Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

"Kung may number 1 at number 2, piliin mo si no.2, kasi never kang magkakaroon ng no.2 kung sapat si no 1".

 

Yan yung madalas na naririnig natin at isinisiksik ng mundo sa kaisipan natin, pero ang hirap lang kasi na tanggapin yung katotohanan na kapag no.2 ka, ikaw yung reserba, ikaw yung pampalipas oras nila, ikaw yung sandalan sa tuwing malungkot sila dun sa isa.

 

Pero ang totoo? Hindi naman tayo madalas pinipili!

Hindi madalas pinipili ang pangalawa. Kahit anong siksik mo sa tao na piliin yung pangalawa, wala kang magagawa kapag binabalikan padin yung nauna kahit na nasasaktan na sya, bakit?

 

-Takot sya na magkamali ng desisyon ulit kaya mas nag sesettle nalang sya sa una. Dahil mas sanay na sya sa sitwasyong magulo at puro sakit.

-Takot na syang sumugal ulit sa iba, dahil nag sink in na din sa isip nila na kalaunan magiging ganun din ang ending nya sa pangalawa.

-Takot na syang mag-start all over again. Yung mag "getting to know" stage ulit. Kaya kahit masakit bumabalik pafin sila sa una ng paulit-ulit.

 

Sa mga tao naman na may no.2 please lang, huwag kayong papasok aa mga buhay namin kung hindi niyo kami kayang panindigan. Tao lang din kami, umaasa at nasasaktan.

 

Sa mga tao naman na from the very beginning alam nilang no.2 sila, please lang habang maaga kumawala ka na. Kasi mas mahirap tanggapin sa huli na kaya ka iniwan kasi kahit ikaw yung nandiyan, hindi ikaw yung kailangan!

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...