masterkamote Posted January 6, 2018 Share Posted January 6, 2018 question i have unpaid globe postpaid before wayback 2013 .1,800/month with iphone 5s di ko sya nabayaran kasi nagabroad ako.2years contract ko sa globe 6months ko lang ata nbayaran. blocked listed na ko for sure. makakasuhan ba ko sa ganito? nakabalik nako sa pinas and balak ko kumuha uli ng postpaid ano po ba best thing to do? thanks Quote Link to comment
rocco69 Posted January 7, 2018 Share Posted January 7, 2018 (edited) ask ko lang may certain amount ba para makasuhan ng BP22? let say 2,500 - 10,000 per cheque pero madami inissue like 10pcs. in total. ? pls. enlighted me thank you in advance.wala. kahit magkano ang halaga ng cheke, basta tumalbog, pwede nang maghabla sa korte. ang kaparusahan sa talbog na cheke ay pagkakulong ng hindi bababa sa 30 araw, hanggang isang taon; o di-kaya'y multa sa halagang hindi bababa sa halaga ng tumalbog na cheke, hanggang doble ng halaga nito (pero di lalampas ng P200T); o parehong kulong at multa, depende sa kagustuhan ng hukom. Ang patakaran ngayon ay kung unang beses pa lang na nahatulan ang nag-issue ng cheke sa paglabag ng BP22, multa lang dapat ang kaparusahan na ipapataw sa kanya.KUNG KAYA'T ANG GINAGAWA NGAYON NG MGA ABUGADO AY HAHATIIN ANG KASO. Magsasampa ng kaso para sa isang cheke lang muna. Pag nahatulan na ang akusado (kung saan multa lang ang ipinapataw na kaparusahan), magsasampa ulit ng panibagong kaso para sa sumunod na mga cheke. Dahil dati nang na-convict ang nag-issue, MAKUKULONG na siya sa sunod na paghatol sa kanya (hindi na rin siya qualified na mag-apply para sa probation [kung saan hindi ka makukulong, at magrereport ka lang buwan-buwan sa probation officer] dahil ex-con siya). Ito ang panggigipit na ginagawa para mapilitan magbayad yung nag-issue ng cheke. Magbayad ka nung halaga ng cheke, at kung hindi, ay kulong ka! Edited January 7, 2018 by rocco69 Quote Link to comment
rocco69 Posted January 7, 2018 Share Posted January 7, 2018 question i have unpaid globe postpaid before wayback 2013 .1,800/month with iphone 5s di ko sya nabayaran kasi nagabroad ako.2years contract ko sa globe 6months ko lang ata nbayaran. blocked listed na ko for sure. makakasuhan ba ko sa ganito? nakabalik nako sa pinas and balak ko kumuha uli ng postpaid ano po ba best thing to do? thankssigurado ngang blacklisted ka na. May database ang mga kumpanya ng mga taong hindi nagbayad ng kanilang mga utang. Mas malamang sa hindi, nakalista ka run. Dahil dito, kung mag-aapply ka ng post-paid at lumabas na may outstanding utang ka, hindi ka papayagang makakuha hangga't di mo nalilinis ang utang na yun (sa pamamagitan ng pagbayad ng utang na ito [plus accumulated penalty and interest]). Yun nga lang, hindi natin malalaman kung nakalista ka nga sa mga blacklisted hangga't hindi ka nag-aaplay. Subukan mo munang kumuha ng postpaid. Kung lumabas na may record ka, dun mo linisin. Kung hindi naman lumabas , AYOS! 1 Quote Link to comment
masterkamote Posted January 8, 2018 Share Posted January 8, 2018 salamat sir sa info. if yung scenario nga na binigay nyo e first cheque muna, then magfile uli ng case from the other bounce cheque. what if inacknowledge mo na yung lahat ng tumalbog na cheke mo sa korte and promise to settle all, khit na isang cheke lang ang isinampa sayo. possible ba na pumayag yung judge na pabayaran na yung lahat ng chekeng tumalbog kahit na isang cheke lang ang finile sayo to prevent yung filing ng case on the second bounce cheque? wala. kahit magkano ang halaga ng cheke, basta tumalbog, pwede nang maghabla sa korte. ang kaparusahan sa talbog na cheke ay pagkakulong ng hindi bababa sa 30 araw, hanggang isang taon; o di-kaya'y multa sa halagang hindi bababa sa halaga ng tumalbog na cheke, hanggang doble ng halaga nito (pero di lalampas ng P200T); o parehong kulong at multa, depende sa kagustuhan ng hukom. Ang patakaran ngayon ay kung unang beses pa lang na nahatulan ang nag-issue ng cheke sa paglabag ng BP22, multa lang dapat ang kaparusahan na ipapataw sa kanya.KUNG KAYA'T ANG GINAGAWA NGAYON NG MGA ABUGADO AY HAHATIIN ANG KASO. Magsasampa ng kaso para sa isang cheke lang muna. Pag nahatulan na ang akusado (kung saan multa lang ang ipinapataw na kaparusahan), magsasampa ulit ng panibagong kaso para sa sumunod na mga cheke. Dahil dati nang na-convict ang nag-issue, MAKUKULONG na siya sa sunod na paghatol sa kanya (hindi na rin siya qualified na mag-apply para sa probation [kung saan hindi ka makukulong, at magrereport ka lang buwan-buwan sa probation officer] dahil ex-con siya). Ito ang panggigipit na ginagawa para mapilitan magbayad yung nag-issue ng cheke. Magbayad ka nung halaga ng cheke, at kung hindi, ay kulong ka! Quote Link to comment
rocco69 Posted January 12, 2018 Share Posted January 12, 2018 salamat sir sa info. if yung scenario nga na binigay nyo e first cheque muna, then magfile uli ng case from the other bounce cheque. what if inacknowledge mo na yung lahat ng tumalbog na cheke mo sa korte and promise to settle all, khit na isang cheke lang ang isinampa sayo. possible ba na pumayag yung judge na pabayaran na yung lahat ng chekeng tumalbog kahit na isang cheke lang ang finile sayo to prevent yung filing ng case on the second bounce cheque? walang pakialam si Judge kung ilan ang babayaran mo. So long as pumayag yung kabila na magpa-areglo, ididismiss na ni Judge yung kaso. Kalimitan nga, ang gusto ng judge, basta mabayaran yung chekeng inihahabla, ididismiss na niya yung kaso, kahit may iba pang cheke na talbog, dahil hindi nga naman yun ibang check covered nung kaso na nakasampa sa kanyang sala. Quote Link to comment
good girl Posted January 12, 2018 Share Posted January 12, 2018 May utang po ako sa AVON Three Thousand(3,000)tapos dahil hndi ko nabayaran kaagad,umabot na ng 70 thousand dahil sa tubo..Ngayon txt cla ng txt sa akn na magpa file cla ng case laban sa akin.Mag reflect po ba yon sa NBI CLEARANCE ko if sakaling mag file cla ng case against me?tama po ba yong ginawa nilang ang 3thousand kng utang sa kanila ay naging 70K na?parang Hindi po yata patas yon. Sana po matulungan nyo ako.. Quote Link to comment
cocoy0 Posted January 13, 2018 Share Posted January 13, 2018 Bakit lumobo nang ganun? Ilang taon mo na itong utang? Quote Link to comment
rocco69 Posted January 13, 2018 Share Posted January 13, 2018 May utang po ako sa AVON Three Thousand(3,000)tapos dahil hndi ko nabayaran kaagad,umabot na ng 70 thousand dahil sa tubo..Ngayon txt cla ng txt sa akn na magpa file cla ng case laban sa akin.Mag reflect po ba yon sa NBI CLEARANCE ko if sakaling mag file cla ng case against me?tama po ba yong ginawa nilang ang 3thousand kng utang sa kanila ay naging 70K na?parang Hindi po yata patas yon. Sana po matulungan nyo ako..1. Mag reflect po ba yon sa NBI CLEARANCE ko if sakaling mag file cla ng case against me? Hindi. Ang utang ay hindi criminal case (at walang nakukulong dahil sa utang, see Section 20, Article III, Constitution). kasong kriminal lang ang lumalabas sa NBI Clearance. 2. tama po ba yong ginawa nilang ang 3thousand kng utang sa kanila ay naging 70K na? Baka naman kasi ilang taon na ang lumipas kaya lumobo na ng todo. Alalahanin mo lang na, ayon sa Kataas-taasang Hukuman, ang interes na 3% per month ay hindi katanggap-tanggap at hindi maaring ipatupad sa pamamagitan ng kapangyarihan ng hukuman. Sa madaling salita, hindi ito maaaring idaan sa hablaan sa hukuman. Kung lampas 3% per month (katumbas ng 36% per annum) ang penalty charge ng Avon, hinid nila ito mae-enforce sa pamamagitan ng habla. Pero kung mas mababa sa 3% per month ang penalty, at dahil sa katagalan ay umabot na sa P70T, ito ay nasa katwiran. Quote Link to comment
good girl Posted January 13, 2018 Share Posted January 13, 2018 Kasi daw po ang araw2 nila pina-iinteresan at ska ipapatong nila sa Mother.tapos po ini-add nila ang mother at interest ,ang total po nun ay mag interest na nman.I mean tong2 patong po.2% per day daw po.na shock nga po ako eh.nagbabayad nman po ako.pero ganun nga po,parang nkakalitong isipin na ganun kalaki babayaran mo sa 3Thou.lng nag-umpisa at magiging 70K Quote Link to comment
rocco69 Posted January 14, 2018 Share Posted January 14, 2018 Kasi daw po ang araw2 nila pina-iinteresan at ska ipapatong nila sa Mother.tapos po ini-add nila ang mother at interest ,ang total po nun ay mag interest na nman.I mean tong2 patong po.2% per day daw po.na shock nga po ako eh.nagbabayad nman po ako.pero ganun nga po,parang nkakalitong isipin na ganun kalaki babayaran mo sa 3Thou.lng nag-umpisa at magiging 70KAng 2% per day ay hindi katanggap tanggap na penalty. Yung compounded, OK lang yun, pero dapat ay katamtaman lang ang interes. dahil di katanggap-tanggap ang interes, hindi nila ito mae-enforce sa hukuman. Sabihan mo na maghabla na lang sila. Pagdating niyan sa korte, baka yung 3 libo lng ang makolekta nila. Alalahanin mo rin na WALANG NAKUKULONG SA UTANG! AT DI NILA ITO MAILALAGAY SA NBI RECORD MO (ang utang ay di kasama sa pinapalista sa NBI record) Quote Link to comment
good girl Posted January 14, 2018 Share Posted January 14, 2018 Salamat po at medyo gumaan po pkiramdam ko.Ksi Hindi na po ako mapalagay ksi txt cla ng txt sa akin na ihahabla daw nila ako.Para po bang nananakot cla ng Tao,at dahil daw po dun di daw ako makakapag apply ng trabaho dahil masisira daw pangalan ko.para po bang pangba block mail gnagawa nila Quote Link to comment
charliehouse Posted January 15, 2018 Share Posted January 15, 2018 Tanong: Is the consent of the spouse necessary for the validity of an agreement for payment for the breach of personal obligation? To illustrate po ganito po nangyari: Yung tito ko ay kinontrata ng isang asawa para gumawa ng isang construction work sa kanilang bahay. Ngayon di ginawa ni tito. Pinadalhan siya ng demand letter. Ngayon to make the story short, Gumawa ng compromise agreement ang dalawa stating na instead na isusoli lahat ang downpayment eh 3/4 na lang ang isusoli ni tito. Nagsoli na si tito sa 3/4. Notarize na ang agreement. Tanong po, valid po ba ang agreement considering po na hindi pumirma ang wife ni tito at husband nung nagpagawa ng construction works? Quote Link to comment
p4tr1ck Posted January 19, 2018 Share Posted January 19, 2018 mga boss ask konlang ooinyon nyo, bale may klasmate ako na memeber sa lending grouo na nag offer sa akin casino financing sa okada 7% daw tubo kada buwan.. although may kontrata.. im sensing isa itong ponzi scheme..where nagkokolecta ng pera.. pangbayad sa mga nauna na.. in case takbuhan ako, anu aksyon ang pwede kong gawin sa kanila? pwede ba sila makasuhan ng estafa Quote Link to comment
rocco69 Posted January 20, 2018 Share Posted January 20, 2018 (edited) mga boss ask konlang ooinyon nyo, bale may klasmate ako na memeber sa lending grouo na nag offer sa akin casino financing sa okada 7% daw tubo kada buwan.. although may kontrata.. im sensing isa itong ponzi scheme..where nagkokolecta ng pera.. pangbayad sa mga nauna na.. in case takbuhan ako, anu aksyon ang pwede kong gawin sa kanila? pwede ba sila makasuhan ng estafapwede ba sila makasuhan ng estafa?If it is a Ponzi scheme, yes. see http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/1998/sep1998/106357.htm Edited January 20, 2018 by rocco69 Quote Link to comment
Moneymaker69 Posted January 20, 2018 Share Posted January 20, 2018 From what I know hindi ka naman makukulong pero mablablack list ka sa lahat ng bangko. Hindi ka na makakautang and mahihirapan ka magapply ng mga telephone, cable, etc. Hindi kakakaping rin sa NBI, at huli ang yung hassle. Payo ko ay ayusin mo na sa bank para malinis ang pangalan. my two cents lang. Quote Link to comment
Recommended Posts
Join the conversation
You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.