In 2023 June, I am one of the groom’s men of my college best friend. Since Manila Cathedral ang church wedding, pinili ng family ng groom na ang Rizal Park Hotel near (PICC/Ocean Park) ang preparation and reception. Medyo rustic ang hotel, although madami ng na renovate, kita mo pa din yung mga old design ng hotel from lobby to the hallways, at kahit sa rooms.
Dahil nga close ako ng groom, isa ako sa mga sinama na naka check-in along with 3 other groom's men in one of the rooms, para daw di na kami mahirapan sa pag prepare sa wedding.
Malaki yung room namin. 1 queen size bed na malapit sa CR at entrance and 2 extra bed yung kasya sa room namin, meron pa nga parang small sofa set at may small table sa gitna na nasa window side. Sa room, pansin yung pag retain ng sliding door ng CR na luma din ang pag lock para ma feel mo yung pagka rustic niya. Napansin ng 2 kasma ko sa room na ang hirap isara ng CR sliding door. Kailangan mo mag effort at ang lock niya ay sinaunan din na hindi nakalapat. So pag gagamit ka ng CR i declare mo para walang ibang gumamit.
Nung gabi na yun, nag simula kami 4 groom's men mag inuman ng 8 pm sa sofa side para ma relax and makatulog ng maaga. Around 11 pm, nag wrap up na kami ng inuman at nag lilinis na, ng bigla binalagbag na sumara yung sliding door ng CR at nag lock. Bumukas yung ilaw at may nag turn on ng gripo. Lahat kami ay malayo sa CR, nagkatinginan kaming 4. Silence for 20 seconds dahil pare-pareho na nga kaming nakainom. Bigla na off yung ilaw ng CR at yung gripo. Then tinuloy ang paglilinis ng nagmamadali para makatulog na.
11:30+ pm wala ng naligo samin at nag palit ng pajama at ayaw na lumapit sa CR. Dahil nga dun sa nangyari, walang gustong matulog sa Queen size bed dahil malapit ito sa CR. Lahat kami nag siksikan sa 2 extra bed ng magkakasama nakatalukbong ng kumot. Pag dating ng 12:30+ pm, na unlock at pabalagbag na bumukas yung CR. Tapos naulit ulit pa ito ng mga 4 beses pa buong madaling araw. Hindi kami makatulog at hindi kami makapag usap. Hangang sa yung isang kasama ko sa room nag matapang na i-on ang spotify at magpatugtog ng malakas na Ben & Ben. Tumigil lang yung pag open-close ng CR nung nagpatugtog na. At ang masaklap half-way closed yung door ng CR nun na parang iniwan ng sadya. Hindi ko ma explain yung feeling pero ramdam ko yung kaba dahil baka umulit nanaman yung nangyari at ginhawa kasi parang may nawala na nakakatakot.
kinabukasan, nagtatak yung groom bakit sabay sabay kami na pumunta sa kwarto niya na dala lahat ng bags at damit, gusto naming 4 maligo at mag bihis sa kwarto niya. At bakit daw amoy alak kami pero gising na gising. Sinabihan din namin siya na wala kaming balak mag extend ng stay sa hotel after ng reception kasi mas pipiliin namin umuwi sa kanya kanyang bahay para di ba kami maka dagdag gastos.
Akala namin kahit na magkakasama kami ay hindi na kami matatakot. Pero iba talaga ang feeling. Kaming 4 ay hindi naman naniniwala sa multo o ligaw na espirito pero napaisip kami after nung pangyayari na yun.
Sinabi na lang namin sa groom sa isang inuman yung pangyayari nung 2 months na tapos na yung kasal.