Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dalawang tao lamang tayo na pinagtagpo ng kasaysayan at pagkakataon.
Panandalian.
Pansamantala.
Na kailanma’y hindi na muli magkukrus ang mga landas.
Dahil hindi tayo tauhan sa gawa gawang pelikula na naniniwalang may happy ending.
Na may pagtatagpo matapos ang mahabang prusisyon.
Na umaasa sa mga bagay na kailanman hindi naman na maibabalik pa.

 

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Narito na tayo sa bagong yugto,
Na kung saan may kanya-kanya na tayong kabanata at pag-iral.
Na kung saan kailangan na nating tuldukan ang napakahabang pangungusap.
Dahil salungat na ang kwento ng buhay nating dalawa.
Ikaw, patungong paglimot at paghilom.
Ako, naiwan dito na wasak at miserable.

 

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Tapos na akong umasa na sana ako nalang.
Sana ako nalang ulit.
Lunod na ako sa kamandag ng serbesang naging kaibigan ko sa malulungkot na mga gabi;
Puwing na sa hindi pagkurap sa kaka-antay ng mensahe na kailanma’y hindi naman muling dumating;
Pagod na.
Parang isang lumang orasan na naubusan ng baterya sa kahahabol ng bawat segundo.
Manhid na sa sakit;
Wala nang maramdaman.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dahil tuloy pa din ang buhay matapos man ang credits ng pelikula.
Tuloy pa din ang mahaba at masalimuot na proseso ng paglimot matapos rumolyo ang mga kamera.

 

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dahil ang kwento natin,
Hindi pang happy ending.
Hindi pang-blockbuster.
Hindi pang one more chance.

Kung kaya’t ibabaon na lamang sa limot ang istorya nilang dalawa.
Itatapon na ang kakarampot na upos ng pag-asa na ibinahagi nila.
Bibitawan na ang mga pangakong napako at mga salitang nalusaw ng paghihintay.

 

Dahil ang kwento nila ay hindi natin magiging kwento.

 

Dahil sa bersyon natin,
Wala nang magaganap na ikalawang pagkakataon.

 

Salamat sa masasayang alaala.
Mahal na mahal kita.
At ang sakit sakit na.

  • Like (+1) 1
Link to comment

Sugarfree - Kwarto

 

Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punong-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban

Oohh... Oohh...

Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayo'y kailangan nang itapon

Chorus
Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon

May jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan

Repeat chorus

Mula ngayon

Ala-ala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto't naroon siya

Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto (4x)
Magpapaalam na sa 'yo(3x)
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...