Jump to content

xiaolongbao

[01] LURKER
  • Posts

    2
  • Joined

Recent Profile Visitors

The recent visitors block is disabled and is not being shown to other users.

xiaolongbao's Achievements

Newbie

Newbie (1/14)

  • First Post

Recent Badges

0

Reputation

  1. I think one of the hardest things I carry is the feeling na parang hindi naman talaga ako yung pipiliin in the end. Parang nasanay na ako sa idea na eventually, may darating na someone better, easier, or more lovable than me. Ang dami ko nang beses nakita kung paano unti-unting lumalayo ang mga tao, nag-iiba, o nakakahanap ng ibang mas gusto nila. Kaya siguro nahihirapan akong maniwala kapag may nagsasabing magtatagal, o kapag may nagpaparamdam na safe ako. Because every time I start believing, something happens that reminds me na puwede pa rin akong maiwan sa gilid habang iba ang nagiging priority. At doon ako pinaka-natatakot. hindi sa walang magmahal sa akin, kundi sa paulit-ulit na pakiramdam na hindi ako ang unang pipiliin. Kaya kahit may nagmamahal sa akin ngayon, may part pa rin sa akin na laging naghahanda sa possibility na one day, may makikilala silang mas matatawanan nila, mas makakausap nila, o mas mamahalin nila kaysa sa akin. And I hate that I think this way. Pero kapag ilang beses ka nang nasanay mapalitan, mahirap talagang maniwala na this time, someone will stay and choose you fully, consistently, and hanggang dulo.
  2. I created a list of relationship reminders for myself, I just want some honest inputs from you guys. If its fair, or am i slowly betraying myself in the process. btw, he is married pero hiwalay na sila para sa sarili nila pero di pa pwede i-public for some reasons so, ayun. (marami nakakaalam, on his side, pero sa side ni wife parang doon nila need itago.) My Relationship Reminders 🤍 1. His Marriage & Family • Tanggapin ko na kasal siya at may asawa siya (in papers) Hindi na mababago ang fact na iyon kahit sabihin nilang hiwalay na sila bilang mag-asawa. • Parte pa rin ng buhay niya ang asawa niya dahil may mga anak at responsibilities sila. Kung kailangan nilang mag-usap tungkol sa mga bata, family matters, bahay, o finances, hindi ko kailangang pagselosan o gawing competition iyon. • Pinili kong pumasok sa relationship na alam ko ang situation niya. Kung mananatili ako, tatanggapin ko ang reality nito while keeping my own boundaries. 2. Privacy, Visibility & His Personal Life • Tatanggapin ko na sa ngayon, hindi pa ako pwedeng maging openly part ng buhay niya. Hindi niya ako pwede i-post, ipakilala sa lahat, o isama sa lahat ng circles niya. • Hindi ko ipipilit maging part ng family, friends, o ng mga taong ang alam pa rin ay okay ang marriage nila. Hindi ko kailangang habulin yung validation na iyon para maramdaman na real ang relationship namin. • Hindi ko gagawing sukatan ng pagmamahal niya kung gaano ako ka-visible sa buhay niya. • Kung dumating man naturally yung panahon na maisama niya ako sa ibang parts ng buhay niya, magiging pinaka masayang tao ako sa mundo, but I won't build my peace around waiting for that day. 3. His Past Relationships • Past is past. May buhay siya bago ako dumating, tulad ng may buhay din ako noon. • Kung may ginawa na siya dati with an ex na ginagawa rin namin ngayon, eh ano naman? Hindi kailangang ako ang first para maging meaningful o special ang relationship namin. • Hindi ko iko-compare kung sino ang mas minahal, mas pinag-effortan, o mas binigyan. Mas mahalaga kung paano niya ako tinatrato ngayon. 4. Marriage & Our Different Timelines • Magkaiba kami ng experiences, beliefs, checklist, at timeline pagdating sa marriage. • Dahil alam kong gusto ko siyang maging asawa, hindi ibig sabihin na kailangan ganoon din agad ang nararamdaman niya. • Kung hindi pa enough para sa kanya ang pinagsamahan namin para makapagdesisyon tungkol sa marriage, tatanggapin ko iyon without taking it as a measure of my worth. 5. Expectations & “Maybe One Day” • Hindi ako mananatili dahil umaasa akong baka one day magbago ang isip niya. • Pwede kong gustuhin ang marriage nang hindi ko ginagawang expectation na mabibigay nya yon sa akin. • Kung mananatili ako, mananatili ako dahil kaya kong tanggapin kung ano ang relationship namin ngayon, hindi dahil naghihintay ako ng future version nito. 6. Jealousy, Overthinking & Reassurance • Hindi lahat ng discomfort ay ibig sabihin may mali. Bago ako mag-react, tatanungin ko muna kung may actual reason ba o takot lang ang nararamdaman ko. • Hindi ko paulit-ulit na hihingin ang explanation hanggang marinig ko ang sagot na gusto ko. • No jealousy games, silent treatment, tests, or threats na aalis ako para lang malaman kung hahabulin niya ako. Mas titingnan ko ang consistency ng actions niya. 7. His Time, Vacation & Responsibilities • Dahil ilang buwan lang ang vacation niya from the ship, tatanggapin ko na kailangan din niyang maglaan ng oras sa mga anak at family niya. • Kung manatili siya roon nang isang buwan o higit pa, hindi ko gagawing competition kung saan siya mas matagal. • Hindi ko siya kukulitin na bumalik agad sa akin para lang mapanatag ako. Hahayaan kong manggaling sa kanya ang effort at oras. • Hindi ko na o-overthink kung baka magkaayos o mag-reconcile sila. If something changes, I’ll deal with it when it actually happens. • I will let him show me where I stand without constantly asking him to prove it. 8. Finances & Providing • Hindi ko ie-expect na kailangan niyang mag-provide for me. Hindi porket naranasan kong may nag-provide sa akin noon, kailangan ganoon din siya. • Kung mas malaki ang binibigay niya sa asawa niya o sa nanay ng mga anak niya, okay lang. May financial responsibilities siya doon na hindi necessarily mayroon siya sa akin. • Kung hindi man dumating ang panahon na magkaroon ako ng allowance mula sa kanya, tatanggapin ko iyon without thinking na pinababayaan niya akong mag-survival mode. • May sarili akong buhay at financial responsibility. Kung tumulong siya, maa-appreciate ko; pero hindi ko gagawing measurement ng love ang amount na natatanggap ko. 9. Giving & Sacrificing • Hindi ko iko-compare ang role ko sa role ng asawa niya. Magkaiba kami ng place, history, at responsibilities sa buhay niya. • Hindi ko sasaktan ang sarili ko sa thought na ako ang nagbibigay ng care, companionship, intimacy, at partner-like effort habang siya yung mas nakakatanggap ng financial support at ibang responsibilities from him. • Hindi ko iisipin na dahil ako ang nagbibigay ng partner-like effort ngayon, dapat ako na ang mas nakakatanggap ng mga bagay na natatanggap niya. Hindi ko gagawing competition kung sino ang mas deserving based sa kung sino ang mas maraming ginagawa. • Yung support na natatanggap niya ay connected sa sarili nilang history, setup, marriage, at responsibilities. Hindi iyon reward na kailangan kong pantayan dahil mas present ako bilang partner ngayon. • I will focus on my own relationship with him instead of constantly comparing what I give with what she receives. • Ang lahat ng binibigay ko is because I genuinly want to, not from the hope that my effort will eventually earn me her benefits, position, or place. 10. Our Connection • Hindi ko hahayaang puro sex, lambing, at “I miss you” ang relationship namin. • Gusto ko pa rin ng friendship, conversations, emotional intimacy, shared experiences, at genuine interest sa buhay ng isa't isa. • Gusto kong kilalanin siya bilang tao, not only as my partner and gusto ko ring ganoon niya ako makilala. 11. Myself, Acceptance & Our Future • Hindi ko gagawing buong mundo ang relationship namin. May sarili akong goals, work/school, interests, health, friendships, at future. • Acceptance does not mean kailangan kong tiisin lahat. Pwede kong tanggapin ang reality niya habang may standards at boundaries pa rin ako. • Hindi ko kailangang malaman ngayon kung forever kami. I will enjoy what is real without inventing promises that were never made. Core Reminder I will love him as he is, not as the person I hope he will eventually become. I will accept his past without competing with it, his responsibilities without resenting them, and our differences without losing myself. If I stay, I will stay because I choose the relationship that exists today. Not because I am waiting for it to become something else someday.
×
×
  • Create New...