Mas nauunawaan ko na kung bakit nangyayari, kung bakit kailangan masanay ako sa pagkatalo. Marahil ganito talaga ang ikot ng mundo: ipaparanas muna sa’yo ang paulit-ulit na pagkabigo bago ka makarating sa dulo. At tulad ng iba, hindi kailanman nagiging perpekto ang proseso.