lomex32 Posted February 19, 2009 Share Posted February 19, 2009 Thanks Rocco 1. Anong kaso po ang itinutukoy dito ?(alalahanin mo lang, kung ipagpipilitan niya na ipasok sa public school kahit kaya niya ang private, pwede kang maghabla para ipilit ito) 2 Kung sa kasalukuyan ay ang anak na ipinapaaral sa pribadong eskwelahan ay sadyang bulakbol, mababa ang grades, tumatanngi sa tutor at remedial classes... Tama pa ba na ituloy ang pag-paaral dito sa pribadong ikswelahan na ito? 2.1 Kung sa tingin ng ama ay mas nakakabuti pa na paaralin sa publikong paaralan hindi ba nararapat lang sa suwail na anak na dito na lang mag-aral o kaya ay magpahinga na lang muna....? 1. sa pag-aaral, sino ang dapat mamili ng paaralan na dapat pasukan ng mga anak? dahil ang mga bata (kung menor-de-edad pa) ay mga anak sa labas, sila ay nasa ilalim ng kapangyarihan (parental authority) at pagpapasya ng ina. kaya dapat, ang ina ang mamimili. kaya lang kasi, ang suporta ay depende rin sa kakayahan at katayuan sa buhay ng ama at ng anak. kung ang ama ay hindi naman super-yaman, hindi dapat mag-ambisyon ang ina na ipasok ang mga anak sa I.S. o sa Poveda, dapat angkop din sa sitwasyon. pangalawa, ang kasabihan ay "he who has the gold, makes the rules." dahil ang ama ang gumagastos, maaari din naman siyang mag-suggest ng paaralan (alalahanin mo lang, kung ipagpipilitan niya na ipasok sa public school kahit kaya niya ang private, pwede kang maghabla para ipilit ito). mas maganda nga lang talaga na pag-usapan ng mga magulang at magbigayan sila, para wala nang gulo. 2. Tama ba na ang mga anak ang dapat magsabi kung saan sila mag-aaral? kung menor-de-edad ang bata, ang magulang ay pwedeng magdikta sa bata kung saan siya mag-aaaral. kung nasa edad na ang bata, may obligasyon pa rin ang magulang na paaralin ito hanggang makatapos, ngunit dahil nasa edad na nga, pwede na siyang pumili. KAYA LANG... ang kasabihan ay "he who has the gold, makes the rules." dahil ang ama ang gumagastos, maaari din naman siyang pumili ng paaralan at sabihin sa anak na yun ang gusto niya. again, mas maganda pag-usapan ng mag-ama ang tungkol dito at magbigayan sila, para wala nang gulo (maipilit nga ng magulang ang paaralan na gusto niya, kung ayaw naman ng bata at magloloko lang dun, ala ring patutunguhan). 3. Nararapat ba na pera ang dapat na ibigay na suporta? sa puntong tirahan at pagkain, pwedeng suportahan ng ama ang kanyang anak sa labas sa pamamagitan ng pagpapatira dito sa kanyang sariling bahay (yun nga lang, di ito pwede kung may legal o moral na hadlang dito, e.g. may asawa nang iba ang ama at ayaw ng asawa nito ng ganung set-up). pinakamadali kasi ang pera pagdating sa sustento. pwede naman na ang sustentong pera ay idederecho na sa school, o ibibili ng educational plan, depende rin eto sa usapan ng mga partido. Thanks to all Legal experts This is so good. We have here a battery of legal experts. Keep this up gentlemen. My kudos to you all. Quote Link to comment
josefgueta700 Posted February 20, 2009 Share Posted February 20, 2009 very informative and helpful thread, thanks for the insights guys... Quote Link to comment
rocco69 Posted February 20, 2009 Share Posted February 20, 2009 1. Anong kaso po ang itinutukoy dito (kung ipagpipilitan ng ama na ipasok sa public school ang bata kahit kaya niya ang private)? ayon sa batas, ang suporta ay kailangang naangkop sa kakayahan ng nagbibigay at sa pangangailangan ng binibigyan. kung kaya naman niya ang private school, at gusto lang niya ng public school dahil tinitipid niya yung bata, ibig sabihin di kayo magkasundo sa halaga ng suporta. ito ay kaso pa rin for support (di kayo magkasundo kung magkano ang ibibigay niya at paano niya ito ibibigay, kaya ang korte na ang magdedesisyun tungkol dito). 2. Kung sa kasalukuyan ay ang anak na ipinapaaral sa pribadong eskwelahan ay sadyang bulakbol, mababa ang grades, tumatanggi sa tutor at remedial classes... Tama pa ba na ituloy ang pag-paaral dito sa pribadong ikswelahan na ito? ayon sa batas, may obligasyon ang magulang na paaralin ang anak (see Arts. 194, 195, and 220[1], Family Code). ngunit, subalit, datapwat... may obligasyon din ang anak na igalang at maging masunurin sa magulang, at maari din namang disiplinahin ng magulang ang anak (see Art. 220[6 and 7], Family Code). kapag ganito ang anak (bulakbol, mababa ang grades, tumatanggi sa tutor at remedial classes), bilang pagdidisiplina sa anak, maaring gawing kondisyon ng ama na mag-aral ng mabuti ang anak para siya ay suportahin nito. alalahanin mo lang na kailangang legitimate na dahilan ito. hindi ito pwedeng gawing dahilan (ang pag-aayaw sa pagsuporta sa anak dahil ito ay bulakbol) kung hindi naman tutoong bulakbol ito at naghahanap ka lang ng rason para makaiwas sa iyong obligasyon. 2.1 Kung sa tingin ng ama ay mas nakakabuti pa na paaralin sa publikong paaralan hindi ba nararapat lang sa suwail na anak na dito na lang mag-aral o kaya ay magpahinga na lang muna....? tama ka rito (kung ito ay paraan ng pagdidisiplina sa suwail na anak. sabi ko nga, kung hindi naman tutoong bulakbol ito at naghahanap ka lang ng rason para makaiwas sa iyong obligasyon, hindi ito pupwede. Quote Link to comment
lomex32 Posted February 20, 2009 Share Posted February 20, 2009 (edited) Comrade Rocco ... salamat sa iyong mga sagot Lessons i wish to share : Huwag magkalat ng lahi lalo na kung di ka sigurado ... check the historyLess talk less mistake Edited February 20, 2009 by lomex32 Quote Link to comment
ko5he4 Posted February 20, 2009 Share Posted February 20, 2009 mga sir pahingi naman ng advice may nasangla po kasi na lupa sa father ko at hindi na nabayaran sa father ko kaya naremata namin nakuha namin ang original na tutulo ng lupa kaso nga lang namatay yung father ko last year ngayon po ay gusto sana namin isangla ang lupa kaso hindi na namin makita yung kasulatan na nakuha namin yung lupa pero nasa amin na ang original land title pwede ba namin na isangla yung lupa gamit and original title lang sa banko??? Quote Link to comment
GODzilla Posted February 20, 2009 Share Posted February 20, 2009 mga sir pahingi naman ng advice may nasangla po kasi na lupa sa father ko at hindi na nabayaran sa father ko kaya naremata namin nakuha namin ang original na tutulo ng lupa kaso nga lang namatay yung father ko last year ngayon po ay gusto sana namin isangla ang lupa kaso hindi na namin makita yung kasulatan na nakuha namin yung lupa pero nasa amin na ang original land title pwede ba namin na isangla yung lupa gamit and original title lang sa banko??? you must get the registered owner to issue an SPA in your favor, authorizing you to mortgage/sell the property. mere possession alone of the original title is not enough. if they refuse, you will have to file an action for judicial foreclosure. Quote Link to comment
moed Posted February 20, 2009 Share Posted February 20, 2009 (edited) "Art. 2088 Civil Code. The creditor cannot appropriate the things given by way of pledge or mortgage, or dispose of them. Any stipulation to the contrary is null and void."The heirs of the previous mortgagee I believe should institute foreclosure proceedings against the mortgagor. In this case it would be hard for them to prove the mortgage contract since they don't have it. Under Art. 1358 of the Civil Code. Acts and contracts which have for their object the creation, transmission, modification or extinguishment of real rights over immovable property must appear in a public document.Granted that the mortgage contract is still valid and enforceable not withstanding the loss of the contract between the parties, it will be more difficult for the heirs to prove that the mortgage contract did exist and that they will now be foreclosing on it. Unless of course the mortgagor has a copy and will provide them with it, or admit that they did mortgage the land and were unable to pay back the loan. Edited February 20, 2009 by moed Quote Link to comment
ko5he4 Posted February 20, 2009 Share Posted February 20, 2009 you must get the registered owner to issue an SPA in your favor, authorizing you to mortgage/sell the property. mere possession alone of the original title is not enough. if they refuse, you will have to file an action for judicial foreclosure. "Art. 2088 Civil Code. The creditor cannot appropriate the things given by way of pledge or mortgage, or dispose of them. Any stipulation to the contrary is null and void."The heirs of the previous mortgagee I believe should institute foreclosure proceedings against the mortgagor. In this case it would be hard for them to prove the mortgage contract since they don't have it. Under Art. 1358 of the Civil Code. Acts and contracts which have for their object the creation, transmission, modification or extinguishment of real rights over immovable property must appear in a public document.Granted that the mortgage contract is still valid and enforceable not withstanding the loss of the contract between the parties, it will be more difficult for the heirs to prove that the mortgage contract did exist and that they will now be foreclosing on it. Unless of course the mortgagor has a copy and will provide them with it, or admit that they did mortgage the land and were unable to pay back the loan. salamat mga sir sa reply!! yun nga ang problema mga sir ayaw nila makipagtulungan sa amin dapat pala mag file na kami ng action for judicial foreclosure tama po ba? Quote Link to comment
moed Posted February 21, 2009 Share Posted February 21, 2009 Kailangan mabasa mortgage contract dahil minsan sa mortgage contract may provision na nagbibigay authority sa mortgagee to extrajudicially foreclose. Mabigat kasi pag judicial, mahaba at magastos. Baka kung alam nyo man lang kung sino notary public para makakuha kopya. Pag wala kayo kopya ng contract, kailangan pa muna maprove na meron nga contract of mortgage father nyo with the mortgagee at hinde nagawa ng mortgagor ang obligation nya under the contract , so lalong masmahirap pa dadaanan. Sa tagal ba naman takbo kaso dito sa Pilipinas at sa mahal bayad sa fees at abogado, baka masmalaki pa magastos kaysa value ng lupa. Quote Link to comment
kevin6a12 Posted February 22, 2009 Share Posted February 22, 2009 A certain Law Firm is sending me letters saying that if I don't settle my balance with an ISP company, they will post my name on Newspapers like Manila Bulletin, Manila Star and Philippine Daily Inquirer. Is this True?Can they Do this? My balance with that company is a little over P3000. The reason why I am not paying the company is because at the time that I was still using their service, it was either slow or no connection at all and it went on for 2 and a half months. Quote Link to comment
jopok Posted February 23, 2009 Share Posted February 23, 2009 have a question ,dont know if it fits in here,,may lupa ung grandfather ko,maliit lang naman,ung nga lang nasa bayan,,7 na magkakapatid ang father ko,4 are already dead including my father,,ang problem ay ito,ung bunso nila(patay na din)nung nabubuhay pa ay nagpapirma ng kasulatan na nagsasabing ibinibigay sa kanya ng magkakapatid ang karapatan sa pamamahala ng lupa,dun (din kasi sya nakatira) nagawa nyang papirmahin sa kasulatan ung 2 kapatid na babae at yun 1 kapatid na may karamdaman..ung 3 kapatid (father ko,ung panganay nila,at ung siniundan ng bunso)ay mga patay na,so di sila kasama dun sa pirma or kahit sino anak o representative nila...ang tanong ko,pag kwenestyon ko ung ginawang pagtratranfer ng property sa pangalan ng bunso at sa heir nya..may karapatan ba ako,at legal ba ang ginawang ng tyuhin ko na pag papalipat ng titulo sa pangalan nya?ano aksyon pwede ko gawin para maitama ito...ang worth ng lupa eh baka nasa 3 or 4M Quote Link to comment
Dr_PepPeR Posted February 23, 2009 Share Posted February 23, 2009 A certain Law Firm is sending me letters saying that if I don't settle my balance with an ISP company, they will post my name on Newspapers like Manila Bulletin, Manila Star and Philippine Daily Inquirer. Is this True?Can they Do this? My balance with that company is a little over P3000. The reason why I am not paying the company is because at the time that I was still using their service, it was either slow or no connection at all and it went on for 2 and a half months. It seems to me that having your name published in the papers would cost considerably more than what you owe them. I think they're bluffing. Quote Link to comment
moed Posted February 23, 2009 Share Posted February 23, 2009 Kung pamamahala lang ang pinirmahan na kasulatan sa bunsong kapatid, hinde kasama ang paglipat sa kanya ng property. Yung tanong e kung anong pamamagitan ang ginamit ng bunsong kapatid para malipat ang lupa sa kanya. Dapat kasi mahabang proseso ang paglipat maski sa magkakapatid lang ng lupa, may settlement ng estate ng grandfather, kung saan bayaran estate tax para malipat sa heirs ang lupa. Kung nauna namatay father nyo sa lolo, kayo mga anak dapat nakalagay don, kung nauna naman lolo namatay, tatay nyo nakalagay don. Kung namatay tatay nyo after sa lolo , settle naman estate ng father nyo para mapalitan pangalan ng father nyo sa title at kayo na mga anak nya mayari ng share nya sa lupa. Ito lang naman ay kung intestate succession o walang will yung lolo. Puede mong tingnan sa Register of Deeds mga transaction sa lupa na yan para malaman paano na lipat sa uncle mo yang tct nyan. Quote Link to comment
mlpf Posted February 25, 2009 Share Posted February 25, 2009 A certain Law Firm is sending me letters saying that if I don't settle my balance with an ISP company, they will post my name on Newspapers like Manila Bulletin, Manila Star and Philippine Daily Inquirer. Is this True?Can they Do this? My balance with that company is a little over P3000. The reason why I am not paying the company is because at the time that I was still using their service, it was either slow or no connection at all and it went on for 2 and a half months. The moment the law firm does something like that, file a case against them for disbarment for harming your reputation through unnecessary publicity as well as a criminal case for Libel. Quote Link to comment
meet_joeblack Posted February 26, 2009 Share Posted February 26, 2009 Sir ask ko lang po. lasi may kaibigan ako na kaksuhan daw ng isang credit card company, my friend is willing to pay pero yun binabayad ng friend ko ayaw tanggapin dahil maliit lang. ang gusto is bayaran yun full amount whci is 100k plus or monthly na 10k, di kaya bayaran ng friend ko. then the legal office send a leeter to my friend na kakasuhan daw ng republic act 8484, pede po ba yun? then may criminal liability ba yun friends ko dahil sa hindi pagbayad ng card? nakikicooperate naman friend ko kasi ayaw pagbigayan request niya. walang wala kasi yun friend ko and he cannot afford to have a lawyer. anu po ba magandang advice? thanks po. Quote Link to comment
Recommended Posts
Join the conversation
You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.