Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

The Mail Box


Recommended Posts

Isa akong logical na tao. Logical, ibig sabihin

hinahanap ko ang mga rason para sa mga bagay at

nagdedesisyon din ako base sa mga rason na `to.

Mahilig akong magisip, at ito ang paborito kong

pastime.

 

Nakakalibang ang algebra, at math naman ang

paborito kong subject. Mabilis rin ako sa

minesweeper. Sigurado akong kaya kong ibreak ang

record mo. Pati na rin siguro sa tekken kaya

kitang karnehin. Na-solve ko rin ang rubik's

cube nang walang nagtuturo. At kahit nung bata

pa lang ako kung kelan pa lang ako nagsisimulang

magisip, sisiw lang kahit yung

pinakasopistikadong jigsaw puzzle. At oo, bago

pa man ako mag-aral, nung mga tatlong taon pa

lang ako, sa unang beses kong makakita ng game-

and-watch, sinabi ko sa sarili ko na balang araw

e gagawa ako nito. Tamang tama, parang planado,

at naging comsci nga ako.

 

Planado na ngang talaga, at parang kalkulado ko

lahat ng mga mangyayaring sunod sa buhay ko.

Hawak ko ang Algorithm, ang perpektong

Pseudocode ko. Lahat ng mga mangyayari alam ko

na, na parang program na ako mismo ang sumulat.

Oo, lahat.

Lahat siguro alam ko na.

 

Pwera ka.

 

Oo, pwera ka. Ikaw lang siguro yung hindi ko

nakalkula. Malamang nga, ikaw pa lang yung

nakarating dito sa pinaka-loob ko kung saan

nakasulat ang matibay at napaka-walang maling

source code ko. At doon nagsimula. Nakaramdam

ang robot. Nakalimutan nya ang rason, at

nagsimula syang malito. Biglang ikaw na lang

yung naging rason. Ikaw na lang. Bakit, sino ka

nga ba? Kung ikaw ang millenium bug, malamang

hindi ako Y2K ready. Wala akong alam sa ganitong

sitwasyon, pero bakit parang ikaw na lang ang

alam ko? Unang beses `to sa buong buhay ko, sa

tinagal ng run-time ng algo ko, pero kung Tekken

ang buhay, eto ako, naka-hold ng forward, hindi

man lang nag-tag, at handa nang mamatay.

 

Ikaw pa lang siguro yung nakarating dyan sa

source code ko, o sa pinaka-kaluluwa ng isang

taong katulad ko kung tawagin, kung saan ako

pinaka-mahina, pinaka-hindi nagiisip, pinaka-

talunan. Ano bang ginawa mo, at parang gusto

kong sabihin sa buong mundo na mahal na kita?

 

Hindi. Hindi lang siguro yun dahil sa mga mata

mo na kaya akong lunurin, pero maging masaya pa

rin na nalunod ako. Hindi. Nawala na ang rason,

pero bakit parang wala pa ring mali?

 

Kung Java program ako, isa kang Exception na

hindi ko alam i-throw. At siguro, kung sa C,

kahit magcompile hindi ko na magawa. Ikaw ang

Anomaly ng Matrix ko, at kahit si Agent Smith o

Merovingian e natalo mo. Ikaw na nga ang "why",

pati ba ang "what" ikaw pa rin? Sabihin mo naman

sa akin kung pano mo `yon ginawa. Bakit? Ikaw ba

yung the One?

 

Kung ikaw nga, at alam kong ikaw nga, sana ayos

lang sa'yo.

 

Alam kong sinabi ko na sa'yo lahat, pero hindi

ko alam kung naniwala ka. Pasensya na kung wala

na akong magawang iba para maniwala ka.

 

Salita. Yun lang. Pero hindi naman kasi "mahal

kita" lang yung gusto kong sabihin e, marami

pang iba. Hindi ko lang alam kung pano sabihin,

o kung ano yung katumbas nun sa salita. Oo,

hindi ko mahanap yung salita. Kahit siguro saan

language - kahit sa C++ o Java, Pascal o Cobol,

VBScipt o ActionScript. Kahit sa mas

kumplikadong assembly language, o machine

language. Kahit sa mga 1s at 0s ng binary, mga

true o false ng boolean, o kahit saan pa.

 

Pagpasensyahan mo na ang nakayanan ng isang

comsci na walang alam sa salita, pero ngayon,

uulitin ko, at maghihintay ako sa

sasabihin mo, kahit kailan pa yon at kahit

anuman yon, gaya ng sinabi ko sa'yo:

Mahal kita.

 

###############

Paunawa: Ang may akda ay kasalukuyang infected

ng isang klase ng virus na uncleanable.

Pagpasensyahan nyo na.

Link to comment
Guest LovingSouL

Why do I need to run to someone like you?

Why do I need to make myself fall for you

Knowing that there are no guarantees...

Why would I want to be in your arms

When in fact I know deep within me

That it's not me that it's in your heart?

Why do I need to long for someone

Who can only be mine in my dreams?

 

 

 

:(

Link to comment

A,

 

the days are passing by quicker than i thought.. i really have this feeling that your in the country already.. and u just didn't bother to get in touch with me..

 

i guess it's goodbye, huh??

 

wish u could tell me straight.. i hate guessing, and u know that..

 

Z

Link to comment

My most vivid memory as a child was when I took that long train ride to the countryside. A memorable experience as an adult was a train ride through places with names like Napoli, Firenze, Milano, Trieste. When the train services here deteriorated it was like a part of my childhood died. Such irony it is to long for that ride in far-off places. But things have a way of coming, as you say friend, full-circle. Now, I feel like I'm shuttling on a magical train ride to a place I've never been..........

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...