Thanks. Pa-gift ko kasi sa sarili ko yan nung nag-50 ako. Invest lang ng invest sa US, kahit sa index. Wag na mamili at magmonnitor ng individual stocks. That way, concentrated sa work para continuous inflow ng pera. Di naman kelangan maging senior management. Ako nga hanggang junior management lang.
Pero tama sabi nila na "it's not timing the market but time in the market". Nahirapan ako sa concept ng investing nung nagsisimula ako when I was 30. Di ko ma-feel effect. But put 20 years of time in it and nafe-feel ko na. For example, this week the SP500 went up 0.75%. Dati when I was 30y, sa liit ng balance ko, walang effect yan. But now I'm 52y, 0.75% of P20M is P150K.
Many times I thought, why not put up a business with my capital? Pero at my age, mas preferred ko na slowness in life and a bit of enjoyment. One of my neighbors has a beach volleyball set-up kaya nakikilaro ako every now and then.