Search the Community
Showing results for tags 'Kulturang Pinoy'.
-
Maiba naman tayo sa pulitika. Pag-usapan naman natin ang pang araw-araw na buhay, lalo na sa mga ordinaryong mamamayan natin. Bukambibig ang malaking problema sa trapiko. Katumbas din yan sa hirap na dinadanas ng mga namamasahe o nagko-commute nating mga kababayan. Alam naman natin kung gaano kasaklap ang trapiko lalo na sa Metro Manila. Tila bangungot na ng bawat-isang commuter. Literal na nakakamatay kung tutuusin dahil marami nang napapahamak at nauuwi pa sa pagkamatay ng iilan kahit sa simpleng bagay na di pagkakaunawaan. Ganunpaman, walang mapagpilian ang karamihan kundi mag tiyaga lalo na sa pag aabang o pag pila. MRT at LRT ang pinaka kilala, mabilis at ligtas kahit papano. Kahit pa nga ikaw ay may sariling sasakyan walang silbi minsan lalo na kung nagmamadali ka kaya nanaisin mo pang mag rail transit na lang. Pero heto ang kailangan natin pag-usapan na naaayon para sa mga kababaihan (sorry guys). Higit kasing nakikinabang ang mga kababaihan nito (kaysa sa kalalakihan, amin man o hindi) . Ewan lang kung nangyayari ito sa ibang lugar o ibang bansa na pag may nakitang babaeng (dilag na) nakatayo, magpapaubaya, tatayo at ibibigay sa kanya. Ngayon ang tanong ay ito, uso pa ba ang ganun sa panahong ito? Pwedeng pangkalahatan din ang sagot.
- 203 replies
-
- Kulturang Pinoy
- Maginoo
-
(and 1 more)
Tagged with: