Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Who, What Made you SAD today???


Recommended Posts

Edi ganito na nga.

Dati kaming magkaibigan nung college.
Friends na may something—may mutual na kilig, may special na connection.
Pero kahit anong lapit namin sa “pwede na,” never siyang nadevelop.
At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit.

Siguro hindi pa ako ready noon.
O baka hindi ko talaga alam kung gusto ko ba talaga siya.
O baka... lonely lang ako at naghahanap ng comfort.
Basta, ang sigurado lang—hindi ako handa nung panahon na ‘yon.

Yung tipong “kayo pero hindi,”
kayo pero walang label.
dumating pa sa point na muntik na nga may mangyari sa amin, pero umatras ako.
Siguro natakot akong maging tatay ng maaga.
O baka dala na rin ng pagiging indecisive ko noon.

Hanggang sa unti-unti, nawala yung spark.
Yung dating sweet, naging casual.
Yung dating malambing, naging parang tropa na lang.

Simula noon, tuwing may kailangan siya, nagme-message siya.
At pinapansin ko naman. Bakit hindi, diba?
Umaasa ako na baka this time maging sweet ulit kami.
Na baka bumalik yung dati naming connection.

Pero hindi. Friendly lang sya, common person na nagtatanong kung sino may ballpen, ganun.
pero deep inside feeling ko Kapag nakuha na niya yung favor niya,
Sibat na siya. syempre honest ako, yan yung nasa utak ko, pero alam ko na mali.

One time, kailangan niyang magpaturo sa subject nila.
Akala ko, nami-miss niya ako.
Pero hindi pala. Delusional lang ako.

Umasa ako na gusto niyang maging close ulit.
Pero pagkatapos ng session namin, naging cold na naman siya.
At ayun, wala na ulit pansinan.

Tanda ko pa nga noong nag papatulong sya sa project ng kapatid niya.
sakin okay lang naman, kahit Libre pa nga eh.
Basta maging close lang ulit kami. tapos magkaroon ng reason para magkausap kami
Pero pagkatapos ng project… kahit anong tanong ko o kulit ko,
isang tanong, isang sagot. tapos 3 working days bago mag reply.

Pero sa totoo lang, hindi naman lahat masama.
Masaya naman ako pag nakakausap ko sya
Ramdam ko, may connection kami.
Mabilis kami magkaintindihan, natural ang kwentuhan.
masaya ako pag meron nakikinig sa mga nangyayari sakin eh. tapos gustong gusto ko din naman malaman kung ano mga nangyayari sa kanya.

Hanggang isang araw, natanong ko siya tungkol sa isang cryptic post niya sa Facebook.
Akala ko tungkol sa buhay lang.
Pero tungkol pala sa jowa niya—
Seaman.
At sabi niya, parang naghiwalay na sila.
Hindi niya rin alam kung babalik pa.

tas ito na nga yung masakit pre,
sabi nya

"Mahal ko pa rin siya. First boyfriend ko kasi."

Durog talaga ako nun, pre.
Nagsisi ako nang malala.
Sana pala niligawan ko.
Sana pala tinanong ko man lang kung pwede ba maging kami.
Sana sinabi ko:

"Gusto kita. Pwede ba akong maging boyfriend mo?"

Edi sana ako yung nauna
Tangina, ang sakit.

Sabi ko sa sarili ko:

“Wala na akong lugar sa buhay ng taong ‘to.”
Siguro nga, simula nung natapos yung pagiging ‘more than friends’ namin,
Friend na lang talaga tingin niya sa ‘kin.

Lumipas ang panahon.
Naging busy ako sa buhay.
Naka-move on naman ako—kahit papano.
Pero nawala na rin yung landi sa katawan ko.
wala akong gusto at walang nag kakagusto sakin.
Siguro kasi mas naging seryoso na ako.
Trabaho. Aral. Goals. Kailangan yumaman.

Tapos eto na nga.

Kasi nga gusto ko maging mas approachable, nag try ako ng dating app.

tapos yun, nakita ko siya doon.
So siyempre, nag-swipe right ako!
Tangina, hindi siya nag-swipe back. HAHAHA

Nag-chat ako sa FB. Tinawanan ko siya.
"Bakit ka nasa dating app?"
As if naman wala siyang mahanap na jowa.

Tuloy-tuloy yung asaran. Ilang araw kaming naglolokohan.
Parang ang close na ulit namin, kahit matagal kaming hindi nag-usap.
Nag-meet up pa nga kami—tipong romantic dinner talaga.
Tapos after work tinatawagan ko siya, updates sa araw namin pareho
pucha parang pamilya na.

Sabi ko sa sarili ko:

“Baka ito na yung second chance ko.
Baka this time, dapat di ko na siya pakawalan.”

So naagplano ako ng outing. Yung kaming dalawa lang.
Simpleng Moto adventure—may konting thrill, mahabang biyahe, mahabang kwentuhan.
I was hoping na baka sakali bumalik yung dati naming connection.

Pero ano ba ini-expect nyo? Himala?

Tanga! Walang ganun.

Na-friendzone na naman ako.
Akala ko ito na.
Akala ko siya na yung The One.
Akala ko "comeback is real"
Pero yung totoo?
"History repeats itself"

well, sabagay
Ako nanaman nagplano.
Ako nanaman nagbayad.
May ambag siya sa food, konti
Pero mostly, pakana ko lahat.

At isipin mo, pare...
Sino ba naman ang tatanggi sa libre?
Baka sumama lang talaga siya kasi… libre.
Plus kilala niya ako, hindi na siya maiilang.
So basically, walang reason para tumanggi

Every time na nandiyan siya, nabubulag ako sa presence niya.
Para akong uto uto, sunod lang kung anong trip nya
Nakakalimutan ko kung ilang beses na niya akong iniwan sa ere.
Pero sa totoo lang, ako talaga yung may kasalanan nito pre.

Tanga ako.

Kahit gaano ka-obvious na wala siyang gusto sa ‘kin,
Delusional pa rin ako.
At tuwing lalapit siya, umaasa ako na...

“Baka nami-miss niya ako.”
“Baka may chance pa.”
“Baka moment ko na.”

Pero hindi.
Kasi hindi talaga ako gusto.

sobrang one sided nung story hahaha, kasi galing sa point of view ko.
siguro meron din sya gusto na hindi nya masabi sakin
so kung nababasa mo man to.
alam mo na yung feelings ko at alam mo na yung naramdaman ko
gusto ko pa sana ng unlimited chances eh
kaso kelangan ko na mag move sa new chapter ng buhay ko


aamin na ko

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...