Late 90s sarap bumiyahe dito, sa first Diner's pa kame kumakain yung katabi ng talipapa. Ang sarap ng bulalo at tawilis nila. Sulit sa budget and good quality talaga.
Come 2010s nag bago na quality ng Diner's, nag renovate, relocate and nag expand-nawala na yung dating charm. May nadiscover naman kami yung mga bulaluhan (parang kubo-kubo lang) sa gilid ng kalye sa may radar station. Sarap ng bulalo, naalala ko tuloy yung dating Diner's. Tapos nawala na din yun at pinalitan na ng commercial establishments. Ngayon ang bulalo suoer mahal na at ang sine-serve shank na lang, hindi katulad ng dati na biyas ng baka na may malaking buto talaga. Sa Mahogany Market na try namin, ganun din, wala na quality and mahal na. Parang ang mas sulit and good quality na lang is si LMZ na katapat ni Balay Dako.