Jump to content

RED2018

[14] EXALTED III
  • Posts

    11712
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    2

Posts posted by RED2018

  1. 45 minutes ago, artedpro said:

    10% alcohol content of liquor/wine/beer per day

    To keep health risks from alcohol to a low level if you drink most weeks: men and women are advised not to drink more than 14 units a week on a regular basis. spread your drinking over 3 or more days if you regularly drink as much as 14 units a week.

    • Vitamins are not drugs or miracle cures.
    • Taking large doses of vitamins can be harmful because your body only needs vitamins in very tiny amounts.
    • Eating plenty of fruits, vegetables, wholegrains and cereals will give your body the vitamins it needs, at the right level and in the right balance.
    • Vitamin supplements can’t replace a healthy diet, but a general multivitamin may help if your diet is inadequate.
    • People who may need vitamin supplements include pregnant and breastfeeding women, people who consume alcohol in amounts over the recommended level, drug users and the elderly.
  2. IPINAGPALIT SA ISANG TAGA-ENGINEERING

    Nandito ako ngayon sa dalampasigan ng Roxas Blvd.-  nage-emote at nagre.-reminisce. Naalala kita habang pinapanood ko ang dagat at dalampasigan na naglalampungan na parang mga nakawalang haliparot sa gabi. Dagdag pa rito ang mga nagtitipid na mga mag-syota na nagtatampisaw sa gilid ng Manila Bay. Habang dumadampi sa aking pisngi ang maalat-alat na hanging habagat, naalala ko ang iyong perfume. O cologne ba yon? Di ko na matanto, wala namang pinagkaiba. Mabango ka sa aking pang-amoy kahit siguro di ka pa naliligo.
    Mag-isa lang ako sa may dalampasigan nagdro-drowing ng iyong mukha sa may buhangin. Hinugot ko mula sa ating mga masasayang alaala ang iyong mukha gamit ang abilidad sa pagdro-drawing, sa iskulptura, sa pagpipinta, sa sketching at etching. Maning-mani ang pag-ukit ko sa buhangin ang iyong maamong mukha, buhay na buhay at mistulang kawangis ng iyong ilong, mata, tenga, kilay,buhok at bibig ang nabuo nitong imahe. Blame it on my drawing prowess.   Di nga bat akoy taga-Fine Arts.
    Pero bakit pinagpalit mo ako sa isang taga-Engineering?
    Pero di ba pareho lang iyon? Pareho kaming malikot ang imahinasyon. Yun nga lang siyay sa math at sciences, samantalang akoy sa arts at still life. Sa pagdro-drawing, hinuhulma ko ang mga katauhan sa pamamagitan ng aking lapis at modernong pangguhit. . Inaayusan, hinuhulma, inuukit, ginuguhit, nilalagyan ng perspektibo, binibigyan ng porma at makatotohanang hugis na kawangis ng litrato o totong buhay. 
    Samantalang siyay precise sa pag-kwenta ng mga numero at natural na galaw na mula sa pisika. Mapangahas at mahusay sa disenyo ng mga istraktura. Madalas ang mga disenyo ay hulmado ng kalkulasyong nagmula kay Euclid at Archimedes. 
    Hindi sa pagmamalaki, tingin koy mas maporma at prim and proper ang dating ko kaysa kay Engineer. Halos di na nga makapag-ahit at ma-plantsa ang kanyang mga damit. Basta ang alam koy mapangahas din siya sa pagsuyo gaya ng kanyang mga likha. Di katulad kong pino kong kumilos. Moderno at vivid kung manamit. 
    Sabagay, iba yung nakikita kaysa nadadama. Nalimutan kong mga salitang matalinghaga at humahaplos sa kaluluwa ang inyong nais na mga kababaihan. Mga digang binibihisan ng mga katagang mapangpuri. Ang buong akala ko kasiy  mas vivid  kung nakikita ang porma, mas naakit kapag nakikita ang samut saring kulay na nagpapaganda na parang sa bawat canvass. O di kayay mas maganda kung nahahawakan ang iskulptura, nahahaplos ng mga daliring matagal ng tigang sa paglalandi. 
    Aminado ako, mahina ako sa mga numero. Ngunit parehas naman kaming may kalandian sa katawan. Parehas naman naming inaalay ang aming talento sa bayan at dinidilag. Parehas naman kaming may istilo. Pero bakit? 
    Saan ako nagkamali? Porke ba mas magaling  siya sa Math kaysa sa akin kaya mo ako ipinagpalit? Mas madaling yayaman? Mas macho? Kasi may magarang t-square at calculator? Di ko talaga maintindihan ang lahat. Pero kakayanin ko na lang ang sakit at dalamhating dulot nito. Hindi ako bato para di masaktan sa nangyaring ito- marahil ay may qualities siyang nagustuhan mo at ito kailanmay maaaring di ko na mababatid pa. Pero tatanggapin ko na lang kung ano man ang naging pasya mo dahil wala na akong magagawa. Desisyon mo yan. Pero never kong mare-realize na sanay nag-Engineering na lang ako.  Ewan ko ba, bakit ba I cant get it over.  Blame it on my artistic tendencies. Or blame it on my delusions. 
    Sabi nila, ang mga buhangin sa may dalampasigan ay ang mga milyon-milyong pusong dinurog ng kabiguan, isinabog, ikinalat upang maging isang testamento ng kadakilaan ng sawing pag-ibig. Kaya pala masakit maglakad sa may dalampasigan kapag heartbroken ka dahil tinatapakan mo ang iyong kadudurog pa lang na puso. And come to think of it, di bat mga buhangin ang karaniwang elemento ng mga Engineer sa pagbuo ng mga istraktura. Bwisit! Asar talo talaga. 
    Kaya heto ako sa may dalampasigan luhaan. Nagdro-drawing. Nagiiskulptura.  Nagbabakasakali na kapag nakita mo ang aking mga likha na punung-puno ng art, an indication na itoy gawa ng isang taga-Fine Arts, matandaan mo pa rin na may nagmamahal pa rin sa iyo.
    Teka! Ano na ngang kurso mo?  Accounting ka pala, kanya pala di mo ako ma-appreciate. Next time ang liligawan koy taga-Architecture o Interior Designing. O mag-shift na lang kayo ako sa Engineering, kaso mahina ako sa Math.

    • Like (+1) 1
  3. My thoughts are free to go anywhere, but it's surprising how often they head in your direction. Pakshet! Ikaw na naman ang nasa kukote ko

    I'm getting too emotionally exhausted. The logical side of me wants me to start pulling away. I want to stop getting in touch with you until you need me again and you initiate. Isa kang tuksong nakadamit anghel. This was not meant to be a relationship in the first place. I warned you not to say those three words because these complications are precisely what I feared would transpire. My mistake was that I reciprocated. I should have held myself back even when I really did love you already. Now, I'm more confused than ever. Ang sarap mo kasing iyung pagmamahal

    You can have your weekend with her. She is your fiancee after all. Manuyo ka sa kanya dahil nawala ka last weekend and you were with me. Inubos natin ang mga oras at mga lakas nating bumibilang sa paglipas nito. After all, I'm just your second choice, maybe even your last priority. I will never let you choose, because in the end, I know you will choose her over me. You can have your weekends with her. But you will need to start getting used to weekdays without me. I told you that I will try to be your friend even after you are married to her,  that this hanky-panky will stop. But today, I realized that I might not be able to do that, let alone not cry at the sight of the two of you. Meanwhile, pahiram ng iyong pagtatangi hanggang malaos ang bawal. 

    You can have me, over and over again. But sooner or later (maybe sooner), you won't have my heart anymore....Tangnang pag-ibig to!!!

×
×
  • Create New...