Jump to content

Pacquiao-Mayweather: “It’s going to happen”


grayle

Recommended Posts

Don King, perhaps the best promoter in the history of boxing, said it is already a done deal.

Both camps are keeping mum about it since both fighters still have one prior fight to prepare for.

All that will be said and done from the new year on out is all theatrics and hype buildup.

Barring freak injuries and "upsets" in their upcoming respective tune-up fights, PAQ v.s. FLYD is a go :)

Link to comment
  • 4 weeks later...
  • 2 weeks later...

Tingin ko di lang naman kasalanan ni Mayweather lagi kung bakit di matuloy tuloy laban. SI Floyd kasi, he is his own boss. Alam naman ng lahat na sya ang may hatak ng PPV revenues kaya alam nya na may karapatan sya magimpose. Isa pa, Mahirap din kasi magkasundo ang GBP/Showtime sa kampo ni Bob Arum ng Top Rank. Lahat ng mga lumaban kay Floyd so far, hindi nagkaroon ng problemang ganito. Kahit naman si Marquez di ba? iniwan nya golden boy at pumirma sa top rank para malabanan ulit si Pacquiao.

 

Alam ko madami maasar sakin dito. Ang sakin opinyon lang naman. Tingin ko di mananalo si Pacquiao kay Floyd. Kita naman hirap na hirap sya sa mga counterpunchers. Kay Marquez nga lang hirap na hirap sya. Mahirap na siguro baguhin style ni Pacquiao. Pagdating ng laban, gagamitin nya lang kung ano ang nakasanayan nya. Tsaka ewan ko lang, di naman ako boxing expert pero tila on the decline na din si Pacquiao, samantalang si Mayweather natatalo pa ang mga mas bata sa kanya.

 

Wala naman ako problema kay Pacquiao, siguro objective lang ako. Tsaka ayoko kasing pinupusta buong pagkapilipino ko sa larong boxing. Sports lang naman yan kung tutuusin. Di naman maiaangat ekonomiya ng pilipinas pag natalo ni Pacquiao si Floyd.... Kung matatalo nga.

 

Sa totoo lang kasi, tama yung isang nagsabi na tayong mga pilipino, hindi naman talaga tayo mga totoong boxing fans. Pacquiao fans lang tayo. Ni hindi naman tayo nanonood ng boxing pag di si Pacquiao o Donaire lumalaban

  • Like (+1) 1
Link to comment
  • 2 months later...

Mga Parekoy,

 

Alam ko madali kainisan si Money kasi mabunganga, mayabang, at sya lagi ang kontrabida. Bukod pa dun, maraming dahilan kung bakit gusto natin Manalo si Manny. Syempre sya yung poster boy natin eh. Sya yung mabait, humble at bayani.

 

Pero maging objective na lang sana tayo.

 

Yung laban ni Mayweather kay Maidana, pareho lang halos nung laban nya kay Hatton. Nung mga unang rounds, dehado at hirap din sya dahil sa pressure. Pero kinalaunan nakaadjust din naman at tinalo pa din yung kalaban. Andun pa din yung reflexes nya, at husay sa depensa. Sa madaling salita still the one to beat.

 

Hindi sa wala akong pagsuporta sa kababayan natin. Pero kung tagisan lang kasi ng galing natin pagbabasehan lahat, kung aalisin lang natin kasi yung bida vs kontrabida factor, kung hindi lang natin isinasabit ang pagiging pilipino kay pacquiao, mas madaling makikita na hindi mananalo si manny. Alam natin ang weakness ni Manny. Hirap talaga sya sa mga precission boxers at counterpunchers. Bukod pa dun, talagang magaling ang depensa ni Money. Mahirap tamaan. Tanadaan natin styles make fights

 

Pero magandang laban pa din ito na makita. Hindi lang naman kampo ni Mayweather may kasalanan dito. Tingin ko maitsapwera lang sa usapan si Bob Arum, matutuloy ito

Link to comment

^Best technical boxer nga db... da best sa takbuhan...

 

sa iyo na rin nanggaling na style make fights... pano mo lalabanan ang taong takbo ng takbo sa ring... lol

 

tama ka pre... sabohin mo nga kay dingdong na kame na lang dalawa mag boxing.. papatulugin ko yan eh...

Link to comment

^Best technical boxer nga db... da best sa takbuhan...

 

sa iyo na rin nanggaling na style make fights... pano mo lalabanan ang taong takbo ng takbo sa ring... lol

 

 

tama ka pre... sabohin mo nga kay dingdong na kame na lang dalawa mag boxing.. papatulugin ko yan eh...

 

O walang pikunan mga Parekoy,

 

Una sa lahat ang boxing, hindi lang yan puro power and aggression, kelangan din dyan ng tactical finesse. At dun magaling si Floyd. Sayo pagtakbo yun, pero sa mga talagang inaaral ang technicalities ng larong ito, kahit sa mga nanonood lang ng laban, maapreciate talaga yung tinatawag na "ringmanship". Akala kasi natin ang boxing parang yung laban ni Rocky tsaka ni Ivan Drago, na basta suntok lang ng suntok at sugod lang ng sugod. Walang depe-depensa basta makasuntok lang. OO maganda sya panoorin, ang mga ganun pero kung ikaw yung nasa ring at gusto mo manalo, uutakan mo ng konti dapat kalaban mo. Dapat alam mo pano padaplisin ang mga suntok ng kalaban sayo, marunong ka mag counter, at gamitin footwork mo para maikutan kalaban mo at hanapan ng opening para mas matamaan mo ng maayos ng kalaban.

 

Ang p4p ranking ay base sa opinyon ng mga writers kung sino ang may style na tatalo sa lahat. Kung sinundan lang natin kasi career at mga laban ni Floyd, makikita natin na tinatalo nya naman lahat ng style. Inside-fighter, pressure-fighter, south-paw, volume puncher, counter puncher, slipsters, outside fighters etc. Samantalang ang pambato natin, alam na natin kung anong style ang tatalo sa kanya. Problema kasi sa karamihan ng pinoy, kahit mga sportscaster natin, nanonood lang naman ng boxing pag si Pacquiao o Donaire lang lumalaban.

 

Maging objective kasi tayo mga Parekoy, alam ko kung gaano kahalaga satin na laging manalo si Pacquiao, kasi nga naman yung panalo nya ang pinagmumulan halos ng magandang balita tungkol sa Pilipino. Pero sa huli, laro lang ito. Hindi naman natin dapat itaya ang lahat ng pagka Pilipino natin sa boxing. Isa pa, kahit nakakaasar angas ni Pretty boy, wala tayong magagawa kung talagang magaling sya. May respeto ako kay Pacquiao, pero kung tatangalin lang kasi saglit yung pinoy pride na yan, talagang makikita natin na hindi sya mananalo sa laban na ito

Link to comment

 

Ang p4p ranking ay base sa opinyon ng mga writers kung sino ang may style na tatalo sa lahat. Kung sinundan lang natin kasi career at mga laban ni Floyd, makikita natin na tinatalo nya naman lahat ng style. Inside-fighter, pressure-fighter, south-paw, volume puncher, counter puncher, slipsters, outside fighters etc. Samantalang ang pambato natin, alam na natin kung anong style ang tatalo sa kanya. Problema kasi sa karamihan ng pinoy, kahit mga sportscaster natin, nanonood lang naman ng boxing pag si Pacquiao o Donaire lang lumalaban.

 

 

adik kb ang P4P ay base sa nging performance mo sa mga nakaraang laban mo... anung style na tatalo sa lhat... lol

 

magtigil ka nga lahat na ng Boxing analyst d lng pinoy na nagsabi na ang lahat ng nilabanan ni Floydy after Dela Hoya ay piling pili...

 

clearly the last bout against Maidana was only a show not a boxing match...

Link to comment

adik kb ang P4P ay base sa nging performance mo sa mga nakaraang laban mo... anung style na tatalo sa lhat... lol

 

magtigil ka nga lahat na ng Boxing analyst d lng pinoy na nagsabi na ang lahat ng nilabanan ni Floydy after Dela Hoya ay piling pili...

 

clearly the last bout against Maidana was only a show not a boxing match...

 

Ikaw na din nagsabi, base sa performace. So ibig sabihin kasali dun yung skill set at style mo di ba? Bakit ba bumaba sa Ranking si Manny pagkatapos ng pangatlong sabak kay Marquez? Kasi naexpose yung tendon of achilles nya.

 

Marami ding analyst ang nagsasabi na marami sa mga ikinasa kay manny nung prime nya kundi laos na, puros tailor-made yung boxing style. Hatton, Cotto, Margarito, kahit pa si Mosley. Lahat sila ang style nila puro pasugod. Pero ano ba nangyari nung precision counter puncher ang nakalaban nya? Di ba tulog si Manny. At hangang ngayon marami satin ang gusto isipin na "lucky punch" lang yun.

 

Maidana tried to pressure floyd and was winning the earlier rounds. He was throwing more punches, but floyd was landing the cleaner ones. Eventually, using ringmanship, Floyd was able to adjust, ducking, and deflecting Maidanas powershot, to land his own counters, and circle around the ring. Yan ang tinatawag na finesse fighting.

 

Alam ko asar ka kay Mayweather at mahal nating lahat si Manny. Pero maging objective lang tayo, lets give credit where its due. Boxing lang naman yan Parekoy.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...