Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Poll: Uso Pa Ba Ang Maginoo Ngayon?


Uso Pa Ba Ang Maginoo Ngayon?  

108 members have voted

  1. 1. Naniniwala ka bang uso pa ang ganitong kaugalian lalo na sa mga kalalakihan?

    • Oo naniniwala ako
      89
    • Hindi ako naniniwala
      7
    • Hindi sigurado
      6


Recommended Posts

Maiba naman tayo sa pulitika. Pag-usapan naman natin ang pang araw-araw na buhay, lalo na sa mga ordinaryong mamamayan natin. Bukambibig ang malaking problema sa trapiko. Katumbas din yan sa hirap na dinadanas ng mga namamasahe o nagko-commute nating mga kababayan.

 

Alam naman natin kung gaano kasaklap ang trapiko lalo na sa Metro Manila. Tila bangungot na ng bawat-isang commuter. Literal na nakakamatay kung tutuusin dahil marami nang napapahamak at nauuwi pa sa pagkamatay ng iilan kahit sa simpleng bagay na di pagkakaunawaan.

 

Ganunpaman, walang mapagpilian ang karamihan kundi mag tiyaga lalo na sa pag aabang o pag pila. MRT at LRT ang pinaka kilala, mabilis at ligtas kahit papano. Kahit pa nga ikaw ay may sariling sasakyan walang silbi minsan lalo na kung nagmamadali ka kaya nanaisin mo pang mag rail transit na lang.

 

Pero heto ang kailangan natin pag-usapan na naaayon para sa mga kababaihan (sorry guys). Higit kasing nakikinabang ang mga kababaihan nito (kaysa sa kalalakihan, amin man o hindi) . Ewan lang kung nangyayari ito sa ibang lugar o ibang bansa na pag may nakitang babaeng (dilag na) nakatayo, magpapaubaya, tatayo at ibibigay sa kanya.

 

Ngayon ang tanong ay ito, uso pa ba ang ganun sa panahong ito?

 

Pwedeng pangkalahatan din ang sagot.

Link to comment

Sobrang dami pa niyan. Like the simple act of opening doors for a lady, giving your seat, letting them go in or out first.. etc etc.

 

Pero minsan, sa part ng babae, wag ding mag-eexpect at wag mag-asal prinsesa. Example, sa mga public transpo like lrt/mrt, kung nakita mo ng punuan, wag ka na mag-expect na makakaupo ka lalo na kung mukha ka pa namang malakas (hindi buntis, matanda at walang kasamang bata).

 

Meron din daw minsang eksena sa bus na yung babae nagpaparinig pa na "wala na ngang gentleman sa mundo", eh bago pa siya sumakay, kita na naman niyang tayuan na at sobrang puno.

 

Lastly, yung pic ng estudyanteng babae na nakasabit sa jeep tapos ang caption "wala sigurong lalake sa loob". Nakakatawa rin minsang magjudge yung iba. Siguradong kaya lang naman sumabit yun, it's either sobrang hirap sumakay at late na sya or trip lang nya.

 

May pinaghuhutan lang. Hehehe.

Link to comment

When i was in college, sa ikot, may sumabit na girl. So naturally nag offer yung friend ko ng seat nya. However, nagalit yung girl na porket girl siya iniisip ng guy di nya nya kaya gawing sumabit.. napakamot na lang ng ulo ung friend ko haha.

 

I firmly believe na marami pa gentleman like me :rolleyes: though expectations have been dwindling with all that has been going on around us.

 

Sobrang dami pa niyan. Like the simple act of opening doors for a lady, giving your seat, letting them go in or out first.. etc etc.

Pero minsan, sa part ng babae, wag ding mag-eexpect at wag mag-asal prinsesa. Example, sa mga public transpo like lrt/mrt, kung nakita mo ng punuan, wag ka na mag-expect na makakaupo ka lalo na kung mukha ka pa namang malakas (hindi buntis, matanda at walang kasamang bata).

Meron din daw minsang eksena sa bus na yung babae nagpaparinig pa na "wala na ngang gentleman sa mundo", eh bago pa siya sumakay, kita na naman niyang tayuan na at sobrang puno.

Lastly, yung pic ng estudyanteng babae na nakasabit sa jeep tapos ang caption "wala sigurong lalake sa loob". Nakakatawa rin minsang magjudge yung iba. Siguradong kaya lang naman sumabit yun, it's either sobrang hirap sumakay at late na sya or trip lang nya.

May pinaghuhutan lang. Hehehe.

Link to comment

20 years ago nung kokonti pa bus na bumabyahe sa amin laging siksikan at tayuan. I always give my seat to a woman, kahit na 4 hrs na byahe yun.

 

 

Now, minsan ginagawa ko PA rin, pero depende na. Pag mas bata sa akin yung babae nagtutulug tulugan na lang ako, hehe. Sakit na kasi sa likod. Pag sa MRT, I still give my seat, sandali lang naman kasi byahe. But I choose the person to whom I'll give it to. Pag Kay MRT girl, Hindi na uy, maski with free sex pa.

Edited by Simikiel
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...