Jump to content

Filipino Habit That You Hate


Guest airmax

Recommended Posts

Etong Isa.

 

Yung ilang pinoy dito, kahit tapos na kontrata di makauwi uwi. Baket? Masaydong bilmoko mga kamag-anak nila.

 

Kung minsan pinapabasa pa sakin sulat nial. Ayun ang galing kung ano ano ang hinihingi. Magpapabirthday lang kelangan pa sobrang engrande pa. Tapos ni hindi man lang kumustahin kalagayan ng kamag-anak nila na halos nagkakandakuba na sa pagtratrabaho dun. Alam nyo ba ang sinasabi sa kanila ng mga linta nilang kamag-anak? Huwag daw sila masyadong magastos. Eh samantalang sila sa pilipinas, wala namang ibang ginagawa kundi waldasin perang pinaghihirapan ng kamag-anak nila. Kahit nga mag-aral na lang ng maayos di magawa gawa. Pagbalik sa pinas ayun, nabuntis na yung anak na babae, napatrobol anak na lalake. At yung pera sanang pinapadala buwan buwan para maipaayos bahay nial, ginastos lang kung saan saan.

 

Tapos maghahanap ng side-line dito. Bakit? Para daw pag-umuwi merong panghanda sa buong barangay nila. This attitude makes me sick. Pinapakita lang talaga kung gaano kaoportunista iba satin. Kasi daw kapag hindi ka naghanda pag-balik mo wala ka daw pakisama. Eh bakit? Noon bang nagugutom ang pamilya mo me naitulong ba sila? Noon bang tagpi-tagpi pa bubong nyo binigyan ka ba nila kahit isang pako man lang? Leche! Naasar ako sa ganyang ugali ng pinoy. Tapos hindi lang yon, kinaumagahan pagkatapos ng handaan, maraming lalapit sayo na hindi lang kamag-anak mo. Kukunin kang ninong sa ganito, kukumbidahin ka sa inuman, at masama ikaw pa papagastusin. Pwera pa yun uutangin pa nila sayo pambili nila ng pagkain. Leche! Bakit hindi kaya sila maghanap ng trabahong matino para umasenso buhay nila, hindi yung umasa na lang sa biyayang natatangap ng kapwa nila. Tapos kapag hindi mo pinakisamahan ikaw pa palalabasing masama!.

 

Nung bumalik sa pilipinas si Angelo dela Cruz buong pampanga pinakain nila. Pero ano ngayon nangyari? Wala! Sana yung ginastos sa handaan ginamit na lang sa negosyo ng hinid nya na kailanganing bumalik ng Iraq

 

Its a common misconception people make about pinoys working abroad. Akala ng mga pinoy dyan sa pilipinas ang dali lang kitain ng pera abroad. Akala nila pinupulot lang ang pera dito. Akala nila nagpapasarap lang mga OFW dito komo mas me asenso ang bansang ito. OO di hamak na mas malaki nga kita dito pero pinaghihirapan naman yun. Lalo na ng mga kababayan nating nasa blue collar proffession. Isa pa ang mahal mahal kaya ng cost of living dito lalo na pag-taglamig. ang isang lingo ditong magagastos mo para sa pagkain lang, isat kalahating buwan na dyan sa pilipinas.

 

Hay! kaya kahit kelan pag-umuuwi ako hindi na ako nagpapasundo para wala ng makaalam, at ng walang mga taon di ko naman kaano ano na makapal ang mukha at hihingian pa ako ng pasalubong

Mawalang galaang na kaibigan.

Ako ay natutuwa na meron tayong mga kababayan na naglalabas na ng totoong damdamin. Noong unang panahon na meron tayong natawag na mga "baikbayan", karamihan sa kanila ay galing dito sa Amerika. Hindi pa uso noon ang OFW. Noong panahon na iyon, karamihan sa mga umuuwing "balikbayan" ay galing sa NAVY at sa Military. Dahilan sa kanilang pagiging gumon sa alak, karamihan pa sa kanila ay may kayabangan dahilan na rin sa ayaw nilang mapagsabihang "walang kwenta ang pag-uwi niyan dito." Ginawa ngayon nila, kesehodang mag kalubog lubog sila sa utang, ginamit nila credit card nila para makautang ng pampakain at pam painom sa kanilang kabarangay.

Ang hirap noon, ginaya na rin ng ginaya ang ugaling iyan (kayabangan) ng karamihang umuuwi sa ating bayan.\

Kaya ang problema ay hindi sa mga taong anodroon sa Pinas kundi sa mga umuuwi na nagbubuhay MILYONARYO NG ISANG LINGGO. Kinakailangan na merong pagtitimpi at pagpapakumbaba ang mga taong umuuwi sa atin. Ilang beses na rin akong nauwi bilang BALIKBAYAN at OFW pero hindi ko pinatulan ang ganyang kaugalian. Kahit ano na itawag nila sa akin na kesyo madamot ako at BATO, OK lang yun basta wala akong utang pagbalik ko rito sa Amerika.

Doon naman sa mga anak ng iba na OFW na nabubuntis, nasa pagpapayo ng mag-asawa na iyon para lumaking me takot sa Diyos, sa Magulang at sa sarili.

Mabuhay ang OFW...

Link to comment

nung training ko sa call center before, may mga mangilan ngilang tao na super trying hard mag english. yung linalagyan pa ng accent yung pag sasalita nila. pucha, ampangit pakinggan e. kung pwede lang sapakin isa isa ginawa ko na e. kakabad trip lang. pwede namang normal na pagsasalita.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...