Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Writings of the Heart


Recommended Posts

"Una,

napakatamis ng mga simula,

ng mga umaga na ang bumubungad sa’yo ay ang kanyang mukha.

Nag-aalmusal ka ng kilig at pagdating sa gabi ay baon mo siya hanggang sa paghimbing.

Dito, dito mo matututunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti,

ng ibang kamay na humahawi sa’yong buhok,

ng mga mata na sumisisid sa iyong kaluluwa.

 

Pangalawa,

napakadaling maging kampante at masanay sa pagmamahal.

Ang malunod sa kapangyarihan ng ‘kami’, ng ‘tayo’, ng ‘atin’.

Pero paano naman ang ‘kanya’?

Paano naman ang ‘ako’?

Napakadaling malunod sa akalang ang iyo ay mananatiling iyo.

 

Pangatlo,

mapapagod ka.

 

Pero pang-apat,

ang tunay na pag-ibig, hindi dapat sinusukuan ‘di ba!?

Pero pang-lima,

ang tunay na pag-ibig ay hindi parating sapat!

Kapag ang mga pakpak na binigay nito sa’yo ay bumigat at naging kadenang ni ayaw kang patayuin,

kapag ang langit ng pusong minsa’y nilipad mo ay naging kulungang nasa ‘yo naman ang susi at kandado pero ayaw mong lisanin…

Pang-anim.

Ang pinakamabagsik mang apoy ay mamamatay.

Maghanda ka sa sakit.
Pero ‘wag kang mag-aalaga ng galit,

 

ito ang pang-pito.

Iiwanan kang puno ng sugat at pilat at paltos nito.

Iiwanan kang umuusok sa poot sa kanya, sa mundo, sa sarili mo.

Iiwanan ka nitong abo.

Pang-walo.

Maghanda ka sa wakas.

Pang-siyam.

Alam ko, parang hindi ka pa handa sa wakas,

wala naman yata talagang nagiging handa sa wakas pero nandiyan na siya ~

At sa wakas, pang-sampu.

Mahalin mo pa siya.

Sa tingin,

sa tanaw,

mula sa abo na iniwan ng inyong apoy,

mahalin mo pa siya.

Pero kung ang pakpak ng pag-ibig ay naging gapos na,

kapag ang dating langit sa puso mo ay bilanggo ka,

mahalin mo siya sa huling pagkakataon

pagkatapos,

bitaw na.

— Juan Miguel Severo

 

Edited by MrCPA
Link to comment

original writings of Michael Paolo Cariaso:

 

 

"I saved a drop of your scent

in my own days of solitude,
for the years that will be spent to ponder,
by the seconds left to embrace this moment.
If I were to count the ways we have loved,
I would rather count the stars with you.
If we have to face each other’s presence,
I would close my eyes to see you.
It is through this emptiness that I have
known you.
But for the things that I
have always questioned,
you made everything seemed
to be true."

  • Like (+1) 1
Link to comment

great evening till morning , having a memorable breakfast with him and with my kids :) peru hanggang sa matapos ang araw , di ku na sya nakausap .. alam ko naman na baka tulog sya peru di ku maiwasan na magalala skanya , and my sister said " wag ka ngang paranoid , may mga kailangang asikasuhin yung tao di lang ikaw ang priority nia " ... masakit skin kasi di ku maiwasan talaga kasi sobrang nasanay aku na araw araw nlang sya ang lage kong kasama at kausap ..

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...