Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

Nakikita ko sa mga philipino,tamad at mareklamo.puro asa sa govirno. Sorry ahh pero yan nakikita ko sa mga ilang tao tamad at mareklamo puro asa sa govirno, HinDi kasi uunlad ang buhay at philippines kung tayo Lahat puro Reklamo at aasa sa govirno, walang diskarte sipag at tyaga.walang mgyayari maganda kung tayo mismo nga tao walang Plano maganda para sa ikakabuti ng future ng bawat isa kung pano magiging successful sa buhay bawat isat isa.

Edited by Chiananicole
Link to comment

 

Kanya kanya tayo opinion!.Kanya kanya tayo pamumuhay!. kanyan kanya pagsubuk sa buhay!. kanya kanya problema sa buhay!. Kanya kanya diskarte sipag tyaga sa buhay.!

Kailangan ang salitang diskarte sipag at tyaga para sa pgunlad ng bawat isa at simpre para magiging successful ang pamumuhay.

FB_IMG_1664282456550.jpg

Edited by Chiananicole
Link to comment
12 hours ago, nzxt88 said:

@Edmund Dantes first of all, wala ako sinabi mag bitcoin sila, sabi ko lang kung puro sila reklamo at ayun na lang gngawa nila at wala sila napapala kasi bulok sistema, gumawa sila iba paraan, dami ko kilala nag hydroponics at may sarili farm, hindi nman araw araw nagrereklamo at naghhnap sila iba paraan. Ang point ko nga kung puro reklamo sila, panu sila aasenso kung ilang years na sila nagreklamo, nganga pa rin. Maging praktikal sila, pede magreklamo,pero maghanap din sila ng ibang paraan, diba mas okay yun? Saka sinabi ko ba golden age ung time ni marcos? Lagi nyo inaassume pag sinasagot kayo ng ayaw nyo, boto na agad kay marcos,hahaha. Wala ako kinakampihan, mapadilaw man yan o marcos, ang sakin lang, maghanap sila iba paraan kung alam nila na ilang years na bulok ang sistema ng bansa. Magreklamo sila, pero wag ayun gawin nilang buhay.

Katulad ng paulit ulit kong sinasabi, yan ang problema sa iyo. Masyado kang simplistic. Masyadong makitid ang pagiisip mo. Gagamitin mo ang sarili mo na example, as if naman applicable sya sa lahat. Ang tawag dito Fallacy of composition. Tapos kamo kasalanan ng tao kung mamatay syang mahirap? So ano nga? Magbitcoin na lang sila kagaya mo? Maghydroponics? Lahat ba ng major food crops natin kaya dyan? 

Yun pagdaing, hindi ba yun sa tingin mo paggawa ng paraan? Anong kapangyarihan meron magsasaka kung dadayain sila sa presyo ng ani, tatalunin pa ng imports at smugglers. Masusulosyonan ba yan ng Bitcoin at hydroponics mo? Anong paraan nga gusto mo gawin nila, eh sila ba ang may kapangyarihan? Dyos koooo isip ng malalim lalim at huwag kang puro anecdote ng asenso mo sa Bitcoin Bitcoin na yan?

Ako hindi manual laborer aaminin ko. Pero mataas respeto ko sa mga yan. Hindi ko kaya yun pagod at hirap nila sa bukid. Ikaw nga swerte ka nakaupo ka lang sa laptop mo nakakapundar ka na. Sayo na din galing sinuwerte ka. Eh hindi lahat maswerte kasi. 

Anyway, we have to stay on topic eh. Ang mentality mo kasi di naman nalalayo sa mga Macoytards. Bago mageleksong mangangako ng mas magandang buhay para sa Pilipino, ng 20 pesos kada kilo ng bigas, golden age, pagkatapos eleksyon bahala na kayo sa buhay nyo huwag kayo umaasa sa gobyerno. 

 

Link to comment

@Edmund Dantes May mga kilala rin ako sa major industry ng agriculture at horticulture, ayun main income nila pero nga dahil sa bulok sistema ng pinas, hindi sila naasa sa gobyerno at nagawa sila iba paraan, isang paraan tulad ng sabi mo umaalis na lang sila bansa, ibang paraan, nghhnap sila extra income. Galing ako sa hirap at manual laborer ako dati, nagsikap lang ako magtrabaho at magresearch, ginamit ko utak ko na maging praktikal para maging milyonaryo. Pwede sila magbitcoin o kung ano man para aasenso, pwede rin sila magreklamo araw araw tapos wala nararating. Alam na nga nila kahit ilang taon na sila nagrereklamo wala pa rin nangyayari, reklamo pa rin, nagmumuka na silang tanga, kasalanan na nila yun kung hindi sila gagawa ng ibang paraan. Hindi mo magets point ko na pede sila magreklamo, basta gumawa sila iba paraan kasi nga bulok sistema ng gobyerno. Saka applicable sa lahat yun na may tamang pagiisip at may pangarap sa buhay. Wag mo gaweng mangmang mga mahihirap, tao rin mga yun na may sariling diskarte, wag mo paasahin sa gobyerno palagi. Ikaw kunyari, 20 years na nagrereklamo pamilya mo pero wala pa rin nangyyari kasi hindi naaksyonan ng mga makasarili na politiko na yan parang si marcos at leni, wala ka pa ba ggawen ibang aksyon. Isip isip, wag ka din simplistic magisip tsong, scholar ka pero gnyan ka magisip, kumpara sakin na hindi nakapagtapos, pag against sayo, marcos na agad?duterte na agad?leni na agad? Haha kakatawa ka sir, no offense. Biktima na sila ng panggagago ng gobyerno, given na yun. Magreklamo sila , sige, pero gumawa rin sila iba paraan, huwag lang puro reklamo na ayun na lang ggwen nila. Ayun point ko, sana magets mo.

 

Anu ba gusto mo? Aasa sila sa gobyerno kasi wala na sila aasahan dun. Okay kung yun mindset mo, bahala ka mas malugmok mga taong bayan.

 

Bukas na ulit po makareply, thanks sir. 😅

Edited by nzxt88
Link to comment
2 hours ago, nzxt88 said:

@Edmund Dantes May mga kilala rin ako sa major industry ng agriculture at horticulture, ayun main income nila pero nga dahil sa bulok sistema ng pinas, hindi sila naasa sa gobyerno at nagawa sila iba paraan, isang paraan tulad ng sabi mo umaalis na lang sila bansa, ibang paraan, nghhnap sila extra income. Galing ako sa hirap at manual laborer ako dati, nagsikap lang ako magtrabaho at magresearch, ginamit ko utak ko na maging praktikal para maging milyonaryo. Pwede sila magbitcoin o kung ano man para aasenso, pwede rin sila magreklamo araw araw tapos wala nararating. Alam na nga nila kahit ilang taon na sila nagrereklamo wala pa rin nangyayari, reklamo pa rin, nagmumuka na silang tanga, kasalanan na nila yun kung hindi sila gagawa ng ibang paraan. Hindi mo magets point ko na pede sila magreklamo, basta gumawa sila iba paraan kasi nga bulok sistema ng gobyerno. Saka applicable sa lahat yun na may tamang pagiisip at may pangarap sa buhay. Wag mo gaweng mangmang mga mahihirap, tao rin mga yun na may sariling diskarte, wag mo paasahin sa gobyerno palagi. Ikaw kunyari, 20 years na nagrereklamo pamilya mo pero wala pa rin nangyyari kasi hindi naaksyonan ng mga makasarili na politiko na yan parang si marcos at leni, wala ka pa ba ggawen ibang aksyon. Isip isip, wag ka din simplistic magisip tsong, scholar ka pero gnyan ka magisip, kumpara sakin na hindi nakapagtapos, pag against sayo, marcos na agad?duterte na agad?leni na agad? Haha kakatawa ka sir, no offense. Biktima na sila ng panggagago ng gobyerno, given na yun. Magreklamo sila , sige, pero gumawa rin sila iba paraan, huwag lang puro reklamo na ayun na lang ggwen nila. Ayun point ko, sana magets mo.

There is nothing to get sa point mo na yan. Kasi essentially ito lang naman sinasabi mo

1. Sarili mo lang dapat pakialam mo at huwag ang bansa (Which is selfish)
2. Pabayaan mo lang ang magnanakaw sa gobyerno, tutal andyan na sila. Pabayaan mo lang ang bulok na sistema
3. MagbitCoin na lang lahat ng magsasaka, Kasi kung ano applicable sa iyo at sa ilan mong kakila, magiging applicable din sa lahat (Which is fallacy of composition)
4. Magabroad na lang kung wala ka mapapala sa Pilipinas? So ganun gusto mo? Bawat skilled worker natin magmigrate na lang? Ano mangyayari sa Pilipinas?
5. Wala naman obligasyon ang gobyerno kaya wala dapat asahan sa kanila. Which is stupid. Wala pala dapat asahan eh bakit sila humihingi ng boto? Ano pala yun binabayad na buwis? Wala lang Cash gift?

Actually it does not matter sino ang binoto mo. Ang mas pinaguusapan dito ay ang iyong makitid na mindset. Komo sinuwerte ka (Sabi mo) sa pinili mong raket, tingin mo na sa lahat ng hindi sinuwerte kagaya mo eh mga pala-asa sa gobyerno, mga walang ginawa kundi reklamo lang, mga walang pangarap at diskarte. Eh di wow! Bakit ikaw na sabi mo galing ka sa hirap sobrang baba naman tingin mo sa kanila. Lol

Natatawa kasi ako sa line of thinking mo. Kung hindi matino ang gobyerno natin, kaya may problema ang agriculture sector natin.... aba huwag ka na lang magtanim. Magbitcoin ka na lang. Hanap ka na lang iba pagkakakitaan mo. Gaun? 

O sya sya, Mula sa buong MTC, binabati ka naming lahat sa iyong rags to riches story. Pero huwag mo sabihin na yun applicable sayo, magiging applicable sa lahat. So ano nga? Lahat pala ng magsasaka natin magbitcoin na lang? Eh sino na magsasaka ng kakainin natin? Alam mo ba ano pwede mangyari kapag kinulang tayo ng magsasaka? O yan ang hindi naiisip ng makitid na utak kasi masyado kang bilib sa anecdotal story mo. O sya, congratualtions na kahit paupo upo ka lang naging milyonaryo ka na. Pero hindi yan ang pinaguusapan dito. Kaya huwag kang puro me me me. 

Sabi ko nga, ako di ko naranasang maging mahirap. Ganun pa man, alam kong hindi ganun kasimple kumita ng pera. While hindi naman kami umabot sa punto na nagsangla bahay o sasakyan, naapektuhan din naman mga investments namin ng mahinang ekonomiya. At ang mga tao nagdudusa dun. Pero dahil tamad ka magisip ng malalim, tamad na lang mga naapektuhan, di sila kasi kagaya mo na magaling sa Bitcoin Lol. 

Huli sa lahat, sobra ka naman makaGeneralize. So tingin mo sa mga nagrereklamo na yan ay mga tambay na wala ginawa para pagbutihin sarili nila? Wow naman! Matanong nga kita, kahit ba minsan may nakita kang nagdemand sa gobyerno na gawing permanente na ayuda? Na sa gobyerno na lang lahat iiaasa pamumuhay nila? Wala naman di ba?

Ang dinadaing lang naman nila, ay mga bagay na gobyerno ang may control. Akala mo kasi sila lang naapektuhan nyan. Ang hindi mo alam naapektuhan tayong lahat. Yang milyones na pinagmamalaki mo, in a few years time pwedeng wala ng kwenta yan kung maging out of control na inflation natin. I mean, ngayon nga di ka naman makakabili ng bahay at lote sa 1M. Eto nangyari sa Venezuela, at Sri Lanka. 

At para on topic tayo, ganyan nangyari nung panahon ni Marcos, kumonti ang middle class at mayayaman kasi bumagsak ekonomiya 

 

Edited by Edmund Dantes
Link to comment

@Edmund Dantes

Haha, ang labo naman, sinabi ko pede magreklamo, pero wag lang ayun gawin nila kasi naranasan kuna yan na puro reklamo lang ako wala ako napala, gumawa ako paraan para umasenso. Una, hindi selfish yung gusto mo magsikap o humanap ng IBANG DISKARTE mga kapwa mo, kung gusto mo sila umasa lang sa gobyerno,  wala sila mapapala, baka 60 years old na sila ganun pa rin sistema, anu napala nila?WALA, pangalawa, hindi ko kinukunsinte mga kupal sa gobyerno, sinasabi ko, kahit anu reklamo nila, wala sila mapapala, isa ako dati na lagi nag rarally, wala naman ako napala jan, tama ang point of view nila kaso in the end, sayang lang oras namin, against din ako sa gobyerno pero magfocus na lang sila kung pano aasenso at wag puro welga. Pangatlo, hindi lang bitcoin sinasabi ko, pede sila mag hanap ibang paraan panu dumiskarte, pero kung pagsasaka lang talaga alam nila, wala na ako magagawa dun, pero hindi naman siguro ganun ka walang alam mga magsasaka kasi ako nga hindi ganun katalino,pero nagsikap lang ako maghanap paraan para hindi na ako maging janitor. At pangapat, maghanap sila extra income at kung ikakaganda buhay nila magibang bansa , bakit hindi,sasabihin mo edi wala ng magsasaka sa bansa? Malay mo ayun mgging dahilan para hindi na dayain ang mga magsasaka,✌️ oo sana gumanda ang ekonomiya ng bansa , pero unahin nila sarili nilang kapakanan. Hindi nyo pala naranasan ang pagiging mahirap, kapag nagreklamo ang mga mahihirap, sa huli sila ang kawawa kaya gumawa ng paraan. Ikaw mayaman ka na simula dati kaya nasasabi mo yan, wala ka exp kaya naaawa ako kapag yung mga mahihirap ay  nagrereklamo arawaraw at naasa lang sa gobyerno kasi tinatawanan lang sila nyan, ayoko maapakan sila kasi nangyari na sakin yun. Oo, paglaban mo ang tama, at mag reklamo pero wag puro welga, need din dumiskarte dahil lantaran na ang kagaguhan ng gobyerno at hindi na sila nahihiya

Tsong, naging mangingisda at nagtatanin na ako nung bata ako, nag factory worker din ako, nag janitor din ako, kaya alam ko pinagdaanan ng mga yan, ikaw hindi, naranasan kuna rin mag rally araw araw para umangat buhay namin, wala kami napala, sbrang tagal na nun pero wala kami napala. Kaya wag mo ssbhn nakapagbitcoin lang ako, naging ganto na ako. Ikaw, lumake sa pera ng magulang, ako, nagsikap para may pagkain araw araw. Sinasabi ko bulok na ang sistema noon pa man, hindi pa ba sila nadadala sa araw araw pagrereklamo, gumawa sila ng ibang paraan brader, ayun ang gusto ko iparating. Okay lang sana kung knti taon pa lang na ganun sistema eh, kaso mapa dilaw o pula, duterte, marcos , o aquino, ganun pa rin, kaya sana maisip mo na kesa sayangin nila oras nila sa pagrereklamo ng walang napapala, humanap sila iba paraan. Uulitin ko para tumatak sa kokote mo, PEDE MAGREKLAMO, KASO GUMAWA RIN SILA IBA PARAAN KASI BULOK NA SISTEMA NG BANSA NOON PA MAN, WALA NG PAGBABAGO

 

 

Nice sir, hindi lahat ng context ko sinama mo para matawag ako matapobre 😂.  Lugmok na nga sila  dahil sa inflation, gusto mo pa na wag sila humanap ng ibang paraan.
FYI, nagtatanim ako niyog, mais at palay , nasakay ako sa kalabaw para magararo ng palay, at nangingisda ako nun sa ilog dati nung bata ako sa bicol. Sa bundok kami nakatira, kaya ginawa ko yun inspirasyon na makaluwas ng maynila dahil sa pagod at hirap. Saka anung matapobre dun, sinasabi ko, gumawa sila iba paraan, yung mindset mo yung binabatikos ko, hindi yung mga magsasaka. Saka puro ka bitcoin eh kakasabi ko lang na marami ibang paraan para umasenso.

Saka wala ako sinabi tamad mga magsasaka, sabi ko lang, maghanap sila iba paraan kasi nga wala kwenta gobyerno, 20 years ganun pa rin, sa palagay mo ba, maganda yun?. Oo kawawa sila, dahil sa inflation o mga imported goods ang tinatangkilik ng gobyerno, kaso, wala eh, tanda ko 2012, ganun na ang reklamo kaso wala pa rin pake gobyerno, habang nagrereklamo sana sila, gumawa sila iba paraan. 

Kahit anu pa rally nila na yan, hindi papakinggan ng gobyerno yan kapag walang sikat o maimpluwenya ang magsasalita, kami dati binabasura lang pinaglalaban namin na ayusin nila pamamalakad nila para sa mga factory worker at janitor na tulad namin, kaya naisip ko magsikap na lang sa sarili at wag na aasa sa gobyerno. Kapag mindset mo puro gobyerno, wala ka mapapala kasi 12 years ago ganun na yun.

Iniiyak mo yang pagfillout sa BIR, langya sir, kung ayun lang pala problema mo, edi dumapa ka na sa harap ng malacañang ✌️.joke lang sir , mahirap nga yun. haha. Pero given na yang buwis eh, maski ako badtrip jan sa tax , kaso ilan taon na  nagrereklamo, anu nangyari, tumaas pa bayad sa philhealth, nagka train law nga, kaso tumaas naman bilihin. Wala na talaga mapapalasa gobyerno natin, pero oo, sana talaga MAIBAGO pa, para sa atin din naman yun na wala sa gobyerno, kaso mangyayari jan, hihina kita ng mga politiko kaya malabo magbago yan. Yang mga korporasyon at gobyerno na yan, halos lahat yan makakasrili at wala pake sa tao kaya sana nagets mo point ko na magsikap din ang mga mahihirap, wag puro reklamo, pede magreklamo basta humanap ka rin ng ibang paraan para maging okay buhay.

Oo, ikaw gusto mo gumanda bansa natin, agree ako jan pero malabo mangyari na yan. Ang point ko, sana  humanap ng ibang diskarte ang mga tao kapag apektado sila ng gobyerno, kasi kung aasa lang sila dun, hindi gaganda buhay nila.

Saka buong mundo, danas ang inflation, hindi lang pinas, saka etong milyones ko, iniinvest ko lang sa lupain habang mura pa ngayon at ibang assets, need mo lang iperceive pinagkaiba ng assets at liability. Pero out of topic na ako kasi lagi mo snsabi niyayabang ko milyones ko eh ineexplain ko lang na need lang nila gawa paraan na iba. Ako nga na laki sa bundok nakaya ko, kaya rin ng kababayan natin yan na mga middle class o mahihirap 😂. Ang mindset mo kasi  poor stays poor, rich gets richer. Sorry brad, pero mali yan, lalo na hindi ka galing sa hirap. Sinasabi mo ironic galing ako sa hirap pero ganto ako magisip?, Wag mo kasi maliitin mga mahihirap, kaya rin nila dumiskarte, masyado mo maliitin mga mhihirap kala mo naman wala sila utak.

SORRY SIR. Sobrang haba, 2 beses lang ako pede magreply per day, tinitipid ko reply, eto po reply ko sa 2 reply nyo hehe.

Link to comment
22 hours ago, Chiananicole said:

Araw araw ako nanunuod ng farming sa ibang bansa,napapa wow 😱ako! alam nyo bakit?? dahil mga tao sa ibang bansa ma diskarte masipag matyaga HinDi umasa sa goverment nila para gaganda farming nila,.  

 

Ako yung tao mahilig din mg google para mymatutunan.nakikita ko talaga sa ibang bansa mga farmers dun maganda dahil sa mykanya kanya diskarte sipag at tyaga mga tao dun. Mga philipino tamad din kasi puro Reklamo about sa buhay puro asa sa goverment walang sipag at tyaga. 

Farming in other countries is not comparable sa Philippines. For your info subsidised ng government ang farmers ng ibang bansa. Dito hindi. Pag sinabing subsidised yung inputs nila may price support ng government kaya mas mura nila nabibili. Ang end nun is they can also sell it cheaper sa market.
 

Di naman kami puro reklamo. Maabilidad din kami kaya lagi may locally sourced food sa table nyo aside sa imported. Maingay at ma reklamo kami dahil kulang nga sa support. Ito isang situation para maintindihan nyo. Ang investment sa agriculture whether sa plants or livestock ay hindi biro. Paano ka mag invest halimbawa ng P500M sa isang agriculture project kung after 5 years paalisin ka sa lugar mo kasi tinabihan ka ng subdivision ni Villar🐷🐮🐣🐔

Link to comment
4 hours ago, IamGrumpy said:

Farming in other countries is not comparable sa Philippines. For your info subsidised ng government ang farmers ng ibang bansa. Dito hindi. Pag sinabing subsidised yung inputs nila may price support ng government kaya mas mura nila nabibili. Ang end nun is they can also sell it cheaper sa market.
 

Di naman kami puro reklamo. Maabilidad din kami kaya lagi may locally sourced food sa table nyo aside sa imported. Maingay at ma reklamo kami dahil kulang nga sa support. Ito isang situation para maintindihan nyo. Ang investment sa agriculture whether sa plants or livestock ay hindi biro. Paano ka mag invest halimbawa ng P500M sa isang agriculture project kung after 5 years paalisin ka sa lugar mo kasi tinabihan ka ng subdivision ni Villar🐷🐮🐣🐔

Ok.

Subukan nyo ang pagiging presidenteng trabaho para matugunan nyo mga pangangailangan ng mga tao at mababago nyo kalakaran ng atin govirno!.para matugunan nyo mga pangangailangan ng mga tao pinaglaban nyo at simpre mawala ang  sama ng luob nyo sa governo!.) 

Sorry ako yung tao ayaw ko paulit ulit issue,!at ayaw ko yung puro Reklamo!at lalung ayaw ko sa tao puro salita walang ginawa!)gusto nyo pala gaganda ang philippines sa paraan umunlad .kayo mismo tumakbo ng presidente para tapus problema nyo at problema ng mga tao.!)

Edited by Chiananicole
Link to comment

Wgkayo mg-alala dahil pg ako magiging presidente! walang mghihirap!dahil alam ko ang salitang mahirap dahil laki ako subrang hirap! Lahat hinaing nyo bibigay ko basta kikita ang atin govirno para sa panghahud sa mga trabahanty ng atin govirno.jokes lang. Wgmasyado ma stress pgdating sa kalakaran ng govirno!tatanda at mamatay tayo maaga nyan sayang future.

Edited by Chiananicole
Link to comment

Basta ako,wala ako Reklamo about Du30  dahil nakita ko mga nawaga nya mabuti para sa philipino.hindi man nya na perfect importante mynapakita at nagawa sya' kahit papano.kaya Du30 salamat sayo'.

 

 

Pgdating kay marcos masyado maagapa para mg judge ako sa mga nagawa nya.kailangan ko muna tapusin yung 6 years nya before ako mg judge na mali ako ng binuto.

 

 

 

Well marcos parang awamuna wagmo sayangin ang pgbuto ng mga tao sayo' dahil hindi kami lahat bayad para butuhin ka ,kayaka namin binuto dahil gusto namin patunayan mo kakayahan mo para sa mamayan tao at para sa philippines nilakihan mo.wgmo sayangin mga tao ngtiwala sayo'.good lock sayo' marcos sana mabasa mo nga Reklamo ng mga tao at pahalagahan mo para sa ikakabuti ng bawat pilipino.

Edited by Chiananicole
Link to comment
4 hours ago, nzxt88 said:

Haha, ang labo naman, sinabi ko pede magreklamo, pero wag lang ayun gawin nila kasi naranasan kuna yan na puro reklamo lang ako wala ako napala, gumawa ako paraan para umasenso. Una, hindi selfish yung gusto mo magsikap o humanap ng IBANG DISKARTE mga kapwa mo, kung gusto mo sila umasa lang sa gobyerno,  wala sila mapapala, baka 60 years old na sila ganun pa rin sistema, anu napala nila? WALA

Malinaw naman po ang mensahe ni Sir Edmund. Hindi po lahat ng tao ay pare-pareho ang oportunidad para mag-grow at umunlad. Hindi sa lahat ng pagkakataon e applicable po ang mga suhestiyon niyo dahil iba-iba nga tayo ng realities sa buhay.

Isang hahlimbawa lang po ito ha.. Meron mga kapatid tayong magsasaka diyan na may ari ng ekta-ektaryang lupain, na kahit anong sipag nila sa pagtatanim e kinakapos pa rin talaga, na madalas ay nate-take advantage pa nga ng mga malalaking tao/kumpanya, sa bandang huli e "break even" lang sila. Minsan umaabot din sa punto na kakapit sila sa patalim at no choice na na ibenta nila ang kanilang lupain, pero dahil hindi nga sila nabibigyan ng oportunidad, e mabilis din naglaho ang perang nakuha nila. Sa uulitin, isang instance pa lang po ito. isang perspektibo pa lang.

Again, hindi po tayo lahat ay nabibigyan ng chance kahit na sobrang hard working at deserving pa natin. Since galing po kayo sa hirap, sa linyahan po ng inyong mga salita e parang ini-invalidate niyo naman yung mishaps at suffering ng mga kapatid nating mahihirap, na mismong pinanggalingan at naranasan mo rin po.

 

4 hours ago, nzxt88 said:

 

pangalawa, hindi ko kinukunsinte mga kupal sa gobyerno, sinasabi ko, kahit anu reklamo nila, wala sila mapapala, isa ako dati na lagi nag rarally, wala naman ako napala jan, tama ang point of view nila kaso in the end, sayang lang oras namin, against din ako sa gobyerno pero magfocus na lang sila kung pano aasenso at wag puro welga.

Para on topic po tayo.. Napatalsik kaya ang rehimeng Marcos kung hindi nagtulong tulong ang mga Pilipino noon? Kung walang pupuna sa kakulangan at kamalian ng gobyerno, sa tingin niyo po ba e makakamit natin tong kalayaan na meron tayo ngayon? Magpasalamat tayo sa mga kapatid natin na piniling lumaban at marinig ang boses ng mga totoong naghihirap. Walang nasayang na oras at pagkakataon doon, Sir. SIguro hindi mo talaga ninamnam ang mga pinaglalaban niyo noon, o baka naman di ka talaga naghihirap at nakikiride ka lang? Itong second point mo Sir e in'invalidate mo nanaman ang mga kapatid nating mahihirap na mismo nag take part ka, one point in time, sa ganitong gawain.

 

4 hours ago, nzxt88 said:

Pangatlo, hindi lang bitcoin sinasabi ko, pede sila mag hanap ibang paraan panu dumiskarte, pero kung pagsasaka lang talaga alam nila, wala na ako magagawa dun, pero hindi naman siguro ganun ka walang alam mga magsasaka kasi ako nga hindi ganun katalino,pero nagsikap lang ako maghanap paraan para hindi na ako maging janitor. 

Again, hindi lahat tayo nabibigyan ng oportunidad at iba-iba nga po tayo ng riyalidad sa buhay. Good for you at nakalusot ka sa sitwasyon mo. Sa'yo na rin mismo nanggaling, "pano kung pagsasaka lang talaga alam nila". Nandun na yung thought sa isip mo Sir e, palawakin mo na lang pagkakaintindi mo. Build some compassion naman din po.

 

5 hours ago, nzxt88 said:

 

At pangapat, maghanap sila extra income at kung ikakaganda buhay nila magibang bansa , bakit hindi,sasabihin mo edi wala ng magsasaka sa bansa? Malay mo ayun mgging dahilan para hindi na dayain ang mga magsasaka,✌️ oo sana gumanda ang ekonomiya ng bansa , pero unahin nila sarili nilang kapakanan. Hindi nyo pala naranasan ang pagiging mahirap, kapag nagreklamo ang mga mahihirap, sa huli sila ang kawawa kaya gumawa ng paraan. Ikaw mayaman ka na simula dati kaya nasasabi mo yan, wala ka exp kaya naaawa ako kapag yung mga mahihirap ay  nagrereklamo arawaraw at naasa lang sa gobyerno kasi tinatawanan lang sila nyan, ayoko maapakan sila kasi nangyari na sakin yun. Oo, paglaban mo ang tama, at mag reklamo pero wag puro welga, need din dumiskarte dahil lantaran na ang kagaguhan ng gobyerno at hindi na sila nahihiya

Yan na nga po yung iniiwasan nating mangyari! Naging branding na lang na "Heroes" ang mga kapatid nating OFW, pero sa totoo lang po, at nasa kasaysayan na ito, na dahil sa kahirapan ng buhay na dulot ng rehimeng Marcos, e napilitan na magtrabaho ng mga Pilipino sa ibang bansa, na ramdam na ramdam pa rin hanggang sa kasalukuyan. Pinabango na lang talaga ang kalagayan ng mga migrant workers pero hindi natin maikakaila ang katotohanan na isa to sa mga patunay na lugmok pa rin ang Pilipinas.

Bakit mo po kailangan sabihin 'to? "Ikaw mayaman ka na simula dati kaya nasasabi mo yan".. Pareho lang naman tayo ng pasaring at hinding hindi tayo uusad as a country hangga't ganito ang estado ng bansa natin dahil sa mga pulpolitiko. Kung maayos ang governance, mas maraming oportunidad ang magbubukas.

Last sentiment ko na lang po sa inyo, Sir. Bawasan po natin ang pagiging mapagmataas sa sarili. Borderline selfish po ang mga linyahan niyo hehe. Naramdaman ko naman po sa inyo yung kagustuhan na matulungan ang mga kapatid nating mahihirap, pero sana po yung mga personal victories niyo ngayon ay hindi maging dahilan para magkaron ng disparage ang past experiences niyo sa buhay.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...