ito ng cut sa kaliwang mata na nagresulta ng bleeding (dahil ito sa paghampas ng kanyang mukha sa flooring). Dinala kaagad siya sa first aid station ng mall at kinuha ko ang kanyang contact number para kamustahin siya from time-to-time. Ang tanong ko dito ay: (1) Mayroon ba kaming liability sa taong injured? (2) May participation ba ang mall management sa ganitong incident? (3)Nais kong magbigay tulong sa nasugatan, maari ba niya itong gamitin sa laban sa akin? Na maari niyang sabihin na "guilty" ako kaya ko ito ginagawa?

Maraming salamat sa tutugon.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...