FleurDeLune Posted July 29, 2019 Share Posted July 29, 2019 Anong masasabi mo na kamakailan lang ay ideneklara ni DU30 na ilegal ang LOTERYA at iba pang PCSO games? Quote Link to comment
X0X0 Posted July 29, 2019 Share Posted July 29, 2019 Sinabi ng pulis kaninang umaga, 2,000 na ang naipasara. eh talagang sarado lahat! hindi kailngan isa isahin dahil wala naman lotto draw. Pakitang ewan lang pagpapasara. Quote Link to comment
skycentral68 Posted July 29, 2019 Share Posted July 29, 2019 nakakapagtaka rin kasi kundi ako nagkakamali e pinuri pa ni pres duterte ang pcso. nung napalitan ang hepe ng pcso dahil me allegations ng corruption e ndi pa rin nawala totally. tingin ko naniniwala ako dun sa sinasabing ang mga nakikinabang lalu na sa pagkuha ng franchise e mostly yung mga retired pnp and miltary. me actual experience kasi ako dyan kaya nadiscourage ako nung ang aaply ako for a franchise. lahat mg location ko ndi valid. later to learn na kapag wala ka kapit sa loob mahirap ka makakuha unless yung location mo is nasa province and totally walang lotohan within the next 5km. then i just realized na yung dati ko tao nagtataka ako panu nakakuha ng franchise within an area na dikit dikit na ang lotohan e ang nag represent sa kanya ang tatay nya na retired pnp tsk tsk.. nakakalungkot kasi mananaya rin ako ng lotto at isa aa umaasa ng swerte pero natutuwa rin kasi nasilip na kabuktutan ng mga nasa loob. malas nga lang nung mga me lotohan na umuupa ng pwesto pero sana mabuwag na kalokohan dyan kasi ang laking pera ang pinaghahatian ng kita bago pa mapunta sa gobyerno at maitulong sa nangangailangan. Quote Link to comment
MyNameIsAllan Posted July 29, 2019 Share Posted July 29, 2019 Makikita,, pero malaki ang chance na kahit sarado na yung outlets ng pcso tuloy padin jueteng lalo na sa mga province na malayo sa ncr. Quote Link to comment
cocoy0 Posted July 30, 2019 Share Posted July 30, 2019 Pabor ako sa pagimbestiga sa corruption, pero dapat yung mga grand gesture gaya nito e ireserve sa pagaresto ng mga corrupt official. Wrong message amg nilalabas nito sa tao, lalo na narecord siya na nagsasabi na hindi niya gagalawin ang Jueteng. Quote Link to comment
Freddie C. Posted July 30, 2019 Share Posted July 30, 2019 but jueteng had been in the country since the 1800s yata. pag tinigil lahat ng lotto at kung anu pang pcso operated games mamamatay ba ang jueteng? hindi!!!! panahon pa ng mga lolo ng lolo ko may jueteng na ata sa bansa Quote Link to comment
ionon Posted July 31, 2019 Share Posted July 31, 2019 drama lang ng maupo ang kanilang like ipa upo at matangal ang ibang gambling bit na di masyado sila kumikita at mapalitan... Quote Link to comment
tk421 Posted July 31, 2019 Share Posted July 31, 2019 Ang pagpapasara niya ng mga lotto outlet at pag bubukas nito pagkalipas ang ilang araw ay symbolic sa kung anong klaseng pamumuno ang gingagawa ng idolo ng mga DDS: hindi nag iisip, puro knee-jerk reaction, walang direction, at puro grandstanding. Nag sayang pa ng mga tauhan at equipment para mag PR stunt na isinara mga lotto outlets, amf. Quote Link to comment
*kalel* Posted August 4, 2019 Share Posted August 4, 2019 kung dahil sa corruption kaya pinasara, ipasara rin nya DPWH, LTO at LTFRB! Quote Link to comment
Denniz Posted August 6, 2019 Share Posted August 6, 2019 sabi ng kainuman kong scout ranger ........ ang tawag diyan ay psy war. shock and awe. minus the pit bum pit bum. haha whatever. ang sabi ko - ikaw naman ang taya next time please. Quote Link to comment
wolflove_bigdawg Posted August 10, 2019 Share Posted August 10, 2019 hindi mo basta basta maipapasara yung lotto outlets kasi nagbayad ka ng franchise fee, nag-invest ka. private property yun na hindi pwedeng galawin ng gobyerno. kung may problema sa pcso at may sinasabi syang mga corrupt officials, pwede nyang tanggalin kasi empleyado ng Malacanang yung mga yun saka appointed sila ng Presidente. isa pa, napakadaming mawawalang ng trabaho at benepisyo sa pcso/lotto. Quote Link to comment
camiar Posted August 10, 2019 Share Posted August 10, 2019 hindi mo basta basta maipapasara yung lotto outlets kasi nagbayad ka ng franchise fee, nag-invest ka. private property yun na hindi pwedeng galawin ng gobyerno. kung may problema sa pcso at may sinasabi syang mga corrupt officials, pwede nyang tanggalin kasi empleyado ng Malacanang yung mga yun saka appointed sila ng Presidente. isa pa, napakadaming mawawalang ng trabaho at benepisyo sa pcso/lotto.The government's answer to this : The gaming franchise given to you by the government is a privilege to do business in it. It is not an absolute right. The government can take that privilege from you at its own discretion. Quote Link to comment
bozChips Posted June 20, 2020 Share Posted June 20, 2020 question, ang lotto daw ay voluntary tax to the poor??? eh bakit may documentary stamp pa na P4 dahil sa train law? pwede ba i tax ang tax? double whammy Quote Link to comment
courtesanhunter Posted May 17, 2022 Share Posted May 17, 2022 nagiging legal o ilegal ang isang bagay depende sa kung ano ang naisulat sa working constitution at sa mga bagong batas na nasasaklaw nito. the fact na may PACGOR at PCSO operations na bago pa lumabas ang balita na nabanggit sa itaas ay sa tingin ko ay sapat ng patunay na regulated na mga sugal ang nasasaklaw ng PAGCOR at PCSO. tutol ako na gawing ilegal ang mga palaro sa PCSO dahil masayang tumaya sa lotto. Quote Link to comment
Recommended Posts
Join the conversation
You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.