Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Filipino Habit That You Hate


Guest airmax

Recommended Posts

isang hindi magandang ugali  ng pinoy na drayber ay "pagsara" o pag-ipit  ng intersection  kapag mabagal ang daloy ng trapiko  :blink: ...  hindi pinagbibigyan ang kabilang intersection... yung tipong kung hindi ako, wala nang iba ang pwede!  minsan guilty ako dito, kaya iniiwsan ko hangga't maari  :(

 

This is where it becomes complicated. Kung minsan kung hindi mang bara, ikaw ang babarahin. Kung masyado kang mabait sa traffic, doblehin mo ang time it takes to get home. Catch-22 talaga. Ako I really hate erring drivers especially jeeps. Pero looking deep inside, kung minsan no choice ka na rin kasi eh. Pero siempre meron naman yung mga no-brainers na talaga, like insisting on pushing forward kahit red light na, ayun gridlock ang result. Bobo talaga.

Link to comment

Etong Isa.

 

Yung ilang pinoy dito, kahit tapos na kontrata di makauwi uwi. Baket? Masaydong bilmoko mga kamag-anak nila.

 

Kung minsan pinapabasa pa sakin sulat nial. Ayun ang galing kung ano ano ang hinihingi. Magpapabirthday lang kelangan pa sobrang engrande pa. Tapos ni hindi man lang kumustahin kalagayan ng kamag-anak nila na halos nagkakandakuba na sa pagtratrabaho dun. Alam nyo ba ang sinasabi sa kanila ng mga linta nilang kamag-anak? Huwag daw sila masyadong magastos. Eh samantalang sila sa pilipinas, wala namang ibang ginagawa kundi waldasin perang pinaghihirapan ng kamag-anak nila. Kahit nga mag-aral na lang ng maayos di magawa gawa. Pagbalik sa pinas ayun, nabuntis na yung anak na babae, napatrobol anak na lalake. At yung pera sanang pinapadala buwan buwan para maipaayos bahay nial, ginastos lang kung saan saan.

 

Tapos maghahanap ng side-line dito. Bakit? Para daw pag-umuwi merong panghanda sa buong barangay nila. This attitude makes me sick. Pinapakita lang talaga kung gaano kaoportunista iba satin. Kasi daw kapag hindi ka naghanda pag-balik mo wala ka daw pakisama. Eh bakit? Noon bang nagugutom ang pamilya mo me naitulong ba sila? Noon bang tagpi-tagpi pa bubong nyo binigyan ka ba nila kahit isang pako man lang? Leche! Naasar ako sa ganyang ugali ng pinoy. Tapos hindi lang yon, kinaumagahan pagkatapos ng handaan, maraming lalapit sayo na hindi lang kamag-anak mo. Kukunin kang ninong sa ganito, kukumbidahin ka sa inuman, at masama ikaw pa papagastusin. Pwera pa yun uutangin pa nila sayo pambili nila ng pagkain. Leche! Bakit hindi kaya sila maghanap ng trabahong matino para umasenso buhay nila, hindi yung umasa na lang sa biyayang natatangap ng kapwa nila. Tapos kapag hindi mo pinakisamahan ikaw pa palalabasing masama!.

 

Nung bumalik sa pilipinas si Angelo dela Cruz buong pampanga pinakain nila. Pero ano ngayon nangyari? Wala! Sana yung ginastos sa handaan ginamit na lang sa negosyo ng hinid nya na kailanganing bumalik ng Iraq

 

Its a common misconception people make about pinoys working abroad. Akala ng mga pinoy dyan sa pilipinas ang dali lang kitain ng pera abroad. Akala nila pinupulot lang ang pera dito. Akala nila nagpapasarap lang mga OFW dito komo mas me asenso ang bansang ito. OO di hamak na mas malaki nga kita dito pero pinaghihirapan naman yun. Lalo na ng mga kababayan nating nasa blue collar proffession. Isa pa ang mahal mahal kaya ng cost of living dito lalo na pag-taglamig. ang isang lingo ditong magagastos mo para sa pagkain lang, isat kalahating buwan na dyan sa pilipinas.

 

Hay! kaya kahit kelan pag-umuuwi ako hindi na ako nagpapasundo para wala ng makaalam, at ng walang mga taon di ko naman kaano ano na makapal ang mukha at hihingian pa ako ng pasalubong

Link to comment

Sobrang yabang! like for example pag fiesta, kahit walang pera mangungutang makapag handa lang. For what? to show off?

 

That's where pride comes in as well, ayaw nagmumukhang kawawa, hamut aminin na lang na wala kang pera at nagtitipid ka and there is nothing wrong with that

 

Ingetera at ingetero , side by side ng crab mentality. Kaya ka you're being pulled down, kasi naiingit, gusto siya lang ang bida.

 

Papansin, dito na lang sa MTC ang dami niyan e :D :P. Doing everything kahit makasakit ng kapwa para lang mapansin.

 

Colonial mentality malakas pa din sa atin kaya hindi tayo makausad usad as a country and as a people.

 

Tsismoso at tsismosa, that's why we are not that productive at work or at anything kasi mas inuuna ang pag usapan ang buhay ng may buhay than sa ikagaganda ng takbo ng buhay mo.

 

Actually ang dami kong ayaw sa pinoy na ugali after meeting different nationalities and wished that we are like that, if we could have been, maybe we are much competitive globally as a country.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...