Hikes for newbies near Metro Manila.
1. Mt. Balagbag -SJDM, Bulacan. Literal na daan yung aakyatin hanggang summit
2. Mt. Parawagan - Wawa, Rodriguez, Rizal. Literal na daan din ang aakyatin.
3. Mt. Binacayan / Binicayan and Mt. Pamitinan - Wawa, Rodriguez, Rizal. Mas mahirap ng konti kasi may mga akyatin sa jagged walls and boulders.
Pwede maligo sa ilog o dam pagkatapos basta di malakas ang agos. May Karugo Falls sa likod ng dam
4. Laiban Quatro - Laiban, Tanay, Rizal. Kahit ano sa apat, pero sa Mt. Toyang sa ilog mas malapit kaysa falls. Medyo technical ang pagbaba kung traverse kayo sa falls. Basta sa Tanay usually beginner friendly naman wag lang yung Mt. Irid
Others include Mt. Maculot in Cuenca, Batangas (mas mahirap if traverse kaysa backtrail). Manabu Peak in Lipa City kasi easy climb lang talaga siya. Kung medyo mahirap ng konti eh Mt. Batulao Traverse in Nasugbu, Batangas. Isali mo na rin ang Pico de Loro sa Ternate, Cavite