Jump to content

Filipino Habit That You Hate


Guest airmax

Recommended Posts

agree or disagree kayo sa sasabihin ko pero eto ang usual na nakikita ko sa ugali ngayon ng filipino based sa pagbantay ko sa tindahan..one is pagsa babae always pasossy bibili lang ng isang bagay papasossy pa anu bang mapapala mo dun? second is kung magtrato sa kapwa filipino porke tindera lang yun kausap kung maliitin kala mo kung sino e pareho lang naman kayong tao, third is sa usual ang ng lahat ang ugaling Late!

Link to comment

1. ) tamad

2.) ayaw pumila either tao o sasakyan pag sa toll gate

3.) mga pulpolitiko nating kurap

4.) ningas kugon

5.) chismoso at chismosa manung mag isip ka ng ikauunlad mo sa sarili

6.) di marunong magbayad ng utang

7.) mahilig sa payabagan gaya ng bagong gadgets at compare sa iba

8.) mahilig mag name droppped

9.) mapanglait sa kapwa

10.) pag sa pinas daming violations pag sa ibang bansa ke babaet

11.) mahilig umasa lagi sa kaanak na OFW manung kumayod din sila para makatulong

12.) bobotante

13.) mapanglamang

14.) manyana ugali

15.) alang pagmamahal sa sariling bansa

16.) pag may sakuna mahilig magsamantala yung iba nating kababayan

17.) alang disiplina

Link to comment
  • 3 weeks later...

1. WALANG DISIPLINA. kahit san nagtatapon ng basura.ang mga traffic and road signs, hindi sinusunod. bigla dumudura kahit saan.matatapakan mo nalang ang plemang kulay green kung hindi ka nagiingat.

2. SOCIAL CLIMBER. iphone. tingin ka sa fb ng mga selfies na may kasamang phone. 100% iphone ang hawak.hindi ko tlaga maarok bakit kailangan iphone ang pangselfie.pwede naman cherry mobile, myphone, oppo atbp. SUVs. napapansin ko din na may mga taong may kotse wala naman parking lot at magtataka ka nkatira pa sa squatters area. for reference, daan po kayo sa floodway, pasig.dun marami.may pambili sila ng kotse, bahay wala. at syempre kapag uso, kailangan meron din ang pinoy kahit cannot afford.

3. RACIST. ako po ay filipino chinese. kadalasan tuwing dumadaan ako sa kalsada.lagi ako sinisigawan ng 'intsik', 'intsik beho', at kung anu anung pambababoy sa lengguwahe namin mga chinese. at bakit ganun din ang trato nila sa mga Indian nationals? wala naman ako ginagawang masama sa kanila.naisipan lang nila manglait ng tao para sa ikakatuwa nila.

4. BALASUBAS. sa aking negosyo,may mga tauhan ako na umaadvance ng sahod na hindi nagbabayad.tapos hindi na bumabalik sa trabaho. ganoon din sa tindahan ko, marami ang umuutang ang hindi nagbabayad.around 90% of the time,ganun ang aking experience.

  • Like (+1) 1
Link to comment
  • 3 weeks later...

Ayoko sa Ugali ng pinoy ang pagiging Mayabang at Mapanglamang sa Kapwa. Wala ng ibang iniisip kundi ang sarili nila kahit na may nasasaktan or napapahamak dahil sa kanila wala pa rin silang pakialam.

Ang pagiging Plastik at Sinungaling ang pinaka-ayoko sa lahat.Kapag kaharap ka kala mo kung sinong concern at ang bait-bait sa'yo pero kapag wala ka sa tabi nya sya pa ang unang naninira at kung anu-ano ang sinasabi na di maganda sa pagkatao mo.

Sayang no! Talented at Matatalino pa naman ang Pinoy pero di naman ginagamit sa Tama.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...