Jump to content

Who, What Made you SAD today???


Recommended Posts

Since i think ikaw yun nakatatanda sa inyong magkakapatid, you should ask your parents to sit down and talk. Ano ba yun kakulangan ng bawat isa? Kaya bang tanggapin or gawaan ng compromise? Kung di na they should accept their reality and move on para wala na nasasaktan. I know its easy to say but hard to do. My unsolicited advise.

 

My parents.

Matagal na talagang dumadaing yung mom ko about my father having an affair. Pero I always refuse to listen to her. Lagi kong sinasabi na kaya nga ako nagsarili at nagpakalayo layo sa kanila para hindi na ko na sstress makita at marinig yung mga away at drama nila sa buhay tapos ichachat or call niya ko para magkwento about it. -_- at may sarili din akong problems to solve. (adulting feels)

I know it sounds selfish. Minsan naman narerealize ko din na hindi sapat yung financial support lang na binibigay ko, na I know they need something more na hindi kayang tumbasan ng pera at yun ay ang pakikinig sa problema nila.

Today, 3days na daw hindi umuuwi yung mom ko (pero nagchachat naman) due to sama ng loob sa ginagawa ng tatay ko. But still, hindi pa din ako nagrereply sa chats nila sakin. Naiiyak ako kasi napakaselfish kong tao. Na bakit parang ayoko ma involve sa problema nila e kung tutuusin anak naman nila ko. Pinsan ko lang yung nagbalita na galing sa kanila yung kapatid kong 8yrs old at lola ko dahil hinahanap si mama.

Malaki na ako para magpa-apekto. Naisip ko pa nga na wala akong pake kung maghiwalay sila kasi kaya ko na sarili ko. Pero naalala ko may mga kapatid nga pala akong kailangan pa rin sila. Kuya kong special child, kapatid kong 8yrs old at yung bunso na 2yrs old pa lang. Paano nalang yung mga yun pag naghiwalay sila diba?

Hays. Until now di ko alam anong gagawin ko. Naiinis ako kasi wala rin naman akong magagawa. -_- Bata pa ako ganyan na sila kaya ako lumaking di naniniwala sa love. Pero sana wag matulad sakin yung mga kapatid ko. :'(

Edited by Firestick
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...