Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Living Abroad Vs Living In The Philippines?

Recommended Posts

Nakakalungkot naman to ser. Sa hindi pagboto parang sinukuan nyo na yung idea na may pagasa pang mgbago. Mejo idealistic pa ko siguro. Baka pagtagal maging kasing jaded nyo na ko sir. Sangayon kse ko sa mga sinasabi nyo eh. Except dun sa hindi pagboto.

Ewan ko, naghahanap pa ako ng dahilan siguro para kumbinsihin sarili ko na worth it ang abala. Ang layo ng consular office. Although by mail lang naman pwede na, abala pa din yun. Sa dami ng gagawin dito, abala pa din kahit papano. Nakakadismaya kasi di naman mangangampanya ang mga tao sa sa national level sa mga kagaya ko, or kagaya natin na me pinagaralan. Totoo lang tayo na mga di pumipila sa mga supot na yan ay di naman mahalaga sa kanila. pakiramdam ko, ang pinakasilbi natin magbayad ng buwis (me binabayaran pa din akong mga buwis dyan), magpadala ng remittance. at yung mga Mangmang nating mga kababayan pipili kung sino bubulsa nito. Nakakadismaya. Nakakahinayang.

Idealistic din ako. Nung umalis ako ng pinas para magaral, pilit kong humingi ng study leave. Ginusto ko bumalik ulit. Pero dahil sa pulitika at technicality, mas ginusto ng department na magresign ako, tutal kung magaaply ulit daw ako matatangap naman ako. Isa pang sumira sa tiwala ko, pagdating dito, yung bulok na sistema ng gobyerno natin, nadadala hangang dito. Namaaaaaaaaaan! Ito ha pwera biro, mas maayos pa trato samin ng immigration office at city hall ng bansang ito kesa sa sarili naming consular office. Tataray ng mga tao dyan, ang yayabang kala mo kung mga sino. Tumawag ka na at lahat di ka pa sasagutin maayos tanong mo, akala nila ang dali dali pumunta sa consular office. Pagdating mo pa dun, labo labo yung sistema.

Ewan, halata sa post na ito frustration ko. Gusto ko pa din bumalik at makapiling na pamilya ko at mga totoong kaibigan. Kaya bukas isip ko, Kayo dyan baka gusto nyo ako subukan kumbinsihin

Link to comment

Grabe sir, kahit pala sa ibang bansa, bulok pa dn gobyerno! Di ko na kayo masisisi sir. Mukhang sobrang advance ng pinagaralan nyo, wala sigurado nyan sa pinas. Business n lng babalikan nyo sa pinas if ever. Abangan na lang natin sino bagong presidente, sana magi siyang catalyst for change.

Me kilala akong DepEd teacher na nagaral din dito. Ok yung training nya, dami natutunan, pero pagbalik ng pinas wala! Di nya magamit natutunan nya. Worst of all, lahat yata ng katrabaho nya nainsecure sa kanya. Ayun bumalik din dito para magturo, mas malaki kita nya ngayon.

Siguro boboto pa din naman ako. Sana me worth it na kandidato talaga na pwedeng suportahan. Hindi lang yung para sa mga mahihirap lagi. Kundi tayo na mga nasa middle class. Deserving din naman tayo sa reporma eh. Tayo nga nagbabayad ng buwis di ba?

Link to comment

kung naging maayos lang ang bansang pinanggalingan ko sa pagtrato sa mga foreigner at naging ok ang posisyon ko dun sa kumpanyang inalisan ko, malamang sa malamang, hindi na talaga ko uuwi ng pinas... opinyon ko lang, kaya lang naman umuuwi at nagfo-for good ang mga OFW is not bec they really wanted to, but mostly bec wala rin silang choice - wala namang ibang mauuwian kundi sa pinas lang. :ninja:

Link to comment

Me kilala akong DepEd teacher na nagaral din dito. Ok yung training nya, dami natutunan, pero pagbalik ng pinas wala! Di nya magamit natutunan nya. Worst of all, lahat yata ng katrabaho nya nainsecure sa kanya. Ayun bumalik din dito para magturo, mas malaki kita nya ngayon.

Siguro boboto pa din naman ako. Sana me worth it na kandidato talaga na pwedeng suportahan. Hindi lang yung para sa mga mahihirap lagi. Kundi tayo na mga nasa middle class. Deserving din naman tayo sa reporma eh. Tayo nga nagbabayad ng buwis di ba?

A man after my own heart! Sobrang lugi talaga ng middle class natin sir. As compared to other nations, isa tayo sa pinaka unfair ang taxing system i read somewhere. 😩
Link to comment

Sadly, ang gobyerno natin, imbes gawan sana ng paraan para hindi na kelangan mangibang bayan maraming pilipino, mas gusto pa ata yung kabaliktaran. Mas maraming remittances, mas nasasalba ekonomiya ng Pilipinas na pinagnanakawan nila lagi. Pacute lang naman yang tawag na bagong bayani na yan eh. Obligasyon ng gobyerno natin na hanapan sila matino tinong buhay sa pilipinas. Masaklap pa, kung gaano kabulok sistema satin, ganun din pagdating sa mga consular offices. Buti pa city hall ng bansang ito eh, mas maayos pa pagtrato samin

  • Like (+1) 1
Link to comment

Ay sorry sir, ibig ko sabihin kay miss maria kung aalis siya ng pinas to work, better do it sooner than later. Ibang usapan naman yung tinutukoy nyo, retirement naman yata yan sir. Di ko pa naiisip yun, pero baka sa pinas ako mgspend ng sunset of my life. Hehehe

retirement nga ang tinutukoy ko. pero kahit naman hindi pa retirement masarap dito sa pinas. stable job lang katapat. kung kaya mo naman bilihin lahat ng needs mo okay na dito sa pinas. ang pinaka maganda kasi satin ay wala tayong snow. hindi nagiging sobrang lamig o init. tama lang ang temperature dito satin buong taon. di kagaya sa ibang bansa ang layo ng temperature na difference. tapos may mtc pa tayo na pwede pagkaabalahan hehehe

Amen brader! Sa ngayon hanggang basa2 na lang muna ng mtc.
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...