After Cory and Ramos, sabi ng masa, nasubukan na raw nila bumoto ng mga presidente at senador na may pinag-aralan. Di naman sila nai-ahon sa kahirapan kaya binoto nila si Erap.
Ayaw daw sa trapo kaya artista at media personality ang binoboto. Hanggang yung mga artista at media personalities na yun, naging trapo na rin. Worse, gumawa pa ng sariling dynasty nila. Magkapatid, mag-ina, sila-sila.
Tang*na kung yung mga matalino, college graduates, law graduates etc. di kayo mai-ahon sa kahirapan, yung bobo pa kaya na high school lang natapos?
Konting budots lang kahit may record ng anomalya, magbubulag-bulagan, goods na yun. Lalo na pag maabutan ng 500 pesos, matic mabait na yun. Kahit hindi naman mamigay ng ayuda ang trabaho ng senador at congressman.
Samamtalang may mga tumatakbo naman na qualified talaga at di galing sa political dynasty pero ayaw iboto dahil karamihan, walang pang-ayuda at perang pang-hakot ng botante.
Kaya nakaka-walang gana minsan tumulong pag may mga disaster. Eh kung bumoto sana kayo ng matino at hindi korap, edi sana may pera ang gobyerno para sagipin kayo kaagad.
Lahat naman daw korap? Katwiran ng g*go yan para i-justify yung boto nya. Assuming totoo na lahat korap, eh bakit yung pinakabobo pa at hindi qualified ang pipiliin?