Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

What would make students study harder?


Recommended Posts

May teacher kami nung high school na matandang dalaga at malapit na sa kanyang retirement year. Matagal na siyang nagtuturo sa school at iba't ibang henerasyon na ng estudyante ang nahawakan niya. Nirerespeto at iginagalang siya ng lahat sa school.

Sa klase, ikinukumpara niya kung paanong mas masipag, masikap at matiyaga ang mga estudyante noon kaysa sa amin na nasa makabago nang panahon. May tindig na pagka-istrikto pero napakagaling ng kanyang pagtuturo, malaman at madaling maunawaan. Pati sa pagdidisiplina, hindi siya nagpaparusa tulad ng pagpalo o pagpapalabas o pagpapatayo, pero bawat salita niya, papuri man o galit, ay talagang tumatatak sa amin.

Sa klase niya, pati yung mga pasaway na estudyante ay napapa-aral at bumabait. Maikukumpara mo ang ugali ng mga estudyanteng yun sa ibang teachers na halos wala silang pakialam.

Isa itong halimbawa na nasa gumagabay din ang magdadala sa ikabubuti man o ikasasama ng kanyang mga ginagabayan. Para sagutin ang tanong, ang magandang ugali at disiplina ay hinuhubog simula pagkabata kaakibat ng maingat at maayos na paggabay ng mga magulang kabilang na ng mga guro. Nasa naggagabay at nagtatanim ang magpapalaki ng isang magandang puno. Bigyan ang mga mag-aaral simula pagkabata ng maayos na kapaligiran, pamilyang nagmamahalan at payapa, tamang paggabay mula sa nakakatanda, at pagkilala at pag-ibig sa Diyos at makakapagpalaki ng isang punong matatag at nagbubunga, hindi lang sa pag-aaral kundi pati sa kanyang mga pakikibaka sa mundo.

Link to comment
  • 2 weeks later...

Kung iisipin lang ng bawat estudyante na panghabang buhay niyang aanihin ang mga benepisyo ng pagtatapos ng pagaaral lalo na at sa Pilipinas sila nakatira. Dahil edukasyon ang magiging pundasyon niya bilang isang mabuting tao at mamamayan. 

Kaso astig talaga pag nagka-cutting classes ka nung hayskul para simulang i-master ang ibat ibang bisyo... malagpasan mo man, mas marami ang mga kabulastugan sa kolehiyo...

Link to comment
  • 1 month later...
  • 1 month later...

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...