Jump to content

Annulment 101

Zorro

Recommended Posts

Pwede.

Mas madali yan kesa sa "psychological incapacity". Problema mo lang ang pagpapatunay na buhay pa ang unang asawa ng asawa mo hanggang ngayon.

Buhay pa po yung hapon na inasawa nya noon pero according to her friend na annulled na din yung kasal nya sa hapon nung 2015

Pano po kaya magandang gawin dito sa sakit ng ulo ko? Hehehe hiwalay na din po kasi kami last year lng and gusto ko po talagang ipa annul yung kasal namin dahil sa pang loloko nya sa akin.

Link to comment

Kailangang makakuha ka ng matibay na ebidensya na buhay pa si Hapon nung kayo ay ikinasal, at matibay na ebidensya na ang diborsyo na nakuha ni Hapon ay pagkatapos na ng inyong kasal. Kapag meron ka na nito, madali na ang pagsampa ng kaso sa hukuman para ipawalang bisa ang kasal mo.

  • Like (+1) 1

Ahh magaling kaya ko po nalaman na kasal sya sa hapo bago kami kinasal ay dahil din sa divorce paper na kinuha nya sa japan nung nag punta sya. Sa totoo lang kaya ko nalaman na kasal sya ay dahil sa divorce papers na naipa translate ko ito at nalaman ko nga na kasal pala sya. Tanong ko lang po ulit.. Madali po ba ang proseso nito kung ma provide ko yung lahat ng ebidensya na meron ako?

Salamat

Link to comment
  • 1 month later...

good day po sa lahat, salamat at may ganitong forum,

sana po may makapansin.,

may girlfriend po ako at inaya nya po ako mag secret marriage po kami sa kadahilanan na siya mag aabroad, dahil mahal ko po siya nung time na iyon, pumayag po ako, ang age ko po nun ay 20y/o, after nun secret marriage umalis na po siya ng bansa, hindi po kami nag sama sa iisang bahay, wala din po kami naging supling,.

pag dating nya po galing abroad nag sabi siya na magpapakasal siya sa ibang lalaki na taga ibang bansa ibang lahi, at nakapag pakasal naman po siya at dun na po sila nanirahan sa bansa ng pinakasalan nya., at nagka anak naman po sila.

tapos po nakapag pa kasal din po ako after two years nang kasal sa una na secret marriage,

naka pag file po ako nang annulment sa pangalawang pinakasalan ko at na may decission na din po ang court at nai file ko na din po sa dating nso na psa na po ngayon.

gusto ko po kasing mag pakasal uli, kaya lang po hindi po ako makakuha ng certificate of single dahil may kasal po ako sa una.

ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin... muli salamat po ng marami sa inyong forum na ito.. at marami po kayo ma guide//.. again thank you

Link to comment

Pwede po ba ma annul yung kasal ko? 10 years na kami hiwalay ng asawa ko. meron na sya kinakasama sa province at meron na sila 2 anak. saka magkano po kaya estimate na magagastos? Tnx

Pwede. Mas malamang sa hindi, ang magagamit mo na basehan ay "psychological incapacity" ng asawa mo. Depende sa abugado yung gastos, pero medyo magastos ang pagpapa-annul (mas malamang sa hindi bababa sa 200T ang gastos, baka mas tumaas pa)

Link to comment

good day po sa lahat, salamat at may ganitong forum,

sana po may makapansin.,

may girlfriend po ako at inaya nya po ako mag secret marriage po kami sa kadahilanan na siya mag aabroad, dahil mahal ko po siya nung time na iyon, pumayag po ako, ang age ko po nun ay 20y/o, after nun secret marriage umalis na po siya ng bansa, hindi po kami nag sama sa iisang bahay, wala din po kami naging supling,.

pag dating nya po galing abroad nag sabi siya na magpapakasal siya sa ibang lalaki na taga ibang bansa ibang lahi, at nakapag pakasal naman po siya at dun na po sila nanirahan sa bansa ng pinakasalan nya., at nagka anak naman po sila.

tapos po nakapag pa kasal din po ako after two years nang kasal sa una na secret marriage,

naka pag file po ako nang annulment sa pangalawang pinakasalan ko at na may decission na din po ang court at nai file ko na din po sa dating nso na psa na po ngayon.

gusto ko po kasing mag pakasal uli, kaya lang po hindi po ako makakuha ng certificate of single dahil may kasal po ako sa una.

ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin... muli salamat po ng marami sa inyong forum na ito.. at marami po kayo ma guide//.. again thank you

ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin...?

kailangan mo rin ipa-annul yang unang kasal mo. mas malamang sa hindi, lampas 25 na ang edad mo ngayon. kung ganun nga ang sitwasyon, di mo na pwedeng gamitin yung ikaw ay 20 lang nung ikasal, at walang pahintulot ng magulang mo, at ni minsan di kayo nagsama (paso na ito, at meron ka lang apat na taon mula maging 21 para isampa ang pagpapawalang-bisa ng kasal mo sa ganung dahilan).

kalalabasan niyan, ang pwede mong gamitin na lang ay "psychological incapacity" ng asawa mo.

may posibilidad din na diniborsyo ka ng asawa mo, bago siya nagpakasal sa foreigner na yun. Kung siya ay naturalized citizen na ng bansang iyon bago ka niya diniborsyo, maswerte ka, pwede mong gamitin ang diborsyo na yun para ipawalang bisa ang kasal ninyo.

pero kung siya ay Pilipino pa nung diniborsyo ka niya, malas mo, di yun pwedeng gamitin para makatakas ka sa inyong kasal.

O may posibilidad din na hindi na siya nagdiborsyo, nagkunwari siyang single tapos nagpakasal sa foreigner na yun, Kapag ganun, malas ka pa rin,

Sa mga ganung pagkakataon, ang pag-asa mo na lang ay ipakita na may "psychological incapacity" yung asawa mo nang kayo ay ikinasal, para mapa-walang bisa ang kasal ninyo.

  • Like (+1) 1
Link to comment

Question po. I been separated with my wife for almost 14 years di ko alam kung nasaan na sya wala na kaming communications simula nun. May nakapagsabi sa akin na pde ko na declare na patay na sya. Gusto ko na kase pakasalan ung 3 years kung girl friend. What can you suggest na legal para mapakasalan ko na sya. Thanks!

maghain ng petition para ipawalang-bisa ang kasal mo sa dahilang ang nawawalang asawa mo ay "psychologically incapacitated."

hindi tutoo na patay na ang asawa mo. ikaw mismo, ALAM MO NA BUHAY ITO! tinatamad ka lang hanapin ang asawa mo! Wag mong sabihin di mo alam kung sino ang magulang niya at mga kamag-anak niya. alam mo kung saan nakatira ang magulang o di-kaya'y kapatid, pinsan, o kamag-anak ng asawa mo. alam mo ang hometown niya. kung gugustuhin mo, makakapagtanong tanong ka kung nasaan na yang magaling mong asawa! dahil dito, di ka pwede maghain ng petisyon sa korte para ideklarang patay na ito. Strikto ang korte pagdating sa ganitong petisyon... ano ang ebidensya mo na patay na ang asawa mo? ano ang ebidensya mo na nawawala ang asawa mo? hinanap mo ba siya sa pulis? sa mga kamag-anak niya? sa hometown o barangay nila? ipina diyaryo o radyo mo ba ang kanyang pagkawala? Ito ang mga klase ng tanong na itatanong sa iyo sa korte. At hindi katanggap tanggap kung SALITA MO LANG ang patunay ukol dito, kailangan magharap ka ng pulis, ng taga-barangay, ng mga kamag-anak ng asawa mo para tumestigo na hinanap nga nila ang asawa mo, pero di na ito nakita. Kung wala kang ganitong ebidensya, madidismiss lang ang petisyon mo. Sayang lang ang ibabayad mo sa abugado kung ganun. Gagastos ka na rin lang, dun ka na sa mas sigurado - psychological incapacity ng asawa mo, o ninyo pareho.

Edited by rocco69

Ok Sir! Salamat sa advice!

Link to comment
  • 2 weeks later...

salamat po ng marami sa reply..

more power po talaga sa mga taong nag responce dito sa maraming katanungan... hope marami pa po kayo mai guide na mga tao... :) :) :)

kudos

ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin...?

kailangan mo rin ipa-annul yang unang kasal mo. mas malamang sa hindi, lampas 25 na ang edad mo ngayon. kung ganun nga ang sitwasyon, di mo na pwedeng gamitin yung ikaw ay 20 lang nung ikasal, at walang pahintulot ng magulang mo, at ni minsan di kayo nagsama (paso na ito, at meron ka lang apat na taon mula maging 21 para isampa ang pagpapawalang-bisa ng kasal mo sa ganung dahilan).

kalalabasan niyan, ang pwede mong gamitin na lang ay "psychological incapacity" ng asawa mo.

may posibilidad din na diniborsyo ka ng asawa mo, bago siya nagpakasal sa foreigner na yun. Kung siya ay naturalized citizen na ng bansang iyon bago ka niya diniborsyo, maswerte ka, pwede mong gamitin ang diborsyo na yun para ipawalang bisa ang kasal ninyo.

pero kung siya ay Pilipino pa nung diniborsyo ka niya, malas mo, di yun pwedeng gamitin para makatakas ka sa inyong kasal.

O may posibilidad din na hindi na siya nagdiborsyo, nagkunwari siyang single tapos nagpakasal sa foreigner na yun, Kapag ganun, malas ka pa rin,

Sa mga ganung pagkakataon, ang pag-asa mo na lang ay ipakita na may "psychological incapacity" yung asawa mo nang kayo ay ikinasal, para mapa-walang bisa ang kasal ninyo.

Link to comment

ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin...?

kailangan mo rin ipa-annul yang unang kasal mo. mas malamang sa hindi, lampas 25 na ang edad mo ngayon. kung ganun nga ang sitwasyon, di mo na pwedeng gamitin yung ikaw ay 20 lang nung ikasal, at walang pahintulot ng magulang mo, at ni minsan di kayo nagsama (paso na ito, at meron ka lang apat na taon mula maging 21 para isampa ang pagpapawalang-bisa ng kasal mo sa ganung dahilan).

kalalabasan niyan, ang pwede mong gamitin na lang ay "psychological incapacity" ng asawa mo.

may posibilidad din na diniborsyo ka ng asawa mo, bago siya nagpakasal sa foreigner na yun. Kung siya ay naturalized citizen na ng bansang iyon bago ka niya diniborsyo, maswerte ka, pwede mong gamitin ang diborsyo na yun para ipawalang bisa ang kasal ninyo.

pero kung siya ay Pilipino pa nung diniborsyo ka niya, malas mo, di yun pwedeng gamitin para makatakas ka sa inyong kasal.

O may posibilidad din na hindi na siya nagdiborsyo, nagkunwari siyang single tapos nagpakasal sa foreigner na yun, Kapag ganun, malas ka pa rin,

Sa mga ganung pagkakataon, ang pag-asa mo na lang ay ipakita na may "psychological incapacity" yung asawa mo nang kayo ay ikinasal, para mapa-walang bisa ang kasal ninyo.

di mo na pwedeng gamitin yung ikaw ay 20 lang nung ikasal, at walang pahintulot ng magulang mo, at ni minsan di kayo nagsama (paso na ito, at MERON KA LANG APAT NA TAON mula maging 21 para isampa ang pagpapawalang-bisa ng kasal mo sa ganung dahilan).

Oooooops! My bad - meron ka lang LIMANG TAON mula maging 21 para isampa (see Art. 47, Family Code)

Link to comment
  • 3 weeks later...

GF ko now dating kasal sa American citizen.

tapos na divorce nila complete with original court docs.

How can she remarry here in the PH? eh nag reflect sa atin na married siya.

Article 26a ba yung reference ng ganitong case?

And if ever ano need ko gawin andhow much should i prep?

Kinikilala ng ating batas ang divorce ng isang Plipino mula sa asawang foreigner (ang hindi kinikilala ay divorce sa pagitan ng dalawang Pilipino).

Kaya may bisa ang divorce na nakuha ng GF mo.

Kaya lang, ang divorce ay desisyon ng korte ng ibang bansa. Ang desisyon ng korte ng ibang bansa ay hindi agad-agad nagkakabisa dito sa Pilipinas. Kailangang magsampa ng kaso para kilalanin ang desisyon dito sa atin (tawag dito ay "Petition for Recognition of a Foreign Judgment of Divorce).

Kailangan ng certified true copy ng divorce (ang magsesertipika dito ay ang Secretary of State ng State sa America kung saan iginawad ang divorce, pagkatapos ito ay ipapa-authenticate din sa ating Consulate)

Kailangan din ng certified copy ng batas ukol sa divorce ng State kung saan nakuha ang divorce [kailangan kasing patunayan na ang batas nila tungkol sa divorce ay nagbibigay-karapatan dun sa foreigner na makapagpakasal ulit] (ang magsesertipika dito ay ang Secretary of State ng State sa America kung saan iginawad ang divorce, pagkatapos ito ay ipapa-authenticate din sa ating Consulate).

Pag naglabas na ng desisyon yung korte na kinikilala na yung divorce, ipaparehistro na ito at yung divorce sa civil registrar, para pwede na siyang magpakasal pagkatapos.

May gagastusin ka rin dito, at sa pagkuha pa lang ng papeles sa America ay malaking gastos at abala na. Eh, para sa abugado pa.

Edited by rocco69
Link to comment
  • 2 months later...

Atty. mag babago po ang presyuhan ng annulment if mapasa ang divorce? or mas mahal din ang divorce since maraming mag avail?

hangga't di lumalabas ang batas, di natin masasabi. Una, di pa natin alam ang rules governing the same, pangalawa, kanya-kanya din kasi ang pricing ng lawyers, ika nga:YMMV

Link to comment
  • 2 months later...
  • 1 month later...
  • 3 months later...

Hello...new member here...just wanna know kung (1) nag-aaccept ba ang PAO ng legal separation or annulment cases for people like me na wala naman pera na magpa-legal separation or annulment??? (2) mas mabuti ba kung mag-legal separation muna or derechong annulment na??? (3) Sino po kaya ang mas papanigan ng court kung saan mapupunta ang anak A = sa father na walang work / source of income pero may naipon naman na konti para buhayin ang anak or B = sa mother na nangaliwa which questions the morals kung mapapalaki ang anak sa tamang landas???...sorry po at napadami ang tanong ko

(1) nag-aaccept ba ang PAO ng legal separation or annulment cases for people like me na wala naman pera na magpa-legal separation or annulment?

kung makakakuha ka ng certification sa barangay na indigent ka, wala kang property (baka kailangan ng certification mula sa Assessor na wala kang property; at mula sa BIR na ikaw ay hindi taxpayer), baka hawakan ng PAO ang case mo. Pero, kung ikaw ay kumikita (kahit maliit lang), hindi maaaring hawakan ng PAO ang kaso mo. Kapag ganun, maaari kang lumapit sa Legal Aid ng Integrated Bar of the Philippines o di-kaya sa legal aid ng isang law school (magtanong sa law school na malapit sa iyo, baka sakaling meron silang ganung programa).

(2) mas mabuti ba kung mag-legal separation muna or derechong annulment na???

ang "legal separation" ay para sa mga kasal na may bisa, pero ayaw nang makasama ang asawa (kaya nga, "separation", gusto mo hiwalay ka sa asawa mo).

Ang "annulment" ay aksyon na isinasampa para ipawalang-bisa ang kasal mo dahil may depekto ito; samantalang ang "declaration of nullity" ay aksyon na isinasampa para ipahayag na walang-bisa ang kasal sa simula't sapul.

Sa madaling salita, walang depekto ang kasal sa "legal separation" samantalang may depekto, o walang-bisa sa simula pa lang, ang kasal sa "annulment" o "declaration of nullity."

Pag ikaw ay nagsampa ng "legal separation", ibig sabihin INAAMIN MO NA WALANG DEPEKTO ANG KASAL MO, kaya nga ang hinihingi mo sa hukuman ay payagan ka na humiwalay na lang sa asawa mo. Otherwise, kung me problema sa kasal mo, hindi ka hihingi na humiwalay lang sa asawa mo.

In other words, WAG KANG MAG-FILE NG LEGAL SEPARATION kung may balak kang ipawalang-bisa ang kasal mo, dahil nga pag nagsampa ka nito, inamin mo na na walang depekto ang kasal mo, at sasabihin ng hukuman na hindi mo na pwedeng bawiin yung pag-amin mo na ito. In short, derechong annulment o declaration of nullity ka na.

(3) Sino po kaya ang mas papanigan ng court kung saan mapupunta ang anak A = sa father na walang work / source of income pero may naipon naman na konti para buhayin ang anak or B = sa mother na nangaliwa which questions the morals kung mapapalaki ang anak sa tamang landas???

Lahat ng issue ng kustodiya ng bata ay depende sa kung ano ang mas makakabuti sa bata. Pero, matinding pamantayan ang edad ng bata, at sinasabi nga na ang batang mas mababa sa pitong taong gulang ay dapat mapunta sa nanay.

Kailangan ding malaman kung sila ay kasal o hindi (kung hindi sila kasal, illegitimate ang bata, at sabi ng batas, ang illegitimate [kahit ano pa ang edad nito] AY SA NANAY MAPUPUNTA)

Kung sila ay kasal, ilang taon na ba ang bata? Kapag ito ay mas mababa sa pitong taon, mas malamang sa hindi, sa nanay ito mapupunta (mas lalo kung sanggol pa ito, at hindi pa naman ito nakakaintindi sa mga bagay-bagay ukol sa moralidad. sabi nga, kahit isa pang prosti ang nanay, kung sanggol pa ang bata, sa nanay ito dapat ibigay).

Hindi batayan na may pera ang tatay at yung nanay wala; dahil uutusan lang ng hukuman ang tatay na magbigay ng sustento para sa bata.

kapag pito pataas, ang importante naman, kung sino ang gusto ng bata, pero subject pa rin sa konsiderasyon na "ano ba ang mas makakabuti sa bata?"

Maraming salamat po sir sa inyong reply at paliwanag...mukhang hindi matatanggap ng PAO ang case ayon sa inyong pagkakapaliwanag kasi may ipong pera naman ang lalaki. Sa pangalawang tanong naman po ay medyo kumplicado kasi ang gusto ng lalaki ay humiwalay na sa babae para maka-move-on at makahanap na rin ng ibang posibleng katuwang sa buhay since yung babae ay nanlalaki...ayaw lang kasi ng lalaki na mabweltahan sya at biglang baliktarin ng babae na yung lalaki ang nambabae naman...kaya gusto magpa-legal separation ang lalaki bago maghanap ng iba. Tungkol sa kasal nilang dalawa noon ay valid naman o legal...pero ang gusto kasi ng lalaki na magpa-annul ay para legal na ulit sa magpakasal sa iba in the future. Sa pangatlong tanong naman po...yung anak nila ay mag-10 years old na sa darating na October...sa kung kanino mapupunta yung anak ay gusto sana ng ama na sa kanya mapunta ang anak sa kadahilanan na may balak mag-abroad yung nanay at ayaw mapunta ng tatay sa nanay kasi pag natuloy umalis mag-abroad yung nanay ay iiwan rin lang naman yung bata sa kamag-anak nung nanay...

so dalawa po talaga ang ifa-file...yung legal separation para totally di na nya makasama yung babae at malaman kung kanino mapupunta yung bata...tapos annulment para naman makapagpakasal yung lalaki in the future???...tama po ba???...grabeh ang dami ng hassle at ang gastos pala masyado...tsk tsk tsk

sorry po at medyo may dagdag na katanungan pa ako...kasi balak ng babae na kunin yung anak nila ng sapilitan...ano po kaya ang pwedeng gawin para hindi ito mangyari...kasi nangangamba ang ama nung bata na magamit ang kanilang anak na pagkaperahan lang ng nanay dahil sa pagpapanggap nito na single mom at para kaawaan ito ng mga ibat-iabng lalaking sinasamahan nya...

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...