Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

Mabuhay kayo Manong Digong.

 

Siyanga pala, ako po'y G.I. ( Genuine Ilocana pero nagtatrabaho sa ibang bansa) at marami akong nabasa tungkol sa inyo, biro po ninyo, nasa Trivia book po kayo sa America na marami kayong minasacre na tao sa Mindanao, kasama ninyo sa listahan sina Hitler at si Mao - pero Presidente na po kayo ngayon...

 

Nasa bookshelf ko po ang libro..

 

Wala lang po, nagulat lang po ako..Wala rin ako sa Pilipinas at di ko po kayo naboto.

 

Isa lang po ang request ko po. Bawasan ninyo po ang buwis sa atin.

Link to comment

Dear P. Diggy,

 

Ang daming sumusuko na adik ngayon, tapos they make an oath na hindi na magdrugs, pipirma and then uuwi after.

 

Naisip ko lang sir, kung ako yung adik di ba mahirap para sa akin magquit na lang basta basta (adik nga e diba). Kung magquit ang adik ng sampung taon nagdrugs, or kahit 5 years lang, or kahit 1 year lang, hindi ba may withdrawal symptoms yan, may purging ng katawan yan. In other words sir mahirap magquit kase magwawala yung katawan dahil sa pangangailangan.

 

Hindi ba dapat may solution kayo diyan? Kung may sumuko dalhin dapat sa rehab diba? Kaso mukhang di niyo naisip ng maayos plano, parang dadalhin niyo lang sa takot ang adik para di na magdrugs, otherwise patay.

 

Bakit di niyo isakay sa bangka dalhin sa isang island lahat ng adik na sumuko (kung kulang ang rehab centers) ? Dun sila magrehab dami mga isla sa atin. In that way you can be sure you are cleansing the population of addicts di ba po?

 

Kaya ang dami adik na sumusuko kase "suko na tayo pipirma lang naman tapos uuwi din tayo pagkatapos" ang mentality. Parang naiisahan pa kayo ng mga adik sa style nila.

 

Hanga ako na dahil sa style niyo e nagpapakilala mga adik, pero kulang po ng action pagkatapos, dapat i rehab niyo mga yan para sigurado malinis.

 

Salamat po

 

 

Sa pagkakaalam ko, maraming mga LGUs ang me programa na sa mga ito at tinutulungan yun mga gusto magparehab. Gumagawa na din paraan para madagdagan facilities sa rehab center natin. Bukod pa dyan, tutulong din ang PNP para gumawa ng module sa mga eskwelahan tungkol sa drug education. So tingin ko lahat naman ng pwede gawin ng gobyerno para pakitang seryoso itong kampanya eh ginagawa na. OO hindi ito fool-proof, kahit naman mga henyo sa NASA wala namang fool-proof na sistema na naiimbento. Pero ang mahalaga lahat naman ng pwedeng gawin eh ginagawa. Pero ayun nga, talagang ganun, me mga taong hahanap at hahanap lang ng maisusumbat. Isa pa, ang pagtalikod sa bisyo na yan, mas responsibilidad yan ng adik mismo. Eh kahit naman irehab mo yan me nagre-relapse pa din. Meron din tuluyan ng nakakawala kahit wala namang rehab. I mean pinasok pasok mo bisyo na yan, ngayon kung desidido ka magbago eh labanan mo yan. Yan o kaya, pasensyahan na lang kung ikaw na sunod na mahuli.

 

Para di OT.

 

Pres. Digong

 

Kahanga hangan nga na kaya mo sumakay ng commercial flight ng di nagpapa VIP treatment. Ito ang magandang pulitika, halimbawa ng pagpapakumbaba. Ito ang naglalapit lalo ng gobyerno sa tao.

 

Pero sa kabilang banda, isipin mo din sana na importante siguridad mo. 100 milyong pilipino nakasalalay po sa inyo. Kung me mangyari sa inyo, eh pano na naumpisahan? Sayang. Marami pa naman sa kanila natututo na maging optimistic.

 

Magingat po kayo sana lagi.

Link to comment

Dear Digong

 

Ok yan na di ka masyado nagsasalita na sa media. Andyan naman press people mo. Kung ikaw kasi baka me murahin ka nanamn at sipulan. Tama po yan, magtrabaho ka na lang. Hayaan mo na lang na yung aksyun mo ang magsalita para sa iyo. At naks! parang tinotoo mo nga na prim and proper na lol.

 

Nga pala, congratulations sa pagpirma ng FOI. Sapak yan sa mukha ng yellow bleeding hearts. Tsaka Congrats na din sa tagumpay ng kampanya Kontra droga. Biruin mo 110,000 na drug personalities naaresto at napasuko? Pero I think dapat din icredit ito ng husto kay Idol Boss Chief Bato. Dapat bigyan yan ng magandang award!

 

Tama po sinabi nung nasa taas. Kyot kyot ni sir Bato. Parang si Humpty Dumpty. Hahahaha. Kahit tigasin at astig sa mga kriminal, parang teddy bear lang naman.

Link to comment

Dear President Duterte

 

May nabasa ako minsan na nagsasabi na siguro napaluha na ang dyos sa paghihirap ng Pilipino, at ikaw daw ang isinagot sa panalangin nila. Nitong huli parang gusto ko na din maniwala dito. Napakaironic naman, ikaw na babaero, siga, palamura ang magdadala ng pagkakaisa na matagal ng naging mailap samin.

 

Unang una, maraming presidente na ang nangakong pagkakaisahin bansa na ito. Pero ang pagkakaisa lang na naipamalas ay tuwing pag me laban si Pacquiao. Lahat ceasefire muna. Pati mga rebelde tumitigil pakikipaglaban sa gobyerno. Walang rally, walang krimen. Ang kaso, wala namang problema ng bansa ang nasusulusyunan sa mga laban ni Pacquiao. Nagkakaroon lang ng sandaling euphoria, tapos nun watak watak na ulit tayo.

 

Pero ang daming nangyari sa una mong buwan. Unang una, nagawa mong matiwala sayo ang mga rebeldeng grupo. Yun dating magkaribal na MILF at MNLF napagpulong mo. Tapos nung inalok mo kamay mo sa CPP NPA, ngayon naging bukas na din sila sa usaping pangkapayapaan.

 

Nun namang SONA mo, napakagandang pangitain. Yun mga pulis at rallyista walang gitgitan. Magkakasundo nga sila eh. Nagkwkwentuhan, kumakain ng taho, at si Idol Boss Chief nakaakyat pa sa entablado at trinatong rockstar!

 

Nun mismong sona, 4 na magkakaibang pananampalataya ay sabay sabay na nanalangin para sa bansa. Pwede pala naman ganun eh. Imbes bangayan sa relihiyon, eh pwede naman pala sabay sabay magbigay ng iisang panalangin para sa inang bayan.

 

At kahapon, yun 5 presidente natin na buhay pa, hindi mo lang natipon sa iisang kwarto. Nagawa mo pa silang magtrabaho kasama mo alang alang sa bansa. Di ba puros ito magkakaribal pa?

 

Ang galing! Sana nga tuloy tuloy na ito. Pwede naman pala na kahit iba iba paniniwala, kahit pa nga magkakaaway, pwede magsama sama. Magkasundo. Magtulong tulong at magmahalan para ibangon na sa wakas ating inang bayan.

 

Mabuhay po kayo Mayor President. Patuloy po sana kayo maging susi sa totoong pagkakaisa

Link to comment

Dear Digong,

 

Paano ngayon yan wala pang isang linggo unilateral ceasefire mo ilang ambush at abduction na nangyari against government troops, cops and cafgus... Ano ka ngayon?

 

Antagal mong Mayor sa Davao pero mukhang nakalimutan mo na hati na sa 2 malaki at iba pang maliliit na pangkat ang NPA ngayon. The Biggest faction are the ones under the Tiamzon Couple na ilang tropa ang nama.tay mahuli lang na balak mo pa yatang palayain kase "Political Detainees" sila...

 

The 2nd biggest faction are the ones still loyal to that old hag pal of yours who's living it up in the Netherlands, a Real Democratic country protected by it Laws and his imported American (what a fu.cking irony) lawyer... (doesn't he trust the Dutch on his lawyering needs? Well, they may go Dutch on him noh? :rolleyes: )

 

Hindi lahat ng Neps sa ground hawak ni Joma... Yan ang realidad... oh pano ngayon yan???

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...