Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Dream School/s


Recommended Posts

marami saten ang hindi nakapasok sa kolehiyo o unibersidad na pinangarap at di nakuha ang kursong gusto. ang mga kadahilanang ay maaring din nakapasa, masyadong malayo, mataas ang matrikula etc.

 

saang (mga) kolehiyo/unibersidad pinangarap mo makapag-tapos?

 

anong (mga) kurso na unang-una sa iyong listahan?

 

 

halimbawa:

 

up - hra

 

ust - biochemistry

 

ateneo - kahit ano :lol:

Edited by lovelybabe
  • Like (+1) 1
Link to comment

Noong high school, wala akong alam sa pataasan ng ihi ng iba't ibang mga eskwela. Para sa akin dati, pare-pareho lang ang mga collge. Pero noong 4th year, biglang naging matunog sa tenga namin mga estudyante ang UP (marahil siguro dahil mura lang ang tuition fee sa UP. Lahat ng magulang ay gustong magbawas ng gastos, kaya bini-brainwash ang mga anak na mag-aral sa UP.

 

Ako naman, wala akong pakialam dati sa gastos. (Syempre, di naman ako ang nagbabayad. Wala pa akong alam dati sa paghihirap ng magulang ko para lang makapag-aral kaming magkakapatid.) Inalam ko na lang kung aling mga eskwela ang mga magaganda. Mula sa mga pagtatanong ko, naisip kong mag apply sa apat na unibersidad: UP, Ateneo, La Salle at UST. Sa apat na ito, UP ang first choice ng lahat. Sa totoo lang, nakakatamad mag-apply at mag-exam sa mga college, pero dahil hindi naman ako siguradong makakapasa sa UP, nag-apply na rin ako sa tatlo.

 

Nakapasa ako sa apat.

 

Ang problema lang, ang kurso ko sa UP ay APPLIED PHYSICS (hindi binigay sa akin yung 1st choice ko na BS Psychology). Eh legendary ang pagkabobo ko sa anumang paksa na may numero, kaya hindi ako nagsaya nung malaman ko, kahit na binabati na ako ng mga magulang, tito, tita, lolo at lola ko ng "congratulations". (hindi ko rin pala alam na "there is such a thing as SHIFTING.")

 

Gusto ko sanang mag-UST dahil halos buong pamilya at mga kamag-anak sa "father side" ay nag-aral sa UST (at 60% ng high school batchmates ko ay nagsabing mag-aaral sila sa UST) pero ang magulang ko na mismo ang nagsabing sa UP na lang ako o Ateneo dahil daw mas "maganda' ang dalawang eskwelahan na ito kesa sa UST. Wala akong alam sa pinagsasabi nila tungkol sa qualidad ng edukasyon, pero na-kumbinsi nila ako sa "proximity argument." Mahirap mag-commute, at mula grade-school hanggang high school, schoolbus ako.

 

Ang La Salle naman, wala naman talaga akong interes na mag-aral doon dahil sobrang layo sa Quezon City. Kaya hindi ko na pinansin yung acceptance letter nila.

 

Ewan ko ba, basta naisipan kong mag-Ateneo dahil ang binigay sa akin na kurso eh AB Psychology (nasayahan ako kasi akala ko wala nang math ang kurso na iyo.....putik, puro math pala! :( ). Magkasing-lapit lang naman ang UP at Ateneo sa bahay, kaya nag-Ateneo ako. (Ngayon ko lang naisip na kung nag-aral ako sa uP, marahil nabili na ako ng kotse ng magulang ko. Eh Put@ngina, ang mahal pala talaga ng tuition fee sa Ateneo.)

 

Kaya ayun, naging Atenista ako. Hindi ko naman pinagsisisihan dahil ang apat na taon ko sa Ateneo ang mga pinakamakulay at pinakamaliligayang sandali naranasan ko sa buhay ko. Minsan, iniisip ko kung ano ang kinalabasan ko kung nag-UP ako. Pero hindi ko gaanong pinagtutuunan ng pansin yun. Ipinagmamaliki ko ang pagka-Atenista ko. Sa bawat sandali at araw na inilagi ko sa Ateneo, nabuo sa loob ko na tama ang aking naging desisyon na mag-aral doon. At sa tingin ko, "through hindsight", mas pipiliin ko pa ring maging Atenista kahit na ulitin ko ang kahapon. :)

 

Dream school ng magulang ko ang UP. Ang sa akin, Ateneo. Ang nakakatawa, naging dream school ko ang Ateneo noon lang tapos na ako grumaduate :)

Edited by Chito
Link to comment

i would have loved to go to school abroad. i was even prepared already.. took SAT's and applied to five of the dreamiest of dream schools. i got in four. but most importantly, i got into my top choice: columbia in nyc.

 

i wanted to double major in literature and art history. to take some semesters in florence... to have access to the center of art and literature in the world... to be taught by the most brilliant minds in those fields... to spend time at the whitney and the met... to waste hours at strands...

 

but alas, the asian economic crisis hit and i had to make a decision. going would have meant leaving my family in needlessly more dire straits. so i stayed.

 

no regrets, though. there must be a reason why things happen the way they do... and i'm sure i am where i'm meant to be.

 

:flowers:

  • Like (+1) 1
Link to comment

not since i was in 4th year high school i though last about a "dream" university and course. well, at least, for the local scene, i got to attend my dream university.

 

the hallowed halls of the University of the Philippines.

 

dream course: my first course: Computer engineering

 

but calculus got a little (actually a lot) tough on me.

 

so now my current course is Library and Information Scice. and ive come to love it. its not all books and cataloging. u get to dabble with a lot of things, including psychology, archiving, language, and computers.

 

dream university ko talaga? MIT.... i always thought this was the birthplace of the modern internet... true ba to?

Link to comment

I only applied to three schools when I was in fourth year high school... UST, Letran Calamba (I was seriously considering the prospect of the seminary), and Wesleyan University Connecticutt. I passed two of my applications; my WU scholarship application didn't meet the cutoff date. After that, I closed my eyes, tossed a coin, and then went to UST.

 

Only regret? I should've mailed my application in WU earlier. <_<

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...